top of page
Search

ni VA @Sports | March 13, 2023



ree

Nadagdagan ng isa pang gold medal ang koleksiyon ni Filipino gymnast Carlos Yulo sa ginaganap na FIG Artistic Gymnastics World Cup Series nang magwagi ito sa parallel bars ng Baku, Azerbaijan leg noong Sabado-Marso 11.

Nakakuha si Yulo ng iskor na 15.4 puntos sa finals upang makamit ang una niyang gold medal sa event kung saan nagwagi siya ng silver at bronze sa naunang Doha, Qatar at Cottbus, Germany legs ayon sa pagkakasunod.

Pumangalawa sa qualification, ginapi ni Yulo si Illia Kovtun ng Ukraine na tangka sanang sungkitin ang ikatlong gold medal niya sa event ng ginaganap na World Cup Series.

Bigo ang Ukrainian na ipagpatuloy ang kanyang pamamayagpag makaraang makaiskor lang ng 15.366 puntos para sa silver. Pumangatlo naman sa kanila si France gymnast Cameron-Lie Bernard na nagtala ng 14.6 puntos habang pumanglima lamang ang top qualifier na si Curran Phillips ng United States matapos makakuha ng 14.5 puntos.


Iyon na ang ikalawang gold medal ni Yulo sa idinaraos na World Cup Series kasunod ng kanyang panalo sa floor exercise sa Doha leg noong nakaraang linggo.

Sa kabuuan ay mayroon ng limang medalya ang 23-anyos na Olympian na kinabibilangan din ng isang silver at dalawang bronzes. Nabigo naman siyang magwagi ng medalya sa rings makaraang tumapos lamang na pampito sa finals.


Posible pang madagdagan ang kanyang medalya dahil nakatakda pa siyang lumaban sa finals ng vault kahapon (Linggo-Marso 12) habang isinasara ang pahinang ito.

Nalagay sa 7th sa rings final, pakay ni Yulo na tapusin ang Baku campaign sa magandang performance para sa isa pang medalya sa vault final kagabi.


 
 

ni VA @Sports | February 13, 2023



ree

Hindi maglalaro si Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas sa 6th window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

Ito ang ipinaabot ng kampo ng 7-foot-3, center na kasalukuyang nasa bansa sa saglit na pahinga mula sa pagtatapos ng kanyang stint sa Adelaide 36ers ng NBL - Australia.

At ayon sa kampo ni Sotto, aalis din ito patungong Japan bago pa man ang window 6 kung saan nakatakdang makalaban ng Gilas ang Lebanon at ang Jordan. Base sa schedule, makakasagupa ng Gilas ang Lebanon sa Pebrero 24 at ang Jordan sa Pebrero 27 sa mga larong idaraos sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Inaasahan sana ng Gilas ang paglalaro ni Sotto upang makadagdag sa kinakailangang taas ng koponan na nabawasan pa sa pagka injured ni Japeth Aguilar na nagtamo ng MCL injury.


Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, may magandang offer silang nakahandang ibigay Kay Sotto kung sakaling pumayag itong maglaro sa 6th window. Gayunman, tinanggihan umano ito ng kampo ni Sotto na nagsabing mas pinaprayoridad nila ang kalusugan ng manlalaro. "Health is more important than money," ayon sa kampo ni Sotto. Base na rin sa direktiba ng Wasserman sports agency na siyang namamahala sa planong pagpasok sa NBA ni Sotto,sa Japan B League na lalaro si Sotto bago ito magtungo muli ng US upang lumahok sa mga mini-camps doon at sa Summer League. Ayon pa sa mga handlers ni Sotto, iniingatan lamang nila at inilalayo ang kanilang alaga sa mga di inaasahang injury. "It's not about the money," wika ng source na di na nagpakilala.

Umaasa aniya sila na mauunawaan ng pamunuan ng Gilas at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang kanilang desisyon na huwag nang palaruin si Sotto sa huling yugto ng qualifier lalo pa't tiyak na naman anilang pasok ang Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup bilang isa sa mga host.

 
 

ni VA @Sports | January 25, 2023



ree

Hindi na sasabak sa Cambodia Southeast Asian Games si Hidilyn Diaz- Naranjo kung saan paborito sana siyang magwagi ng ikatlong sunod na gold medal sa weightlifting.


Sa halip, lalahok siya sa Asian Weightlifting Championship na isang Paris 2024 Olympics qualifier na makakasabay ng 32nd SEAG sa Mayo.

Mismong ang asawa at coach ng Tokyo Olympics gold medalist na si Naranjo na si Julius (Naranjo) ang kumumpirma ng balita.

Ang dahilan, mag-aabot at magkakasabay ang Cambodia Games sa Mayo 5-17 at ang Asian championships sa Mayo 3-13 sa Jinju, South Korea.

I don’t see it as advisable for us to compete in the SEA Games because it is not an Olympic qualifying event,” ayon pa kay Naranjo. Gusto rin aniya ng kanyang maybahay na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang weightlifters na ipakita ang galing sa Cambodia. “At the end of the day, we’re focusing on qualifying for the Olympics and Hidilyn also wants to give chance to other aspiring athletes who can make a mark in SEA Games,” paliwanag ni Naranjo. “We have to look for what’s more relevant and we think the Jinju competition is more likely our destination.”

May tsansa si Diaz-Naranjo na makasabak sa ikalimang sunod niyang Olympics kung sakali sa Paris kung magwawagi siya sa anim na qualifiers na itinakda ng International Weightlifting Federation para sa 2024 Games.

Nagwagi si Diaz-Naranjo sa unang 6 na qualifying tournaments-ang World Championships noong Disyembre sa Bogota,Columbia.


Ngunit ang agumpay sa Bogota ay nagawa nya sa 55 kgs.category kung saan din siya nagwagi ng gold medal sa Tokyo.

Hindi isinama sa Paris program ang kategorya kaya umakyat ni Naranjo sa 59 kgs division.

Base sa itinakda ng International Weightlifting Federation (IWF) na time line para sa hangad na mag-qualify sa Paris Olympics ay nagsimula noong Agosto 2022 at matatapos sa Abril 2024.

Kabilang sa qualifiers na lalahukan ni Diaz-Naranjo ang 2023 IWF Grand Prix 1 and 2, 2024 senior continental championships at IWF World Cup sa Thailand sa Abril.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page