top of page
Search
  • BULGAR
  • Apr 15, 2023

ni J. Repol | April 15, 2023



ree

Nag-testify under oath si dating US President Donald Trump sa isang civil case na nag-aakusa ng business fraud laban sa kanya at sa tatlong anak.


Ito ay matapos ang makasaysayang arraignment ni Trump sa bukod na kasong criminal charges na kanyang kinakaharap sa Manhattan.


Ang iba’t ibang imbestigasyon ay posible umanong makaapekto sa kanyang hangarin na muling tumakbo sa pagka-pangulo sa Estados Unidos sa susunod na halalan.


 
 

ni J. Repol | April 15, 2023



ree

Nahuli na ng FBI ang nasa likod ng pagpapakalat ng mga sensitibong dokumento ng Pentagon.


Kinilala ang suspek na 21-anyos na si Jack Teixeira, miyembro ng Massachusetts Air National Guard.


Isinagawa ang pag-aresto sa kanyang bahay kung saan mapayapa itong sumama sa mga umarestong FBI.


Tinukoy ang suspek ng mga naunang inimbestigahan mula nang kumalat ang nasa 100 dokumento na naglalaman umano ng giyera sa Ukraine, China at ilang mga kaalyado ng US.


Sinasabing nai-post ng suspek ang mga dokumento sa group chat nila na binubuo ng mga online gamers.


 
 

ni J. Repol | April 13, 2023



ree

Winakasan na ni US President Joe Biden ang COVID-19 national health emergency.


Sa pamamagitan ng pagpirma nito ng batas na ipinasa ng Kongreso, pormal nang tinapos ang national emergency na may kaugnayan sa COVID pandemic.


Samantala, tiniyak naman ng White House na kahit tinapos na nila ang COVID-19 national health emergency, sinusuportahan pa rin ni Biden ang paggawa ng makabagong bakuna na kayang sugpuin ang anumang uri ng virus.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page