top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 14, 2021



ree

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nila inirerekomendang paghaluin ang iba’t ibang brand ng bakuna kontra COVID-19 bilang tugon sa nagkakaubusang suplay.


Ayon sa panayam kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw, Abril 14, “Sa ngayon, hindi pa ‘yan ang recommendation ng ating mga eksperto. Wala pang evidence to say that kapag binigyan mo ng kakaibang bakuna doon sa first dose, kung ano po ‘yung mangyayari.”


Paglilinaw pa niya, “‘Yun pa rin po ang ating posisyon at ang posisyon ng ating mga eksperto at FDA that whatever brand you have started with na bakuna sa inyo, ‘yan pa rin ‘yung second dose n'yo.”


Kaugnay ito sa naging rekomendasyon ni Dr. Nina Gloriani sa Vaccine Expert Panel (VEP) sa ginanap na briefing kamakailan. Ayon kay Dr. Gloriani, “‘Di ba kulang din ang ating mga supplies ng COVID-19 (vaccine)? Sometimes we have to be realistic, ano ‘yung next na puwedeng ibigay? Hindi puwedeng i-delay too long ‘yung second dose.”


Sa ngayon ay ubos na ang suplay ng AstraZeneca sa ‘Pinas at hindi pa rin nababakunahan ng pangalawang dose ang mga unang nabakunahan nito.


Samantala, iniulat naman sa Germany na ibang brand ng bakuna ang ituturok nila sa pangalawang dose upang makumpleto ang pagbabakuna sa mga unang naturukan ng AstraZeneca.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021


ree

Gaganapin sa ‘Pinas ang clinical trial ng bakunang EuCorVac-19 na gawa ng South Korea upang labanan ang lumalaganap na COVID-19 pandemic, ayon sa Glovax Biotech Corporation ngayong araw, Abril 12.


Ayon kay CEO Giovanni Alingog, “The reason we wanted to do a clinical trial in the Philippines is most of the companies that were given EUA (emergency use authorization) in our country have not done a clinical trial locally. The reason we wanted to trial locally is to show, for ethnicity purposes, for Filipinos, that the vaccine is also effective and safe.”


Ngayong Abril ay nakatakdang isagawa ang combined phase 1 at phase 2 trial ng EuCorVac-19.


Batay pa sa pag-aaral, nagtataglay ito ng 91% hanggang 95% na efficacy rate.


Dagdag ni Alingog, “Because of the emergency purposes or the need of vaccine, we are asking the clinical research organizations and our FDA (Food and Drug Administration) to fast-track a bit our clinical trial so we can serve the Filipino people with a quality and safe vaccine from Korea.”


Samantala, iginiit naman ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na nakikipagtulungan na rin ang Glovax sa Department of Science and Technology (DOST) upang makapag-develop ang ‘Pinas ng sariling bakuna kontra COVID-19.


Sa ngayon, ang may emergency use authorization (EUA) pa lang na bakuna ay ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, CoronaVac ng Sinovac, at ang Sputnik V ng Gamaleya Institute.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page