top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Nov. 6, 2024



Photo: Kamala Harris at Donald Trump - Kamil Krzaczynski-AFP / Alex Brandon-AP


Nanalo na ang Republican na si Donald Trump sa walong estado sa halalan sa pagkapangulo ng United States nitong Martes, habang nakuha naman ni Democrat Kamala Harris ang tatlong estado at Washington, DC, ayon sa Edison Research.


Gayunpaman, nananatiling hindi tiyak ang resulta ng laban, dahil posibleng abutin ng ilang oras o araw bago matapos ang pagbibilang sa mga pangunahing battleground states.


Inaasahan ang maagang resulta, na nakatutok sa pitong swing states: Georgia, North Carolina, Pennsylvania, Arizona, Michigan, Nevada, at Wisconsin, kung saan ipinakita ng mga survey na dikit ang laban ng mga kandidato.


Pagsapit ng 8 p.m. ET, sarado na ang mga botohan sa 25 estado.


May 90 electoral votes na si Trump matapos manalo sa Kentucky, Indiana, West Virginia, Alabama, Florida, Oklahoma, Missouri, at Tennessee, habang si Harris ay may 27 mula sa Vermont, Maryland, Massachusetts, at Washington, DC.


Kailangan ng isang kandidato ng 270 electoral votes upang manalo sa pagkapangulo.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 16, 2024



ree

Nagpaabot ng pakikiramay ang United States Secretary of State na si Antony Blinken para sa 2 American teenagers na nasawi sa West Bank.


Ayon kay Blinken, dapat na tukuyin kung ano ba ang nangyari sa mga biktima sa isang imbestigasyon.


Ito ay matapos na napatay ang dalawang 17-anyos na Palestinian-American ng Israeli forces sa West Bank sa parehas na buwan.


Isang Amerikana naman ang dinukot ng Israeli forces sa mismong bahay nito sa West Bank na kanilang sinaktan at hindi binigyan ng gamot na agad pinabulaanan ng kampo ng Israel.

 
 

ni Zel Fernandez | May 12, 2022


ree

Kasunod ng pamamayagpag sa bilangan ng mga boto nitong 2022 National Elections, at sa nalalapit na proklamasyon bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas, naglabas ng pahayag ang White House na nakausap na ni U.S. President Joe Biden si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kahapon ng Mayo 11, 2022.


Ayon sa pahayag, “President Joseph R. Biden, Jr. spoke today with President-elect Ferdinand Marcos, Jr. of the Philippines to congratulate him on his election. President Biden underscored that he looks forward to working with the President-elect to continue strengthening the U.S.-Philippine Alliance, while expanding bilateral cooperation on a wide range of issues, including the fight against COVID-19, addressing the climate crisis, promoting broad-based economic growth, and respect for human rights.”


Nakasaad sa naturang White House release, kasabay ng pagbati ni Biden sa nalalapit na pagkahalal ni Marcos Jr. bilang bagong pangulo ng bansa ay nakahanda na ang Estados Unidos na patuloy pang pagtibayin ang alyansa at pakikipag-ugnayan nito sa Pilipinas ukol sa mga maraming usapin kabilang ang pagsugpo sa COVID-19, krisis sa klima, malawakang pagsusulong ng pagyabong ng ekonomiya at ang pagkilala sa karapatang-pantao.


Nauna rito, naging usap-usapan sa social media ng ilang mga supporters nina Robredo at Pangilinan ang umano’y hindi magandang relasyon ni Marcos sa U.S. kaya hindi anila ito makatatapak sa bansa.


Gayundin, pinangangambahan ng mga ito na ang paghahalal kay BBM bilang bagong presidente ay posible umanong magdulot ng pagkawala ng mga business process outsourcing (BPO) companies sa Pilipinas na lubos na makaaapekto sa milyong call center agents sa bansa.


Gayunman, kasabay ng mga espekulasyong hihina umano ang ekonomiya ng bansa kapag naging pangulo si Marcos Jr., patuloy ding napapabalita ang mga pagbati sa kanya ng mga lider mula sa iba’t ibang bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page