top of page
Search

Magbibigay ng P5,000 na gantimpala si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng COVID positive patient na tumakas mula sa kanyang isolation facility noong Mayo 9.

Ito ay upang mahanap si Arani Hajiba, nasa edad 20-24, residente ng Barangay 23-C, Davao City.

Nauna na ring nag-alok ng P5,000 ang barangay kapitan nito na si Wating Usman upang maibalik agad sa kanyang isolation facility ang naturang pasyente.

Dahil dito, P10,000 na ang kabuuang reward money para kay Hajiba.

 
 

Lumakas pa ang Typhoon Ambo sa nakalipas na mga oras.

Huli itong namataan 185 km sa silangan timog silangan ng Catarman, Northern Samar o 110 km sa silangan hilagang silangan ng Borongan City, Eastern.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 155 kph at may pagbugsong 190 kph.

Kaugnay nito, naitala ang Signal No. 3 sa Sorsogon, eastern section ng Albay (Legazpi City, Manito, Daraga, Camalig, Jovellar, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu), Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpio, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City), northern portion ng Samar (Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Matuguinao, San Jose de Buan)

Habang Signal No. 2 naman sa Southeastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco), Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, natitirang parte Albay, Burias Island, northern portion ng mainland Masbate (Aroroy, Baleno, Masbate City, Mobo, Uson, Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz)

Visayas: Biliran, iba pang bahagi ng Samar at Eastern Samar

Samantala, Signal No. 1 naman sa Southern portion ng Aurora (Baler, San Luis, Dingalan), southern portion ng Nueva Ecija (Bongabon, Gabaldon, General Tinio, Laur, San Leonardo, Peñaranda, Gapan City), Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, iba pang parte ng Quezon, Marinduque, eastern portion ng Romblon (Banton, Corcuera, Calatrava, San Agustin, Romblon, Magdiwang, San Fernando, Cajidiocan)

Visayas: Northern portion of Leyte (Calubian, San Isidro, Tabango, Villaba, Leyte, Kananga, Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tunga, Jaro, Alangalang, Sta. Fe, Tacloban City, Palo, Pastrana, Dagami, Tabontabon, Tanauan, Tolosa, Ormoc City, Matag-ob, Palompon, Merida, Isabel, Albuena, Barauen, Julita at Dulag.

 
 

MOSCOW — Ipinatigil ng Russian health authorities ang paggamit ng ventilators na produced ng isang Russian state conglomerate, matapos na magkaroon ng sunog sa dalawang coronavirus hospitals at pumatay sa anim na covid-19 na pasyente, nito lamang nakaraang araw.

Noong Sabado, namatay ang isang pasyenteng may coronavirus sa Spasokukotsky Clinical Hospital matapos na magliyab ang ventilator at masunog ang ospital. Gayundin, lima ang nasawi nang makita ng isang doktor sa St. George Hospital sa St. Petersburg na biglang umapoy ang isa ring ventilator at tuluyang magkasunog sa lugar. Nag-evacuate din ang 150 katao sa naturang ospital.

Isang pangunahing proyekto ang Aventa-M ventilator na produced ng KRET, bahagi ito ng state-owned na Rostec, ang defense producer ng bansa na nagsasagawa ng military hardware.

Ayon sa kontrata ng gobyerno ng Russia, magsusuplay ang KRET ng 6,711 ventilators sa mga regional hospitals doon sa buong taon. Noong April, nag-increase ng produksyon ang kumpanya, kung saan mula sa 10 ay umabot na sa 100 kada araw ang nagagawang ventilator upang matugunan ang pangangailangan nito sa mga ospital.

Kamakailan, nag-order ang St. George Hospital ng mahigit sa 200 Aventa-M ventilators, na nagkakahalaga bawat isa ng $26,000. Subalit, matapos ang nangyaring sunog ipinatigil na ang paggamit nito.

Nakasama rin sa shipment ng medical supplies na ipinadala ng Russia sa United States ang Aventa-M ventilators noong April.

Ayon sa U.S. Federal Emergency Management Agency (FEMA) spokesperson, hindi naipamahagi ang mga ventilators bagkus ibinalik ang mga ito ng New York at New Jersey.

“There were held in reserve in case the situations in NY and NJ worsened,” sabi ng FEMA spokesperson. “The ventilators have not been deployed to hospitals. Out of an abundance of caution, the states are returning the ventilators to FEMA. The conclusion(s) of the investigation being conducted by the Russian authorities into the fire in St. Petersburg will help inform our decision regarding any future use of the ventilators.”

Gayunman, may mga report na lumabas na faulty wiring umano at multiple electrical devices na naka-plug-in sa isang ICU wards kaya nagkaroon ng malaking sunog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page