top of page
Search

ni Jenny Rose Albason | June 12, 2023



ree

Nahaharap ngayon sa 37 criminal charges si dating U.S. President na si Donald Trump dahil sa pagtatago umano ng mga sensitibong dokumento.


Ang mga dokumento umanong nakita ng U.S. Department of Justice ay kinabibilangan ng national defense information, nuclear secrets at obstructions.


Kasama rin sa inakusahan ang close aide ni Trump na si Walt Nauta dahil ito umano ang nagbibigay kay Trump ng mga dokumento.


Nakasaad sa dokumento na kasama ni Nauta ang hindi pinangalanang empleyado ni Trump at kinuha ang 15 pang kahon na nasa bahay ng dating presidente.


Sa kanyang panayam sa FBI noong Mayo 2022, tatlong beses na umano itong nagsinungaling na mayroon siyang kinalaman sa dokumento.


 
 

ni Jenny Rose Albason | June 12, 2023



ree

Nagsimula ng panibagong 24-oras na ceasefire sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at Rapid Support Forces noong Sabado.


Ayon sa Saudi Foreign ministry, ito umano ang hakbang na kanilang ginawa kasama ang

United States.


Napagkasunduan ng dalawang magkalabang puwersa na payagan ang pagdaan ng mga humanitarian aid sa buong Sudan.


Ilang libong katao na ang nasawi nang sumiklab ang labanan sa Sudan noong Abril at ilang milyong mamamayan na rin ang lumikas.


 
 
  • BULGAR
  • Jun 5, 2023

ni Jenny Rose Albason | June 5, 2023



ree

Tatlo katao na kinabibilangan ng dalawang bata ang namatay sa panibagong airstrike na isinagawa ng Russia sa Kyiv.


Ang mga batang namatay umano ay tinatayang nasa edad 5 hanggang 13.


Maliban sa tatlong namatay ay nakapagtala pa ng sampu kataong nasugatan.


Patuloy pa ang imbestigasyon sa pambobomba ng Russia sa Kyiv, na nagdudulot pa rin ng takot sa mga residente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page