top of page
Search

ni Angela Fernando @World News | Oct. 29, 2024



Photo File: UN humanitarian / Aid truck sa UN storage facility - Reuters / Mohammed Salem


Nagpasa ang parliament ng Israel ng batas nu'ng Lunes upang ipagbawal ang ahensya ng UN na United Nations Relief and Works Agency (UNRWA) na mag-operate sa loob ng bansa, na nagdulot ng pangamba sa ilan sa mga kaalyado ng Israel mula sa west na natatakot na mas lumala ang kasalukuyang sitwasyon ng humanitarian sa Gaza.


Binigyang-diin ng mga opisyal ng Israel ang pagkakasangkot ng ilan sa mga tauhan ng UNRWA sa pag-atake nu'ng Oktubre 7, 2023, sa southern Israel, at ang pagiging miyembro ng ilang tauhan nito sa Hamas at iba pang mga armadong grupo.


"UNRWA workers involved in terrorist activities against Israel must be held accountable," saad ni Prime Minister Benjamin Netanyahu. Samantala, nagsalita ang lider ng UNRWA, na si Philippe Lazzarini, na ang pagboto ay salungat sa U.N. charter at lumalabag sa batas internasyonal.


"This is the latest in the ongoing campaign to discredit UNRWA and delegitimize its role towards providing human-development assistance and services to #Palestine Refugees," sinabi niya sa social media platform na X.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | Oct. 28, 2024



Mga nasirang building sa Western Gaza City. Photo: Hasan N. H. Alzaanin-Anadolu


Nasawi ang 74 katao mula sa Gaza at Lebanon matapos na umatake ng hukbong Israel nu'ng Linggo. Matatandaang napatay ng mga puwersang Israeli ang hindi bababa sa 53 katao sa Gaza at 21 katao naman mula sa Lebanon.


Kasabay nito, nagpahayag ang UN Chief na si Antonio Guterres ng kanyang pagkabigla sa nakapanlulumong bilang ng kamatayan, pinsala, at pagkasira sa ginigipit na northern Gaza.


Samantala, inihirit ng Egypt ang limitadong 2 araw na tigil-putukan sa lugar ng Gaza para sa palitan ng apat na Israeli at ng mga bilanggong Palestinian.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 26, 2024



Photo: Unconfirmed image, Tehran explosion site sa Iran - The Times of Israel / Circulated


Inatake ng Israel ang mga pasilidad ng militar sa Iran ngayong Sabado ng madaling-araw bilang tugon umano sa mga kamakailang pag-atake ng Tehran sa Israel. Ilang oras ang lumipas, inihayag ng militar ng Israel na natupad na ang kanilang mga layunin.


Iniulat ng media ng Iran ang sunud-sunod na pagsabog sa loob ng ilang oras sa kabisera at sa mga kalapit na base militar, na nagsimula bandang 2 a.m. (2230 GMT noong Biyernes).


Bago magbukang-liwayway, sinabi ng pampublikong brodkaster ng Israel na natapos na ang tatlong bugso ng pag-atake at tapos na ang operasyon.


Sinabi ng Iran na matagumpay na na-counter ng kanilang air defense system ang mga pag-atake ng Israel sa mga military target sa mga lalawigan ng Tehran, Khuzestan, at Ilam, na nagdulot lamang ng "limitadong pinsala" sa ilang lugar.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page