top of page
Search

@Buti na lang may SSS | December 18, 2022


Dear SSS,


Magandang araw. Ako ay SSS member. Nabalitaan ko kamakailan na mayroong bagong programang inilunsad ang SSS na tinatawag na Workers’ Investment and Savings Program (WISP) Plus para sa aming mga miyembro. Ano ba ang programang ito? - Paulino


Sagot


Mabuting araw sa iyo, Paulino!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat inilunsad ng SSS noong Huwebes ang Workers’ Investment and Savings Program (WISP) Plus, voluntary provident fund program bilang karagdagang paraan ng pag-iipon para sa retirement ng mga miyembro.

Ito ay programa para sa lahat ng miyembro, anuman ang kanilang monthly salary credit (MSC) o bracket na may hindi bababa sa kontribusyon at wala pang final claim sa ilalim ng kanilang regular SSS program.


Itinataguyod ng WISP Plus ang prinsipyo ng Work, Save, Invest and Prosper na nakapaloob sa Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018.


Magkaiba ang Workers’ Investment and Savings Program (WISP) na ipinatupad noong Enero 2021 at ang WISP Plus.


Una, ang WISP ay mandatory, kung saan awtomatikong maghuhulog dito ang mga miyembrong employed sa pribadong sektor gayundin ang kanilang employer na ang MSC ay lumagpas sa P20,000. Samantala, ang WISP Plus naman ay voluntary kaya kailangan pang mag-enroll ang miyembrong nais maging bahagi nito.


Ikalawa, ang maaaring maghulog sa WISP ay ang mga miyembro na ang MSC ay lagpas ng P20,000. Samantala, maaari namang mag-enroll sa WISP Plus ang lahat ng miyembro ng SSS anuman ang kanilang MSC.


Ang WISP Plus naman ay magandang oportunidad sa mga miyembro upang mapalago ang kanilang pera na magsisilbing karagdagang layer ng social security protection para sa retirement fund bukod pa sa kanilang regular SS program.


Principal protected ang mga contributions dito. Ibig sabihin, hindi bababa ang nominal value nito, bagkus ay tataas lamang ito depende sa performance ng SSS investments. Magandang paraan ito upang maprotektahan ang pinaghirapang pera ng mga miyembro laban sa immediate adverse effects ng inflation.


Kikita ng compounded interest ang mga contribution dito dahil ang investment income na idini-distribute kada taon ay magiging bahagi na rin ng total accumulated account value (TAAV) ng miyembro na kikita rin ng kaukulang interest.


Paulino, kung nais mong maging bahagi ng WISP Plus, maaari ka mag-log-in sa iyong My.SSS account sa www.sss.gov.ph, i-click ang “Enroll to WISP Plus” na nasa ilalim ng Services tab, at basahin ang terms and conditions ng programa at i-accept ito.


Ang pinakamababang kontribusyon para sa WISP Plus ay nagkakahalaga lamang ng P500 kada payment o bayad. Mababayaran ito sa pamamagitan ng Payment Reference Number (PRN) na kailangang i-generate mo gamit ang iyong My.SSS account.


***


Binuksan na noong Nobyembre 17, 2022 ang Calamity Assistance Package (CAP) para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng Severe Tropical Storm ‘Paeng’ noong Oktubre 2022. Tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa CAP hanggang Pebrero 16, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Basilan, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Sulu, Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.


Kasama ang Cagayan, lalo na sa bayan ng Amulung, Enrile at Tuguegarao. Sa Marinduque, ito ay ang mga bayan ng Mogpog, Santa Cruz at Buenavista, at sa Cotabato ay ang bayan ng Pigcawayan, Libungan at Midsayap.


Dagdag pa rito ang Muntinlupa City, Calbayog sa Samar, Sirawai sa Zamboanga del Norte, at Zamboanga City sa Zamboanga del Sur.


Gayundin, bukas pa rin ang CAP para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng Super Typhoon ‘Karding.’ Tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa CAP hanggang Enero 6, 2023. Ito rin ay binubuo ng CLAP para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at EC pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa lalawigan ng Nueva Ecija at sa mga bayan ng Dingalan sa Aurora, Macabebe sa Pampanga, at San Miguel sa Bulacan.

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

@Buti na lang may SSS | December 11, 2022


Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay SSS member. Nabalitaan ko na may bagong UMID ATM Pay Card ang SSS. Maaari ba akong mag-apply para makakuha nito? - Alvin


Sagot


Mabuting araw sa iyo, Alvin!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat inilunsad ng SSS kamakailan ang UMID ATM Pay Card. Magsisimula na tumanggap ng applications mula sa existing cardholders at new applicants sa first quarter ng 2023.


Para sa kaalaman ng ating miyembro, ang UMID ATM Pay Card ay naka-link sa regular savings account sa Union Bank of the Philippines (UBP). Sa ngayon, UBP pa lamang ang available na provider ng UMID ATM Pay Card Program sapagkat ito pa lang ang participating bank sa ilalim ng nasabing programa.


Kamakailan ay lumagda sa kasunduan ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) upang maging bahagi din ng UMID ATM Pay Card Program.


Ang kagandahan sa UMID ATM Pay Card, ito ay valid government-issued ID at ATM card. Magagamit itong patunay ng iyong pagkakakilanlan sapagkat ito ay isang valid ID. Bukod dito, dahil ito ay naka-link sa regular savings account, maaari rin itong i-enroll sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) bilang disbursement account, kung saan ike-credit ng SSS ang lahat ng mga benepisyo, loan at refunds ng mga miyembro.


Dagdag pa rito, taglay ng nasabing UMID ang karaniwang function ng ATM card kung saan magagamit ito para mag-check ng balance, mag-withdraw ng cash, mag-transfer ng funds, magbayad ng bills, mag-deposit at iba pa sa branches, self-service machines at online at mobile platforms ng UBP, gayundin sa mga BancNet ATMs sa buong bansa.

Wala namang required na maintaining balance ang account na ito.


Sa mga existing UMID cardholders, kinakailangan nilang magbayad upang makakuha ng UMID ATM Pay Card. Kung naka-link ito sa UBP regular savings account, P100 ang babayaran at P200 naman kung naka-link sa RCBC regular savings account.


Libre naman ito sa mga SSS pensioners gayundin ang pag-upgrade sa UMID ATM Pay Card ng mga miyembro na nakapag-apply na ng generic UMID card, kung saan kasalukuyan pang hinihintay ang release nito.


Narito ang proseso ng aplikasyon sa upgrading ng UMID ATM Pay Card:


  1. Kinakailangan ng miyembro o pensyonado na mag-log-in sa kanilang My.SSS account.

  2. I-access ang E-Services tab.

  3. I-signify ang inyong consent para i-share ang inyong impormasyon sa UBP.

  4. I-download ang UBP mobile banking app at punuan at kumpletuhin ang online form.


Kung kayo ay mayroong karagdagang katanungan o paglilinaw tungkol sa UMID ATM Pay Card, maaaring magpadala ng email sa member_relations@sss.gov.ph at ilagay sa subject line ang “UMID ATM Pay Card Upgrade.”


***


Binuksan na noong Nobyembre 17, 2022 ang Calamity Assistance Package (CAP) para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng Severe Tropical Storm ‘Paeng’ noong Oktubre 2022. Tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa CAP hanggang Pebrero 16, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Basilan, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Sulu, Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.


Kasama rin ang Cagayan, lalo na sa bayan ng Amulung, Enrile at Tuguegarao. Sa Marinduque, ito ay ang mga bayan ng Mogpog, Santa Cruz at Buenavista at sa Cotabato ay ang bayan ng Pigcawayan, Libungan at Midsayap.


Dagdag pa rito, ang Muntinlupa City, Calbayog sa Samar, Sirawai sa Zamboanga del Norte at Zamboanga City sa Zamboanga del Sur.


Gayundin, bukas pa rin ang CAP para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng Super Typhoon Karding. Tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa CAP hanggang Enero 6, 2023. Ito rin ay binubuo ng CLAP para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at EC pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa lalawigan ng Nueva Ecija at sa mga bayan ng Dingalan sa Aurora, Macabebe sa Pampanga at San Miguel sa Bulacan.

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

@Buti na lang may SSS | December 4, 2022


Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay SSS pensioner. Nais ko sanang itanong kung kailan ibibigay ang 13th month pension naming mga pensyonado. Happy holidays at maraming salamat! - Lola Tinay


Sagot


Mabuting araw sa iyo, Lola Tinay!


Natanggap na ngayong unang linggo ng Disyembre ang maagang Pamasko ng SSS sa mga pensyonado — ito ay ang kanilang 13th month pension, kung saan natanggap na ito ng unang batch ng SSS pensioners noong Biyernes, Disyembre 1, 2022.


Mula pa noong Disyembre 1988 ay nagkakaloob na ang SSS ng 13th month pension sa mga SS at EC pensioners nito bilang regalo ng SSS sa panahon ng Kapaskuhan at bilang pasasalamat sa suporta ng mga pensyonado noong sila ay nagtatrabaho pa.


Ang 13th month pension ay katumbas ng isang buwan na basic monthly pension. Halimbawa, Lola Tinay, kung ang inyong tinatanggap na pensyon ay pumapatak ng P8,500 kada buwan, ibig sabihin nito, ang 13th month pension ninyo ay katumbas din ng naturang halaga na buo ninyong matatanggap sa inyong bank account.


Para naman sa mga pensyonado na tumatanggap na ng kanilang pensyon mula sa mga bangko na kabilang sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet), ito ay ibibigay ng dalawang batch:


Petsa ng Pagtanggap ng Monthly Pension o Date of Contingency

  • Una hanggang ika-15-araw ng buwan

  • Ika-16 hanggang huling araw ng buwan


Petsa ng Pagtanggap ng December 2022 at 13th Month Pensions

  • Disyembre 1, 2022

  • Disyembre 4, 2022


At dahil pumatak ng araw ng Linggo, Disyembre 4, 2022, ang release date ng ikalawang batch, asahan na nai-credit na ang mga nasabing pensyon sa huling working day bago ang naturang petsa o noong Disyembre 2, 2022.


Samantala, hiniling ng SSS sa mga SSS-accredited non-PESONet participating banks na mai-release sa mga pensyonado nilang kliyente ang kanilang 13th month at December 2022 pensions sa Disyembre 4, 2022.


Nakipag-ugnayan na rin ang SSS sa Philippine Postal Corporation upang pabilisin ang delivery ng 13th month at December 2022 pensions ng mga pensyonado na patuloy pa ring tumatanggap ng kanilang pensyon sa pamamagitan ng koreo.


Hangad namin mula sa SSS ang pagbibigay ng matinding kasiyahan sa aming mga pensyonado lalo na ngayong nalalapit na Kapaskuhan!


***


Binuksan na noong Nobyembre 17, 2022 ang Calamity Assistance Package (CAP) para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng Severe Tropical Storm ‘Paeng’ noong Oktubre 2022. Tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa CAP hanggang Pebrero 16, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Basilan, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Sulu, Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.


Kasama rin ang Cagayan, lalo na sa bayan ng Amulung, Enrile at Tuguegarao. Sa Marinduque, ito ay ang mga bayan ng Mogpog, Santa Cruz at Buenavista, at sa Cotabato ay ang bayan ng Pigcawayan, Libungan at Midsayap.


Dagdag pa rito ang Muntinlupa City, Calbayog sa Samar, Sirawai sa Zamboanga del Norte at Zamboanga City sa Zamboanga del Sur.


Gayundin, bukas pa rin ang CAP para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng Super Typhoon ‘Karding.’ Tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa CAP hanggang Enero 6, 2023. Ito rin ay binubuo ng CLAP para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at EC pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa lalawigan ng Nueva Ecija at sa mga bayan ng Dingalan sa Aurora, Macabebe sa Pampanga at San Miguel sa Bulacan.

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page