top of page
Search

ni VA @Sports | March 1, 2024



ree

Pamumunuan nina Tokyo Olympics silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio ang 10- kataong  PH team sa tangkang pagsungkit ng Paris Olympics berths sa unang World Olympic Qualifying Tournament  sa Sabado, (Linggo sa Pilipinas) sa Busto Arsizio, Italy.Ayon kay national coach Ronald Chavez kailangang ang mga miyembro ng koponan ay magwagi ng medalya kahit bronze medal upang magkamit ng ticket sa Paris Games sa kompetisyon na idaraos sa Maria Piantanida Sports Palace E-Work Arena.


Kabilang ang Pinoy boxers sa 632 na kinabibilangan ng 399 na kalalakihan at 233 kababaihan mula sa iba't-ibang panig ng mundo na mag-aagawan  sa nakatayang  28 slots sa men’s division at 21 sa women’s side para sa quadrennial meet sa Hulyo 26 - Agosto 11.


Ayon kay Association of Boxing Alliances in the Philippines head coach Pat Gaspi, nakahanda ang national boxers sa laban. “Everything’s on track, everything is in place,” ani Gaspi. “Coach Ronald says they’re 90 to 100 percent ready in conditioning and skills.”


Ang iba pang kasamang sasabak nina  Paalam at Petecio ay sina  SEA Games champion Rogen Ladon (flyweight), Mark Ashly Fajardo (light welterweight), Ronald Chavez Jr. (super lightweight) at John Marvin (heavyweight) sa men’s division at sina  Aira Villegas (flyweight), Claudine Veloso (bantamweight), Risa Pasuit (lightweight) at Hergie Bacyadan (middleweight) sa women’s.


Sa ngayon ay tanging si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial pa lang ang Filipino boxer na qualified sa Paris Olympics sa bisa ng  silver medal finish sa light heavyweight division noong Hangzhou Asian Games. Sa Spain nagwagi sina Petecio, Ladon, Villegas at Bacyadan ng gold medals sa nilahukan nilang Boxam Elite Tournament sa La Nucia,  Alicante, noong Peb. 4.


Samantala, ang ikalawa at huling World Olympic Qualifier ay idaraos sa Bangkok, Thailand sa Mayo 23 -Hunyo 3.


 
 

ni VA @Sports | February 28, 2024



ree

Nasangkot ang Gilas Pilipinas player na si Jamie Malonzo sa  kaguluhan sa isang fast food chain sa may Bonifacio Global City ilang oras bago ang laban nila kontra Chinese-Taipei noong Linggo ng gabi. Kasunod nito ay humingi na ng paumahin si Malonzo kahapon sa SBP. 


Ilang sandali bago magsimula ang nasabing laban sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers, isang video ang kumalat sa mga social media channels na nagpapakita sa 6-foot-5 winger ng Ginebra na sangkot sa kaguluhan sa isang restaurant.


Nakumpirma noong Lunes na si Malonzo ang nasa video at ang kaaway nito ay isang mixed martial artist.


Ayon sa ilang sources, nagpaalam si  Malonzo na hindi makakalaro sa nasabing laban kontra Taipei dahil sa gastral pain o pananakit ng sikmura.


Naka-checked in noon ang Gilas sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.


Matapos magpaalam, nagtungo si Malonzo sa BGC upang bumili ng inumin bago magtungo sa nabanggit na fast food restaurant kung saan sila nagpang-abot ng sinasabing martial artist.


Humingi na ng paumanhin si Malonzo sa pamunuan ng Philippine Basketball Association at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas dahil sa pangyayari.


Ayon kay Gilas head coach Tim Cone may dinaramdam na si  Malonzo maging si Justin Browlee pagkaraan ng Gilas road game kontra Hong Kong.


Gayunpaman, naglaro pa rin si Brownlee kontra Chinese-Taipei. “We contemplated bringing him to the hospital. He’s that down and out,” ani Cone.


“We sent our doctors over to him and put him on IV, but I think maybe some of the guys just got dehydrated severely on the trip and we didn’t hydrate well after that. And I’ve got to be more cognizant of that, making sure that the guys are doing that better.”


 
 

ni VA @Sports | February 28, 2024



ree

Ibinalita ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na may mga natanggap silang imbitasyon kaugnay ng kanilang ginagawang paghahanda sa darating na FIBA Olympic Qualifying Tournament 2024 sa Hulyo.Ayon kay Cone, inimbita ang national men's basketball team ng mga  European teams na Lithuania at Slovenia na naghahanda rin para makakuha ng slot sa Paris Games.


We’ve got some invitations from Lithuania, Slovenia, and the Czech Republic, we’re gonna work our way through those and see what we can do,” wika ni Cone.


Gayunman, wala pa silang pinagpapaunlakan dahil sampung araw lamang ang ibinigay sa Gilas upang makapaghanda para sa FIBA windows base sa napagkasunduan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at mga basketball stakeholders gaya ng PBA at UAAP.“The window for us to do it is only 10 days,” ayon pa kay Cone.


That’s our agreement with the PBA, that’s our agreement with the NCAA and UAAP, and also the agreement with the Japan league – they can only release them for so long for a FIBA window. Ten days it is for us,”dagdag nito.


Ginawa ni Cone ang pagsisiwalat ng mga kaukulang development moments pagkatapos ng kanilang Window 1 campaign sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers sa pamamagitan ng 106-53 pagdurog sa Chinese Taipei sa Philsports Arena.Tinapos ng Gilas ang unang window na may malinis na kartadang  2-0, panalo-talo kabilang dito ANG 94-64 na paggapi nila sa Hong Kong sa Tsuen Wan Stadium.


Kung sila ang tatanungin, nais sana ni Cone at ng GIlas na mayroon pa sanang isang laro sa unang window.


We were like, we wish we had one more game, or another game to play like next week or in a couple of days, so we could keep this group together. But it’s not something we control," dagdag nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page