top of page
Search
  • BULGAR
  • Apr 13, 2023

ni J. Repol | April 13, 2023



ree

Nasa 50 katao ang patay sa naganap na airstrike sa Kantbalu, Sagaing, Myanmar.


Batay sa ulat, tinarget ng military ang lugar dahil ito ang pinamumugaran ng mga militanteng grupo.


Ang Sagaing region ay malapit sa pangalawang pinakamalaking lungsod na Mandalay, lugar na may mga kontra sa pamumuno ng militar.


Napag-alaman na Pebrero 2021 pa nang maging magulo na ang bansa na naapektuhan ang kanilang ekonomiya.


Tinanggal sa pamamagitan ng kudeta ang kanilang lider na si Augn San Suu Kyi.


 
 

ni Carlos S. Corpuz (OST) | April 12, 2023



ree

INDIA — Dahil sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19, itinaas ang alerto ng mga pagamutan sa India.


Ayon sa Indian health ministry, nagsagawa na sila ng mock drills tuwing Lunes at Martes sa buong bansa, upang makita ang kahandaan ng kanilang mga pagamutan dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Binigyang-diin ng mga awtoridad sa India na ayaw na anilang maulit ang naganap na second wave noong 2021, kung saan nabatikos ang gobyerno dahil sa kakulangan ng mga oxygen at hospital beds.


Noong Linggo, nagtala ang India ng halos 6,000 bagong COVID-19 cases, kung saan sa kabuuan ay mayroon na silang 35,000 active cases.


 
 

ni Carlos S. Corpuz (OST) | April 11, 2023



ree

AFGHANISTAN — Todas ang dalawa at arestado naman ang ikatlong mandirigmang Islamic state, ng mga Afghanistan special forces matapos ang isang operasyon sa kanlurang parte ng bansa.


Sinalakay ng special forces ang hideout sa distrito ng Sayed Abad sa lalawigan ng Nimroz na nagdulot ng labanan at umabot ng kalahating oras.


Ayon ito kay Mufti Habibullah Ilham, direktor ng impormasyon at kultura ng lalawigan.


Dagdag niya wala namang namatay sa mga tropa o sibilyan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page