top of page
Search

ni MC @Sports News | Nov. 7, 2024



Photo: Si Khylem Progella ng Philippines laban sa Australia sa Asian Beach Volleyball Championship-Philippines vs. Australia.


Bumanat ang Alas Pilipinas ng dalawang panalo sa women’s division ng Asian Senior Beach Volleyball Championships pool sa Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa.


Nanaig sina Pinay bets Khylem Progella at Sofiah Pagara kina Shauna Polley at Olivia MacDonald ng New Zealand, 21-19, 21-18, sa Pool E play ng event na pinangangasiwaan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).


Tinalo rin nina Gen Eslapor at Kly Orillaneda sina Yekaterina Ryukhova at Anastassiya Ukolova ng Kazakhstan, 21-19, 21-13, sa Pool F sa torneong may basbas ng Asian Volleyball Confederation (AVC) na pinamumunuan din ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara.


Hindi naman nakausad sina Pinoy spikers Rancel Varga at Lerry John Francisco laban kina D’Artagnan Potts at Jack Pearse ng Australia, 11-21, 16-21. Nabigo rin sina Southeast Asian Games bronze medalists Ran Abdilla at James Buytrago kina Alani Nicklin at Thomas Hartles ng New Zealand, 20-22, 19-21.


Samantala, nagsimula ang kampanya nina AVC Beach Tour Nuvali Open champions Jana Milutinovic at Stefanie Fejes ng Australia sa 21-11, 21-13 na panalo kina Japanese qualifiers Kana Motomura at Nayu Motomura.


Nanalo sina top-rated Chinese pair Wang Jingzhe at Xia Xinyi kina Indonesian qualifiers Kaize Josephine Selvina Anasthasya at Melinda Novita Sari Devi, 21-14, 21-10, sa event na suportado ng Nuvali, Ayala Land, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, City of Santa Rosa, One Sports Plus at Pilipinas Live. Nagwagi sina Tara Phillips at Kayl Mears ng Australia kina Laura Kabulbekova at Nadezhda Ivanchenko ng Kazakhstan, 21-12, 21-13.

 
 

ni MC @Sports News | Nov. 3, 2024




Muling magbabalik sina Stefanie Fejes at Jana Milutinovic ng Australia upang muling targetin ang isa pa muling titulo kung saan ang Alas Pilipinas ay sasabak sa sa 2024 Asian Senior Beach Volleyball Championships simula sa Nobyembre 5 sa Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa.


Ang tambalang Aussies ang nagreyna sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open noong Abril at kumpirmado na ang paglahok kasama ang 19 na iba pang women's tandems sa anim na araw na event na itinaguyod ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).


Walo sa iba pang women's teams ang sasalang sa qualifying para sa nalalabing apat na slots sa main draw ayon kay PNVF and Asian Volleyball Confederation president Ramon “Tats” Suzara. Nakatakda ring magbalik sina Abbas Pourasgari at Alireza Aghajanighasab ng Iran na pakay na makabawi sa Nuvali Open at makikipagtunggali sa 20 pares sa men's main draw.


Sasabak para sa Pilipinas team sina Philippine Air Force duo Gen Eslapor at Kly Orillaneda, na naabot pa ang Round of 16 noong nakaraang summer. Sina Khylem Progella at Sofiah Pagara, teammates ng University of Santo Tomas ay nasa main draw rin ng torneo.


Ang ikatlong Philippine pair, Philippine Army’s Alexa Polidario at Coast Guard’s Jenny Gaviola ang susubok para sa qualifying tournament. Isinaayos din ng PNVF beach volleyball program ang men's side ng Alas Pilipinas nang kunin ang pares nina Southeast Asian Games veterans Ran Abdilla at James Buytrago.


Si Rancel Varga, na naka-silver medal ka-tandem si Buytrago sa FIVB Volleyball World Beach Pro Tour Futures noong Abril, ay makakasama sa big stage si Lerry John Francisco. Pasok sina dating University of Perpetual Help star Ronniel Rosales at ex-National University stalwart Edwin Tolentino sa men’s qualifiers.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | September 10, 2024



Sports News

Nakamit ng EST Cola ang kanilang unang panalo sa bisa ng come-from-behind panalo kontra sa Farm Fresh Foxies sa pamamagitan ng 22-25, 25-17, 19-25, 25-20, 17-15 sa pambungad na laro ng 2024 Premier Volleyball League Invitational Conference kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Kuminang para sa U20 Thai team si Warisara Seetaloed na umiskor ng 33 puntos mula sa 29 atake, kabilang ang tig-dalawang aces at blocks gayundin ang 11 excellent receptions tungo sa unang panalo sa liga matapos ang apat na laro. Sumuporta rin sa Thai team sina Natthawan Phatthaisong sa 18 puntos mula sa 12 atake at tig-tatlong aces at blocks.


Tumulong din sa EST Cola si Nattharika Wasan sa 10 puntos, Sasithorn Jatta sa walong puntos, at Tanyaporn Seeso sa pitong puntos kasama ang 14 excellent digs, habang mahusay ang pamumuno sa opensa ni Panithita Khongnok sa 24 excellent sets at dalawang puntos.


“I’m very, very happy for this first win,” wika ng spiker na si Seetaleod nula sa isang interpreter, para buhatin ang koponan sa kanilang unang panalo sa torneo na inorganisa ng Sports Vision.


Dahil sa nakuhang panalo ay may tsansa ang EST Cola na lumaban sa bronze medal game, habang nalasap ng Farm Fresh ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo at nakatakdang kaharapin pa ang powerhouse na Creamline Coo Smashers sa Miyerkyles.


Tumapos naman para sa Farm Fresh si Asaka Tamaru ng 19 puntos mula sa 18 kills at 22 excellent receptions, gabang sinegundahan ito nina Aprylle Tagsip at Alyssa Bertolano sa 18 at 14 points, ayon sa pagkakasunod, habang nag-ambag sina  sina Caitlyn Viray at Rizza Cruz ng tig-walong puntos.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page