top of page
Search

ni Loraine Fuasan (OST) | April 1, 2023



ree

SOUTH KOREA — Ibinulgar ng Unification Ministry na bitay ang hatol ng mga taga-North Korea sa mga mamamayan na may kinalaman sa droga at sa pag-share ng videos at religious activities ng South Korea.


Ayon sa ulat ng South Korea Unification Ministry, na namamahala sa inter-Korean affairs, ang inilabas na testimonya ay nakabase lamang sa nakalap noong 2017 hanggang 2022, na nagmula sa mahigit 500 North Koreans ang tumakas sa kanilang bansa.


Batay kay South Korean President Yoon Suk Yeol, na hindi marapat na makatanggap ng kahit konti na economic aid ang nasabing report sa pang-aabuso ng North Korea habang isinusulong ang nuclear ambitions at marapat din itong mai-report sa international community.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 29, 2023

ni Joy Repol-Asis | March 29, 2023



ree

Nasa anim katao ang nasawi sa suicide bombing sa Kabul, Afghanistan.


Naganap ang insidente sa isang security checkpoint malapit sa foreign ministry office.


Ayon kay Kabul police spokesperson Khalid Zadran, napigilan nila ng suicide bomber bago maabot ang target subalit nagawa niyang pasabugin ang sarili nito.


Kasama sa nasugatan ang tatlong Taliban security force members. Dinala naman sa pagamutan ang nasa 12 katao.


 
 

ni Joy Repol-Asis | March 29, 2023



ree

Nasa Ukraine na ang unang batch ng mga tangke mula sa United Kingdom at ibang mga Western-made armored vehicles.


Ayon kay Ukraine Defense Minister Oleksii Reznikov, dumating ang bagong dagdag na armored units tulad ng Challengers (main battle tanks) mula sa United Kingdom, Strykers (infantry fighting vehicles) at Cougars (infantry mobility vehicles from the mine-resistant ambush-protected family) mula sa United States, at Marders (infantry fighting vehicles) mula sa Germany.


Nagbigay din ang Germany ng Leopard 2 na tangkeng pandigma sa Ukraine.


Samantala, hinihintay pa ng Ukraine ang donasyon din ng US na mga M1 Abrams tanks.


Naniniwala ang Ukraine na dahil sa mga tangke ay kaya na nilang mapatalsik ang Russia na sumakop sa kanila.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page