top of page
Search

ni Angela Fernando @News | June 5, 2024



Showbiz News

Iminungkahi ni Senate President Francis "Chiz" Escudero nitong Miyerkules na itaas ang isyu sa West Philippine Sea (WPS) sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa gitna ng pinakabagong agresyon ng China laban sa mga Pilipinong military.


Sinabi ito ng bagong luklok na pinuno ng Senado nang tanungin kung dapat bang magsampa ng panibagong kaso ang 'Pinas laban sa China.


"Option palagi ‘yan ng ating pamahalaan pero isang concern din na nais kong i-bring up ay sana subukan, kung kakayanin ng ating DFA, na dalhin ito sa ASEAN.


‘Yan ang regional organization na kinabibilangan ng Pilipinas at hindi maikakaila ang isyung ito kaugnay sa West Philippine Sea ay nagaganap sa loob na nasasakupan ng ASEAN," saad ni Escudero.


Dagdag pa ni Escudero, hindi man kilala ang ASEAN bilang politikal na asosasyon, magagamit pa rin ang forum para mapag-usapan ang nagaganap sa WPS.


Tugon ito sa video na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpapakita ng mga tauhan ng China na kinukuha ang mga supply na nakalaan para sa mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, sinabi ni Escudero na tila pinapalala nito ang tensyon sa lugar.


Ngunit nanawagan ang mambabatas sa lahat ng partido na manatiling kalmado sa kabila ng mga kamakailang kilos ng mga tauhan ng China, binigyang-diin na walang nagnanais ng digmaan sa rehiyon.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 14, 2023



ree

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Huwebes ang presensya ng mga barkong Tsino sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.


Ayon kay AFP Western Command commander Vice Admiral Alberto Carlos, may limang Chinese maritime militia vessels (CMMV) sa loob ng Ayungin, habang apat na iba ang nasa labas ng shoal.


Sinabi ni Carlos na nagsimula ang pagsulpot ng CMMVs sa shoal, kung saan nakalubog ang BRP Sierra Madre, ngayong taon.


Kasama sina Carlos at AFP chief General Romeo Brawner, Jr. sa misyon sa Ayungin Shoal noong Linggo. Sakay sila ng supply boat na Unaizah Mae 1.


Nasaksihan ng mga opisyal kung paano sinundan, binara ng water cannons, nagsagawa ng mga delikadong maniobra ang mga barko ng Chinese coast guard at maritime militia laban sa resupply team ng Pilipinas.


Binantayan nila ang 40 barkong Tsino sa paligid ng Ayungin Shoal sa kasagsagan ng misyon, ayon kay Carlos.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 6, 2023



ree

Naglayag ang isang grupo ng mga mangingisda sa San Salvador, Masinloc dala ang isang effigy na may katagang "Atin ang 'Pinas" bilang protesta sa ginawang paglabag ng China sa West Philippine Sea.


Nagdulot ng matinding gutom at galit sa mga mangingisda ang patuloy na panggigipit ng China, ayon sa asosasyon ng mga mangingisda ng Masinloc.


Ayon sa konsehal ng barangay at paparating na kapitan ng isla ng San Salvador na si Richard Pascual, umaasa ang kanilang mamamayan at ang isla sa karagatan.


Hindi naman kinalimutan ng mga mangingisdang magpasalamat sa lokal na pamahalaan, kay Presidente Bongbong Marcos, at sa PCG para sa patuloy na paglaban sa kanilang karapatan sa WPS.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page