top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News  | August 28, 2024



Showbiz News

Isang missile mula sa Russia ang tumama sa Kryvyi Rih nitong Miyerkules, habang nagluluksa ang lungsod para sa nakaraang pag-atake na pumatay sa apat na sibilyan sa isang hotel.


Nakapinsala ng imprastruktura ang bagong missile strike at nasugatan ang apat na tao, ayon sa lokal na opisyal na si Oleksandr Vilkul.


Itinuturing naman ang pag-atake noong Martes sa Kryvyi Rih, na pumatay sa apat na tao at nasugatan ang limang iba pa, bilang bahagi ng serye ng mga pag-atake gamit ang missile at drone sa buong Ukraine na isinagawa ng Russia.


Patuloy na isinusulong ng mga puwersa ng Russia ang pag-atake sa okupadong silangang rehiyon ng Donetsk sa Ukraine, na isa sa mga pangunahing layunin ng Kremlin. Papalapit na ang Russian army sa Pokrovsk, isang mahalagang logistics center para sa depensa ng Ukraine sa lugar.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 19, 2024



ree

Inihirit muli ng Ukrainian President na si Volodymyr Zelensky ang tulong mula sa United States.


Nilinaw ni Zelensky ang kahalagahan ng tulong militar ng US para sa kanilang bansa ngayong muling nahalal na Presidente si Vladimir Putin nu'ng bumisita si Senator Lindsey Graham.


Pinangangambahan ng Ukraine ang pagpapaigting ng Russia ng kanilang mga atake lalo sa kasalukuyan.


Matatandaang ang muling pagkahalal ni Putin sa limang beses na pagkakataon ay kinuwestiyon ng maraming bansa.

 
 

ni Joy Repol @World News | August 21, 2023



ree

Kinumpirma ng Ukrainian officials na pito katao ang nasawi kabilang ang 6-anyos na babae habang nasa 144 ang sugatan matapos magpakawala ng missile ang Russia sa central square sa siyudad ng Chernihiv.


“I am sure our soldiers will give a response to Russia for this terrorist attack,” pahayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy.


Ani Zelenskiy, sa 144 na sugatan, 15 ay pawang mga bata.


Ayon naman kay Interior Minister Ihor Klymneko, kabilang sa mga nasugatan ay ang 15 police officers.


Karamihan sa mga biktima ay nasa sasakyan at binabagtas ang daan.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page