top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 7, 2024



ree

Umatras na sa pagtakbo bilang United States President ang dating South Carolina Governor na si Nikki Haley.


Inanunsyo ni Haley ang pag-atras sa eleksyon matapos matalo sa primary elections na sakop ang 17 estado na "Super Tuesday".


Samantala, natiyak naman na ang dating US President na si Donald Trump ang ituturing na representative ng Republican party sa halalan na gaganapin sa Nobyembre.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 23, 2024



ree

Nakausap ng United States President na si Joe Biden ang asawa't anak ng napatay na Russian opposition leader Alexei Navalny.


Nagpahayag ng pakikiramay at paghanga si Biden kay Navalny dahil sa katapangan nito.


Nangyari ang pag-uusap ni Biden at ng asawa ni Alexei na si Yulli at anak niya sa San Francisco, California na si Dasha Navalny.


Ayon sa US President, inihahanda na ang mga sanctions laban sa Russian President na si Vladimir Putin.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 22, 2024



ree

Nagkita sina United States Sec. of State Antony Blinken at Brazilian Pres. Luiz Inacio Lula da Silva kamakailang bumisita si Blinken para talakayin ang pagpapalakas ng ugnayan ng bansang US at Brazil.


Ang pagbisita ni Blinken ay kasunod ng nangyaring pangongondena ng Israel sa pahayag ng Brazilian Pres. kung saan tinawag nitong genocide ang ginagawang pag-atake sa Gaza.


Nagpahayag naman si Blinken na sila'y umaasang humupa na ang kaguluhan sa bansang Israel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page