top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 9, 2022


ree

Sumuko na sa mga awtoridad ang TikTok user na nag-post umano ng death threat laban kay presidential candidate Bongbong Marcos, ayon kay Marcos spokesperson Atty. Vic Rodriguez ngayong Miyerkules.


“As we speak, I was just on the phone this morning with Deputy Director [Vicente] De Guzman of the NBI, (National Bureau of Investigation) sumuko na sa kanila yung taong nagpost ng death threat na yan kahapon,” ani Rodriguez sa isang panayam.


“Ngayon aasikasuhin din namin at nang makilala yung taong yan at gaano kalalım at yung extent ng kanilang pananakot,” dagdag ni Rodriguez.


Kinumpirma naman ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin ang pagsuko ng naturang TikTok user.


Ayon kay Lavin, sumuko ang nasabing indibidwal noong Martes pero pinayagan ding umalis dahil walang legal na basehan ang nga awtoridad para ito ay i-hold sa kanilang kustodiya. “Babalik siya mamaya”, ani Lavin.


Matatandaang inihayag ng Marcos camp na mayroon umanong banta sa buhay ni BBM sa video app na TikTok.


Sa mensahe sa naturang TikTok post, nakasaad na: “WE ARE meeting everyday to plan for BBM’s assassination. Get ready.”


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 30, 2021


ree

Idinaan sa social media ng mga supporters ni presidential aspirant Bongbong Marcos ang suporta nila rito.


Sa Twitter, sa loob lamang ng higit tatlong oras kahapon, umabot sa halos 100K tweets ang #BringBackMarcos at naging trending topic pa.


Maging sa Tiktok ay ginamit ang hashtag na umabot sa mahigit 3M views.


Sa Trendsmap naman, sa Luzon ay nanguna rin ang hashtag.


“We value our supporters who campaign on these platforms, specially in a time when face-to-face events are still unsafe, ayon sa chief of staff ni Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez.


Pinabulaanan naman ni Rodriguez na mayroon silang mga troll.


Sa ngayon, isa si Bongbong Marcos sa malimit na napag-uusapan sa social media.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 26, 2021


ree

Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga opisyal na nakadestino sa mga international airport na huwag mag-post sa Tiktok na sumasayaw o kumakanta lalo na kung naka-uniporme ang mga ito.


Batay sa memorandum sa lahat ng BI port personnel, sinabi ni Immigration port operations chief Atty. Carlos Capulong na posibleng maharap sa administrative cases ang sinumang lalabag dito dahil sa insubordination at misconduct.


Sinabi rin ni Capulong na ipinag-utos na raw ni BI Commissioner Jaime Morente na imbestigahan ang mga lumabas na balitang mayroong BI employees na nakadestino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na patuloy na nagpo-post ng kanilang mga videos sa Tiktok na kanilang kinuha habang naka-duty at nakasuot ng official uniform.


“Our policy on the wearing of the BI uniform is clear. As public servants, employees must proudly wear their uniform at all times, present a professional image to the public and observe proper decorum and good taste in all their actions while they are on duty,” ani Morente sa kanyang inilabas na memo.


Matatandaang noong Disyembre ay sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang mga video ng mga empleyado sa TikTok habang naka-uniporme ay nagpapahina sa reputasyon ng institusyon at lumilikha ng negatibong imahe para sa mga tauhan ng ahensiya, lalo na ang mga frontline immigration officer na nakatalaga sa mga port of entry.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page