top of page
Search
  • BULGAR
  • Aug 20, 2024

ni Ronalyn Seminiano Reonico @What's In, Ka-Bulgar | August 20, 2024



What's In, Ka-Bulgar


Sa lilim ng ulap, asul na tila pira-pirasong diyamante,

Musika ng uniberso, awit ng alon na tila higante,

Buhangin sa baybay na tila mga ginto ng biyaya,

Sa lilim ng araw, buhay ay tila isang pangarap na ligaya.


Ngunit sa ilalim ng pinalang araw, lihim ay nakakahon,

Dagat ay nagkukuwento ng mga tanong sa bawat alon.

Kislap ng mga bituin, dala-dalay kakaibang kulay,

Tunay na sumisimbolo ng pagsasalamin ng buhay.


Sa ilalim ng dagat, makikita ang katotohanan at mga aral.

Na ito ay isang paglalakbay ng mga pangarap at dasal,

Ngunit ang totoong aral ay sa lupa, sa bawat hakbang ng buhay.

Tunay na ligaya’y wala sa baybayin, kundi sa sandali ng buhay.


 
 
  • BULGAR
  • Sep 5, 2021

ni Lyricko Seminiano - @What's In, Ka-Bulgar | September 05, 2021



P-rinsesang marikit na taga singgalong,

A-ba’y tila nabighani sa ‘yo itong hamak na simpleng sundalong

R-ason ka kung ba’t may gana sa ‘king bawat pagpasok,

A-t sa t’wing nasisilayan ka’y nawawala ang pagod.


K-aya kung sakali mang ako’y iyong maririnig,

A-ng gusto ko’y malaman mong ikaw ang aking daigdig,

‘Y-an ang nadaramang taos dito sa ‘king dibdib.


R-osas ka na nasa gitna ng talahiban,

O-o, dahil isa lang sa milyon ang iyong katangian,

A-t ang mapungay mong mata na tila may taglay na hipnotismo,

N-u’ng una kang makita, ikot ng mundo’y napahinto mismo.


G-usto ko lamang gumawa,

O-bra na ikaw lang mismo ang paksa,

N-gumiti ka lamang ay sapat na,

Z-afiro, diyamante o ginto man ay ‘di sapat upang ilarawan

A-ng buhay ko kung paano mo ‘to inilawan,

L-aman ka ng mga dasal ko’t panalangin dahil inspirasyon ka at lakas mangarap sa ‘yo ko natutunan,

E-to simpleng bagay na pinalaanan at pinagtuunan,

S-inulat kong tula na para kay Roan.

 
 

Ang musikang sabay nating

pinakinggan ang nagpapaalala

kung paano tayo nagsimula.

Pinasasagi nito ang timang

kong hitsura sa tuwing pinatutugtog

ko ito’t mukha mo ang naaninagan

sa kawalan.

Bata pa tayo noon, pero puno na

tayo ng pagmamahal.

Minsan na rin nating napagdesisyunang pigtasin

ang taling pareho nating ibinuhol.

Ngunit tila isang paglalakad sa

laberinto ang ginawa nating pamimigtas.

Pasikut-sikot ang daan,

ganu’n din ang ginawa nating buhol.

Isa lamang ang ipinahiwatig nito:

‘di dapatputulin ang tali.

Dahil darating ang araw,

ito ang magbibigkis sa ating

pagsasama na ipapangako natin

sa harap ng dambana.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page