top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News | Sep. 20, 2024



Editorial

Inaprubahan ng United Nations General Assembly (UNGA) ang isang non-binding resolution noong Miyerkules, na hinihimok ang Israel na wakasan ang okupasyon nito sa teritoryo ng Palestine sa loob ng 12 buwan.


Naipasa ito ng 124 boto para sa pagpabor, 14 sa 'di pagpabor, at 43 abstensyon sa isang espesyal na sesyon na nakatutok sa mga aksyon ng Israel sa East Jerusalem at iba pang mga okupadong lugar. Iminungkahi ito ng State of Palestine at sinusuportahan ng mahigit 20 bansa.


Hinihiling ng resolusyon na sumunod ang Israel sa international law at sa mga desisyon ng International Court of Justice upang tapusin ang kanilang okupasyon sa loob ng isang taon..


Sa bagong resolusyon, nakasaad na, "[The UNGA] demands that Israel brings to an end without delay its unlawful presence in the Occupied Palestinian Territory, which constitutes a wrongful act of a continuing character entailing its international responsibility and do so no later than 12 months from the adoption of the present resolution."

 
 

ni Eli San Miguel @World News | September 17, 2024



SSS

Namatay ang 16 katao sa Gaza Strip nitong Lunes dahil sa mga Israeli airstrike, ayon sa mga opisyal ng Palestine. Tumama ang isang airstrike sa isang bahay sa mataong lugar na Nuseirat refugee camp sa gitnang Gaza, na ikinasawi ng hindi bababa sa 10 katao, kabilang ang apat na babae at dalawang bata.


Kinumpirma ng Awda Hospital ang bilang ng mga namatay at iniulat na 13 iba pa ang nasugatan. Isa pang pag-atake sa Gaza City ang tumama sa isang bahay, na ikinasawi ng anim na tao, kabilang ang isang babae at dalawang bata, ayon sa Civil Defense na nasa ilalim ng pamahalaang pinamumunuan ng Hamas.


Inihayag naman ng Israel na ang mga militante lamang ang kanilang tinatarget at inaakusahan ang Hamas at iba pang grupo ng pagpapahamak sa mga sibilyan sa pamamagitan ng kanilang operasyon sa mga residential areas.


 
 

ni Eli San Miguel @World News | September 14, 2024



Sports News

Napatay ang apat na lider ng ISIS sa isang US-Iraqi raid sa Western Iraq noong Agosto 29 na nagresulta sa pagkamatay ng 14 na operatiba, ayon sa militar ng US nitong Biyernes.


Ibinunyag ng US ang operasyon noong Agosto, kung saan nasugatan din ang pitong tauhan ng militar. Inihayag naman ng US Central Command nitong Biyernes, na kumpirmado na ang pagkamatay ng ilang lider ng ISIS, kabilang si Ahmad Hamid Husayn Abd-al-Jalil al-Ithawi, na responsable para sa lahat ng operasyon sa Iraq.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page