top of page
Search

ni VA @Sports | June 25, 2024



Sports News

Kinumpleto ng University of Santo Tomas ang sweep sa women's division, habang nanguna naman ang New South Wales Phoenix ng Australia sa men's side sa pagtatapos ng Beach Volleyball Republic on Tour Sipalay leg noong Linggo sa Poblacion Beach.


Pinayukod nina Sofiah Pagara at Khy Progela ang National University tandem nina Honey Grace Cordero at Kat Epa, 21-18, 21-13, upang kumpletuhin ang 4-game sweep.


Nagawa namang nalusutan ng Aussies na sina Killian Donovan at Jett Graham ang matinding hamon mula kina Alas Team-A Ranran Abdilla at AJ Pareja sa huling dalawang sets upang maitala ang  21-13, 17-21, 15-12 panalo at makumpleto rin ang 4-game sweep sa kanilang kampanya.


Nauna nang tinalo ng reigning UAAP champion UST Tiger Sands ang NU sa loob ng tatlong sets noong Sabado. Sa kabilang dako, ginamit naman nina Donovan at Graham na nagtapos na pang-apat noong nakaraang buwang Asian Under-19 Beach Volleyball Championships sa Roi-Et, Thailand,ang kanilang  height advantage upang makamit ang kampeonato.


Sa women's semifinals, ginapi nina Pagara and Progella ang Strong Group Athletics tandem nina Gem at Euri Eslapor, 21-17, 21-16, upang maitakda ang Finals duel nila nina Cordero at Epa na nanaig kontra sa Pontevedra pair nina Erjane Magdato at Perper Cosas, 18-21, 21-14, 15-7.


‌Sa men's division, dinomina naman nina Donovan at Graham ang Cebuano duo nina Samlet Booc at Micael Marabe, 21-10, 21-8, habang namayani naman sina Abdilla at Pareja laban sa UST pair nina Aldwin Gupiteo at Dominique Gabito, 21-15, 21-11.


Nakamit nina Magdato and Cosas ang bronze makaraang igupo ang magkapatid na Eslapor, 28-26, 19-21, 15-13. Naka-podium finish din sina Gupiteo at Gabito matapos walisin ang bronze medal match nila nina Booc at Marabe, 21-13, 21-15.

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | June 22, 2024


Sports News
Photo: Carlos Yulo & EJ Obiena / FB

Muling nagwagi ng gold medal ang Filipino pole vaulter na si  Ernest John 'EJ' Obiena sa katatapos na 6th Irena Szewinska Memorial sa Bydgoszcz, Poland kahapon-Biyernes (Manila time).


Nagtala ang Paris Olympics-bound na si  Obiena ng personal season-best na 5.97 meters sa loob lamang ng isang attempt upang mangibabaw sa kompetisyon.Tinangka rin ni Obiena na magtala ng bagong personal at national record subalit bigo siyang ma- clear ang taas na 6:02 meters sa loob ng tatlong attempts.Pumangalawa kay Obiena at nagkamit ng silver medal si  Emmanouil Karalis ng Greece pagkaraang magtala ng kanyang  personal-best na 5.92 meters habang pumangatlo naman para sa bronze ang home bet na si Piotr Lisek matapos magtala ng  5.75 meters. 


Target naman ni Carlos Yulo ang 2 ginto sa artistic at all-around nang kapanayamin ng media kasama si gymnastic president at dating Philippine Sports Commission Commissioner Cynthia Carrion para sa pangarap niyang hindi natupad sa Tokyo.


“Ang laban kong ito ay hindi lang para sa aking sarili, kundi para rin sa bayan at ating mga kababayan na nananalangin sa aking tagumpay sa Paris,” ani Yulo kasama ang girlfriend na si Chloe San Jose.


Nabigo ako sa Tokyo, this time, pipilitin kong magtagumpay dahil ang misyon at ultimate goal ko sa Paris ay manalo. Nothing more, nothing less,” wika ng 24-anyos na Japan-based two-time world champion at bakas sa kanya ang determinasyon na magkamedalya sa Paris.


“I am more stronger and prepared than last year. I prepared hard enough at nakahanda akong harapin ang aking mga kalaban,” ani Yulo. 


Ipinakita ni Yulo ang kahandaan nang magwagi ng gold  sa International Gymnastic Federation World Cup sa Doha, Qatar at 2024 AGU Artistic Asian Championship sa Tashkent, Uzbekistan.


Naka-3 ginto rin sa exercise, vault at parallel bars noong 2023 Asian Championship sa Doha at sa SEA Games sa Cambodia, 15th Asian Gymnastics at 10th Asian Senior Gymnastics, ginto at pilak sa 2022 edition sa Qatar at pilak sa Singapore. 


 
 

ni GVA @Sports | June 21, 2024



showbiz news


Labing-anim na ang mga Filipinong atleta na kakatawan sa bansa sa darating na Paris Olympic Games.


Ito'y matapos ihayag ni Philippine Judo Federation president Ali Sulit na nakakasiguro na ng kanyang slot ang Filipina-Japanese judoka na si Kiyomi Watanabe.


Ito ang sinabi ni Sulit kahit wala pang pormal na anunsiyo mula sa International Judo Federation (IJF).“The official announcement of our international federation will be next week, that is why we have not released anything yet,” ani Sulit sa isang hapunan na inihandog ng Philippine Airlines para sa mga atletang sasabak sa Paris Games. “But it is in the bag. ”Nakatakdang makuha ni Watanabe ang isa sa dalawang  continental quotas na nakalaan sa Asia sa women’s -63kg division dahil sa kasalukuyan niyang ranggo na 92nd sa world rankings.


Bagamat may mga judoka mula sa  Asia na mas mataas ang ranggo kay Watanabe, mapupunta pa rin sa kanya ang spot dahil sa patakarang isang atleta lamang kada isang bansa ang puwedeng mag-qualify sa bisa ng continental qualification para sa lahat ng weight categories at kasarian. Nakatakdang ilabas ng IJF ang kanilang listahan ng final world ranking sa Hunyo 25. Ito ang magiging ikalawang second Olympic para sa 27-anyos na si  Watanabe kasunod ng naging pagsabak niya sa nakaraang Tokyo Games. Dahil din sa inaasahang qualification ni Watanabe, ito na rin ang ika-4 na sunod na Olympics na may kinatawang judoka ang Pilipinas sa Summer Games. “We’re thankful for that, we’re grateful, and we’re really excited for this Olympic campaign for Kiyomi,” wika pa ni Sulit.  


Kasama ng aalis ng mga atleta bukas (Sabado)-Hunyo 22, ipinagmamalaki ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino ang naturang historic camp. “After the send-off on Friday (June 21) we’re going to the training camp in the city of Metz – a one-and-a-half hour train ride [from Paris],” ani Tolentino.


We’re taking the athletes who are coming from the Philippines, since others are coming from Spain, Japan, US…but everyone will gather there.”   

 
 
RECOMMENDED
bottom of page