top of page
Search
  • Madel Moratillo
  • Jun 3, 2020

Umakyat na sa 18,997 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health, ito ay matapos silang may maitalang 359 na karagdagan pang kaso.

Pero sa bilang na ito ay 176 lamang ang fresh cases habang 183 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases na ito, 33 ang mula sa National Capital Region, 89 sa Region 7, ang 54 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

Sa mga late cases naman, ang 39 ay mula sa NCR, 8 naman sa Region 7, 111 naman sa iba pang lugar sa bansa habang 25 naman ay mula sa hanay ng mga repatriate.

May 84 namang naitala na bagong nakarekober mula sa covid-19.

Kaugnay nito, umakyat na sa 4,063 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus. Habang may 6 namang naiulat pang nasawi dahil sa coronavirus.

Sa kabuuan ay nasa 966 na ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa covid-19.

 
 

Sasailalim na lang sa home quarantine ang mga Filipino na darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na residente ng Metro Manila.

Ayon sa Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, ang mga Filipino seafarers, landbase at overseas Filipinos na taga-NCR ay agad na papayagang makauwi at sasailalim na lang sa home quarantine matapos silang makuhanan ng swab test.

Kung taga-probinsiya, papayagan ding makauwi kung mayroong susundo sa kanila sa NAIA na isang kaanak.

Samantala, kailangan umanong manatiling naka-isolate sa kani-kanilang mga bahay ang mga uuwing Pinoy at susundin ang health protocols habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

 
 

Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang yellow lane na dating para lang sa mga bus ay puwede nang gamitin ng mga pribadong sasakyan.

Samantala, pinaalalahanan din ng MMDA ang mga motoristang dadaan sa mga tunnel sa EDSA na ang dalawang right most lanes mula Quezon Avenue hanggang Ayala Avenue ay puwedeng gamitin ng mga pribadong sasakyan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page