top of page
Search

ni Jenny Albason | May 29, 2023



ree

Patay ang dalawang katao at sugatan ang mahigit 20 katao matapos tamaan ng missile ng Russia ang isang pagamutan sa Dnipro city sa Ukraine.


Dinala na sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.


Mas pinaigting ng Russia ang kanilang missile strike dahil sa inaasahan nilang counteroffensive ng Ukraine.


Mariing itinaggi ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang nangyaring insidente kung saan tinawag na terorismo ang ginawang ito ng Russia dahil maraming sibilyan ang nadamay.


 
 

ni Jenny Albason | May 24, 2023



ree

Itinanggi ni Ukraine President Volodomyr Zelensky na nasakop ng Russian forces ang kabisera ng Bakhmut.


Ito ay matapos na ipahayag ng mercenary na suportado ng Russia na kontrolado na nila ang naturang lugar.


Iginiit naman ng Ukranian military sources na nakokontrol pa rin nila ang karamihan sa mga gusali sa outskirts ng kabisera.


Tumanggi na magbigay ng karagdagang detalye si Zelensky tungkol sa sitwasyon ng Bakhmut.


 
 

ni Jenny Albason | May 22, 2023



ree

Suportado ng US ang pagbibigay ng advanced fighter jets kabilang ang F-16 sa Ukraine.


Batay sa isang senior White House officials, handa rin umano nilang turuan ang mga Ukrainian pilots upang magamit ang nasabing mga eroplanong pandigma.


Tinalakay ang nasabing plano sa harap ng mga lider ng Group of Seven.


Ang plano ng US ay bilang tulong na rin kay Ukraine President Volodomyr Zelenskyu na matagal ng humihiling ng mga fighter jets para tuluyang malabanan ang ginawang pagsakop ng Russia.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page