top of page
Search
  • Edcel Jan Pelayo
  • Mar 11, 2020

Kinukumbinsi natin ang sariling mga mata para maniwala sa bagay na hindi pa natin nakikita — pangarap, pagsinta.

Hinahayaan nating kumukutitap ang sariling mga paninindigan para sa pagmamahalan.

Umibig ka sanang parang isang bata, bumabangon tuwing nadarapa, umibig ka sanang parang isang saranggola, handang bumalik sa bawat paghatak.

Umibig ka sanang parang isang bituin, handang maghintay sa kadiliman para magningning.

Pero kung ang pag-ibig ay sadya nang mabigat hayaan mong magpatiwakal ito sa sarili niyang kasinungalingan. Hindi ka nito balak sabayan.

Hindi ito babangon sa pagkadapa. Hindi ka nito babalikan. Hindi ka nito hihintayin sa kadiliman. Hindi ka nito balak seryosohin.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 

Natatandaan ko pa ang madikit at mabigat

na pagpili sa ginamit na putik nang simulan

ang panganganak ng nawawalang kapareha.

Ang paghele sa mga ito habang nasa palad

at dinarama ang init na may lamig sa paglapat.

Unti-unting pinapasadahan ng hagod

gamit ang mga daliri na tinuruan ng pasensiya,

sa pagsayaw nito ng sway para hubugin ang kisig.

Inuna ko ang kanyang mukha batay kay Antonio

mula sa mga mata nitong tulad ng uniberso kung magpakitang-gilas,

sa tangos ng ilong na pinapantasya sa telebisyon

at labi na kay Antonio rin, na nais mahalikan.

Maaaring sa kahibangan ko kay Antonio

kaya nabuo ang estatwa. Mula na rin siguro

sa mga kuwentong-bayan ang pagpili na lumikha ng tao sa putik. Isang mapangahas na sining.

Maaaring sa pag-ibig din ito nagsimula

kung saan ang taong nais kong kapareha ay hindi puwedeng makasama sa mata ni Bathala.

Kaya nabuo siya sa aking harap na nakatindig.

At sa unang subok kong hingahan ang inuka niyang labi wala ang buhay na akala’y sisilay na parang araw.

Naulit ang mga pagtatangka. Ang pagtatanghal

ng katulad kong hangal na magbigay-buhay.

Unti-unting nabitak ang kanyang katawan.

Muli akong nagtangka kahit sa huling pagkakataon.

Doon may nagpakita. Isang saksi at inakalang hindi na darating dahil sa labis na pangungulila.

Hindi siya ang kinatha ngunit, hiningahan ko siya.

Ang ninanais ay nasa tamis ng kanyang dila.

“Anong pangalan mo?”

“Pangalanan mo ako.” Ang kanyang sagot.

Sa pagitan ng halik at kapangahasan aking itinakda — “Ikaw na si Genesis. Ang aking simula.”

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page