top of page
Search

ni Mabel G. Vieron | April 22, 2023




Sa patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine, napagplanuhan ng South Korea na magsuplay ng mga armas sa Ukraine.


Kaugnay nito, agad namang nagbabala ang Russia sa South Korea.


Matatandaang nagbigay ng non-lethal at humanitarian assistance ang South Korea subalit hindi pa nakapagbibigay ng anumang military aide.


Ani South Korea President Yoon Suk Yeol, bukas umano silang magbigay ng mga armas sa Ukraine.


Samantala, ayon kay Russia President Dmitry Peskov, ang pagbibigay ng military support sa Ukraine ay nangangahulugan ng indirect involvement sa away nila ng Ukraine.


Dagdag pa ni President Peskov, ‘pag ipinagpatuloy ng South Korea ang balak, magsusuplay din ito ng mga armas sa North Korea.


 
 

ni Loraine Fuasan (OJT) | April 4, 2023




UKRAINE — Isang 5-buwang gulang na sanggol at ang kanyang lola ang nasawi matapos pagbabarilin ang ina ng beybi sa bayan ng Avdiivka na lungsod ng Bakhmut sa Donetsk Oblast sa silangang Ukraine noong nakaraang linggo.


Ayon sa pinuno ng Donetsk regional administration na si Pavlo Kyrylenko, nang mangyari ang insidente sa bagong bahay ng pamilya, pinapalipat umano ang mga ito sa frontline zone ng mga Ukrainian police, subalit tumanggi ang mga ito kaya pinaputukan sila ng baril. Ngunit sa kasamaang-palad, ang sanggol at lola nito ang tinamaan ng bala ng baril at nagtamo ng sugat ang mga magulang nito.


Samantala, iniulat naman ni Kyrylenko, na ang paglikas ay tila hindi pa rin maintindihan ng mga tao, at sinasabing hindi naman nila kailangan lumipat. Gayunman, ito lang ang tanging bagay na makapagliligtas ng buhay ng mga tao ngayon.


 
 

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 23, 2023




Walong Leopard at 2 tanks ang dumating sa Ukraine.


Ayon sa Norweigan Armed Forces na patuloy pa rin ang ginagawang pagsasanay sa mga sundalo na mag-o-operate sa nasabing tanke.


Gawa umano sa Germany ang nasabing tangkeng pandigma, sumunod lamang sila sa hakbang ng ilang mga bansa na magbigay ng mga tangkeng pandigma sa Ukraine upang tuluyang maitaboy ang Russia.


Kung matatandaan ay noong Pebrero inanunsiyo ng Norway na bumili sila ng 54 German Leopard 2 tanks bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang defense capabilities.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page