top of page
Search

ni Jenny Albason (OJT) | May 9, 2023



ree

Nananawagan si US President Joe Biden sa US Congress na magpasa ng batas na higpitan ang mga nagmamay-ari ng baril.


Bunsod ito ng panibagong mass shooting sa isang mall sa Dallas, Texas kung saan nasawi ang 9 katao.


Mabilis na nailikas ang mga tao na nasa Allen Premium Outlets matapos ang pamamaril ng suspek.


Agad namang napatay ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek.


 
 

ni Jenny Albason (OJT) | May 9, 2023



ree

Bumitiw na sa kanyang puwesto si Slovakian Prime Minister Eduard Heger.


Magkasunod na nagbitiw sa mga puwesto ang ilang mga minister na dahilan ng paghina ng kanyang gabinete.


Ayon sa Prime Minister, personal niya umanong nakausap si President Zuzana Caputova para sa pagbitiw niya sa kanyang puwesto.


Si Heger kasi ang nagsisilbing caretaker bago ang gaganaping halalan sa Setyembre.


 
 

ni Jenny Albason (OJT) | May 8, 2023



ree

Pinaratangan ng Russia ang Ukraine at Estados Unidos dahil sila umano ang nasa likod ng pambobomba sa sasakyan ng isang Russian nationalist writer na si Zakhar Prilepin na naging sanhi ng pagkasawi ng kanyang driver, noong Sabado.


Ang naturang pag-atake ay nangyari tatlong araw matapos subukan ng Ukraine na puntiryahin ang Kremlin gamit ang kanilang mga drones.


Gayunman, ayon sa Ukraine ay wala umano silang kinalaman sa nasabing pag-atake.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page