top of page
Search

by Info @News | January 2, 2025



Missing bride - Sherra de Juan at Mark Arjay Reyes FB

Photo File: Mark Arjay Reyes FB



Itutuloy umano nina Mark Arjay Reyes, fiancé ng nawalang bride-to-be na si Sherra de Juan ang kanilang kasal sa Pebrero o Marso.


Bagama’t napag-usapan na nila ito, nakadepende pa rin sa recovery ni Sherra.


“Either end of February or 1st week of March. Depende po sa recovery niya, ‘yun po talaga muna pinagpo-focusan namin,” ani Mark.


Dagdag pa nito, welfare at kalusugan muna ni Sherra ang uunahin nila.


Hindi natuloy ang kanilang kasal matapos maiulat na nawawala si Sherra at natagpuan sa Pangasinan noong Disyembre 29.


 
 

by Info @News | July 23, 2025



Chief Torre at Baste - PNP - Mayor Sebastian Duterte - FB


‘CHARITY BOXING MATCH’


Hindi raw aatrasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III ang hamon na suntukan ni acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte.


Ayon kay Torre, gagamitin niya ang opportunity para gawin itong charity boxing match para sa mga apektado ng bagyo at Habagat.


Hirit pa niya, gawin agad ang 12-round boxing match sa Linggo, Hulyo 27, alas-9 ng umaga sa Araneta Coliseum, Quezon City.


“Hindi ko naman siya pinapatulan, I just see this an opportunity para makatulong sa ating kababayan,” aniya.

 
 

ng BRT @News Viral | July 20, 2025



CEO sa viral kiss cam - Circulated - X

Photo: CEO sa viral kiss cam / Circulated / X


Nagbitiw na sa puwesto ang CEO ng technology company na “Astronomer” na si Andy Byron matapos mag-viral ang kanyang video habang nanonood ng concert ng Coldplay.


Nahuli siya sa “kiss cam” na kayakap ang head ng HR ng nasabing kumpanya kahit na pareho silang may asawa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page