top of page
Search

ni Lolet Abania | December 12, 2021


ree

Nag-iwan ng mahigit sa 80 katao ang patay habang napakaraming nawawala matapos ang dosenang mga tornado o buhawi ang matinding tumama sa magdamag sa anim na US states nitong Sabado.


Itinuturing ito ni President Joe Biden bilang, “one of the largest storm outbreaks in American history.”


“It’s a tragedy,” nanginginig na sabi ni Biden sa isang televised comments.


“And we still don’t know how many lives are lost and the full extent of the damage.”


Sa ulat, kahit may kalamigan ng gabi ng Sabado matapos ang buhawi, kabi-kabila pa rin ang search-and-rescue ng mga opisyal upang matulungan ang mga kababayan nila sa buong Amerika, kung saan nawasak ang kanilang mga tahanan at mga negosyo, habang patuloy na naghahanap ng mga survivors.


Pinaniniwalaang nasa mahigit 70 indibidwal ang namatay sa Kentucky pa lamang, na karamihan sa kanila ay mga workers sa isang candle factory, habang tinatayang nasa anim ang nasawi sa isang Amazon warehouse sa Illinois, kung saan night shift ang duty ng mga manggagawa na tinatapos ang mga orders bago ang Pasko.


“This event is the worst, most devastating, most deadly tornado event in Kentucky’s history,” sabi ni state Governor Andy Beshear. “We will have lost more than 100 people.”


“The devastation is unlike anything I have seen in my life, and I have trouble putting it into words,” saad pa niya sa mga reporters.


Agad naman idineklara ni Beshear ang state of emergency sa nasabing state.


Patuloy naman ang mga awtoridad sa paghahanap sa mga nawawala.

 
 

ni Lolet Abania | September 1, 2021


ree

Nagsagawa na ng search-and-rescue operations matapos na isang US Navy helicopter ang bumagsak sa karagatan na sakop ng baybayin ng California, USA, ayon sa US Pacific Fleet nitong Martes.


Isa sa crew member ang nakaligtas at batay sa statement ng naturang fleet, “Search and rescue operations are ongoing with multiple Coast Guard and Navy air and surface assets.”


Sa post sa Twitter ng US Pacific Fleet, “The MH-60S helicopter took off from the USS Abraham Lincoln during ‘routine flight operations’ about 60 nautical miles off the coast of San Diego at 4:30 p.m. (2330 GMT).”


Hindi naman binanggit ng navy kung ilan ang naging sakay ng naturang helicopter, habang wala nang ibinigay na iba pang detalye hinggil sa insidente.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 28, 2021


ree

Nagsagawa ng drone strikes ang United States laban sa diumano'y planner ng Islamic-State na itinuturong nasa likod ng pagpapasabog sa Kabul airport sa Afghanistan na naging dahilan ng pagkasawi ng 13 sundalong Amerikano, ayon sa US military noong Biyernes.


Saad ni Captain Bill Urban of the Central Command, "The unmanned airstrike occurred in the Nangarhar Province of Afghanistan. Initial indications are that we killed the target. We know of no civilian casualties."


Noong Huwebes, umabot sa higit-kumulang 78 katao ang nasawi kabilang na ang 13 sundalong Amerikano nang bombahin ang Abbey Gate ng airport kung saan naroroon ang ilang puwersa ng US dahil sa pagpapalikas sa mga nais umalis ng Afghanistan.


Matapos ang insidente, kaagad namang naglabas ng pahayag si President Joe Biden at aniya, "To those who carried out this attack as well as anyone who wishes America harm, know this: We will not forgive. We will not forget. We will hunt you down and make you pay.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page