top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 12, 2021


ree

Patuloy na mananalasa ang bagyong Maring sa Northern Luzon habang patungo ito sa West Philippine Sea dahil sa lawak ng sirkulasyon nito.


Sa nakalipas na magdamag, naranasan sa Northern Luzon ang matinding ulan at hangin na dala ng severe tropical storm.


Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 170 km kanluran ng Calayan, Cagayan na may taglay na lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.


Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.


Nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Batanes, Cagayan, kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur habang Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan, northern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 11, 2021


ree

Suspendido ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa lalawigan ng Cagayan ngayong araw, Lunes, Oktubre 11, dahil sa masamang panahong dala ng bagyong Maring.


Nasa ilalim sin ng Signal No. 2 ang ilang bahagi ng Isabela, Kalinga at Ilocos Norte.


Nakataas naman ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:


* natitirang bahagi ng Ilocos Norte

* Ilocos Sur

* Pangasinan

* Abra

* natitirang bahagi ng Kalinga

* Mountain Province

* Ifugao

* Benguet

* rest of Isabela

* Quirino

* Nueva Vizcaya

* hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Dinalungan, Casiguran, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)

* hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Pantabangan, San Jose City)

* Catanduanes

* Eastern Samar

* silangang bahagi ng Northern Samar (San Roque, Pambujan, Las Navas, Catubig, Laoang, Mapanas, Lapinig, Gamay, Palapag, Mondragon, Silvino Lobos)

* silangang bahagi Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Hinabangan, Paranas)

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 9, 2021


ree

Nagdesisyon ang ilang LGU at eskuwelahan na kanselahin ang pasok ngayong Setyembre 9, 2021, dahil sa patuloy na pagsalanta ng Bagyong Jolina sa ilang lugar sa Luzon.


Kabilang dito ay ang mga sumusunod:


* Las Piñas City (Kindergarten only)

* University of Batangas (all levels kabilang ang College of Law at Graduate School)


I-refresh ang page na ito para sa updates.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page