top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News | September 13, 2024



Showbiz News

Inihayag ng Pentagon nitong Huwebes, na inaprubahan ng U.S. State Department ang posibleng pagbebenta ng mga heavy-duty tank trailers at mga kaugnay na kagamitan sa Israel, na nagkakahalaga ng $164.6 milyon.


Kasama na dito ang mga repair parts, tool kits, at technical and logistics support. Hindi inaasahang maipapadala ang mga ito hanggang 2027.


Noong nakaraang taon, matatandaang inihayag ng U.S. ang isang $20 bilyong support package sa armas para sa Israel, kasama ang mga F-15 fighter jets.


Tulad ng mga tank trailers, aabutin ang mga ito ng ilang taon bago maipadala at hindi makakaapekto sa kasalukuyang operasyon ng militar ng Israel sa patuloy na digmaan laban sa Hamas sa Gaza.


 
 

ni Eli San Miguel @World News | September 11, 2024



Showbiz News

Namatay nitong Martes ang hindi bababa sa 19 katao at sugatan ang 60 iba pa sa pag-atake ng Israel sa isang tent camp sa Gaza, kung saan nanunuluyan ang mga Palestinian na nawalan ng tirahan dahil sa nagpapatuloy na digmaan.


Ayon sa Israel, pinuntirya nila ang mga mataas na opisyal ng Hamas gamit ang mga precision-guided munition (PGM). Inihayag ng mga residente at medics na tinamaan ng hindi bababa sa apat na missile ang isang tent camp malapit sa Khan Younis sa lugar ng Al-Mawasi, isang itinalagang humanitarian zone.


Sinabi ng civil emergency service sa Gaza na hindi bababa sa 20 tent ang nasunog, at lumikha ang mga missile ng mga hukay na kasing lalim ng siyam na metro (30 talampakan).


Ayon pa sa kanila, kabilang sa 65 biktima ang mga babae at bata, ngunit hindi nagbigay ng detalyadong pahayag tungkol sa partikular na bilang ng mga patay at sugatan. Walang agad na pahayag mula sa Ministry of Health ng Gaza, na nagtatala ng bilang ng mga biktima.

 
 

by Eli San Miguel @Overseas News | September 4, 2024



Photo

Nasawi ang hindi bababa sa 51 katao at 271 ang nasugatan sa isang pag-atake ng Russian missile sa lungsod ng Poltava, sa gitnang bahagi ng Ukraine. Tinamaan ang isang military academy at ang kalapit na ospital.


Ipinangako ni Pangulong Volodymyr Zelensky na magbabayad ang Russia para sa pag-atake at muling nanawagan para sa karagdagang air defenses upang matulungan ang Ukraine na protektahan ang sarili gamit ang long-range missile strikes. Wala pang tugon ang Moscow sa pag-atake.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page