top of page
Search

@Buti na lang may SSS | February 12, 2023


Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay 62 taong gulang at nais ko nang mag-file ng aking retirement benefit. Paano ko gagawin ito at ano’ng mga dokumento ang mga kailangan kong isubmit? Salamat. – Rudy


SAGOT:


Mabuting araw sa iyo, Rudy!


Mabuting balita! Ngayon, hindi mo na kailangan pang magtungo sa Social Security System (SSS) branch para mag-file ng iyong retirement benefit application. Magagawa mo na ito online gamit ang iyong My.SSS account sa www.sss.gov.ph.


Pero bago natin talakayin ‘yan, atin munang alamin kung ano ang SSS Retirement Benefit Program at ang mga qualifying conditions na nakapaloob dito.


Ang retirement benefit ay isang cash benefit na ibinibigay ng SSS sa miyembro nito na umabot sa edad ng pagreretiro. Maaari itong ibigay nang lumpsum o monthly pension.


Ang optional retirement age sa SSS ay 60, maliban sa underground o surface mineworker members kung saan ito ay 50-anyos. Ang technical retirement age naman ay 65, maliban sa underground o surface mineworker members kung saan ito ay 60, at 55 naman para sa mga miyembro na racehorse jockey.


Para makatanggap ng buwanang pensyon, kinakailangan na mayroong 120 posted monthly contributions ang miyembro bago ang semester ng retirement. Kung hindi naman umabot sa 120 monthly contributions, lumpsum lamang ang kanyang matatanggap.


Ngayon, talakayin na natin ang paraan ng pagpa-file ng retirement benefit. Simula Disyembre 2021, sa bisa ng Circular No. 2021-021 kung saan isinasaad ang guidelines para sa enhanced online filing ng Retirement Benefit, ang lahat ng miyembro ay kailangan nang mag-file ng kanilang retirement benefit claim application via online sa My.SSS Portal sa www.sss.gov.ph.


Samantala, may ilang cases lamang na kinakailangan na over-the-counter ang filing gaya ng:

  • Kung may outstanding balance sa Stock Investment Loan Program/Privatization Loan Program/Educational Loan/Vocational Technology Loan ang miyembro;

  • Ang claimant ay guardian sa ilalim ng guardianship; incapacitated ang miyembro o naka-confine sa isang institution gaya ng penitentiary, correctional, o rehabilitation;

  • Ang claim ay gagamitan ng Portability Law o Bilateral Social Security Agreements;

  • May adjustment o for re-adjudication; o

  • Para sa unclaimed benefit ng yumaong miyembro.


Ang mga miyembro na may dependent children o isang racehorse jockey o underground o surface mineworker, at iba pang condition na maaaring madetermina ng SSS, ay maaaring pagpasahin ng karagdagang dokumento gaya ng online certification with undertaking para makapagpatuloy ng online filing ng retirement benefit claim sa My.SSS o kaya naman ay maabisuhan na ituloy ang application over-the-counter sa SSS branches.


Para sa online filing ng retirement benefit, kinakailangan na mayroong My.SSS account ang miyembro na magpa-file. Kailangan din na mayroon siyang approved disbursement account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) o Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card na enrolled bilang ATM dahil dito ipadadala ang benepisyo.


Ang kagandahan ng online filing ng retirement benefit, hindi mo na kailangan pang magpasa ng mga form sa SSS. Kapag mayroon ka nang My.SSS account at valid disbursement account, ang kailangan mo na lamang gawin ay punan ang mga hinihinging impormasyon at i-verify ang mga ito.


Para sa iyong kaalaman, Rudy, noong nakaraang buwan ay inilabas ng SSS ang #eSSSkwela Webinar Episode 8. Tinatalakay sa part 1 at 2 nito ang Retirement Benefit Program. Sa part 2, makikita mo ang step-by-step process ng pag-a-apply online para sa nasabing benepisyo.


Inaanyayahan kita, Rudy, pati na rin ang iba pang miyembro ng SSS na nais mag-file ng retirement benefit, na panuorin ang webinar na ito para lubos na maintindihan ang proseso at iba pang guidelines. Makikita ito sa #eSSSkwela Vlogs and Webinars Playlist ng aming YouTube channel—MYSSSPH.

***


Nais naming ipaalam sa aming mga pensyonado na maaari silang mag-comply sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program o ang taunang pagre-report ng mga pensyonado sa SSS hanggang Marso 31, 2023 para sa calendar year 2021.


Samantala, ang mga pensyonado na dapat tumugon sa ACOP ay mga retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa, total disability pensioner, survivor pensioner (death), at dependent (minor/incapacitated) pensioner sa ilalim ng guardianship. Kung kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ang isang retirement pensioner, sila ay exempted na para sa ACOP compliance.


***


Mahalagang Paalala: Hanggang Pebrero 16, 2023 na lamang tatanggap ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) na inilunsad ng SSS para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng Severe Tropical Storm ‘Paeng’ noong Oktubre 2022. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Basilan, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Sulu, Maguidanao del Norte at Maguindanao del Sur.


Kasama din dito ang Cagayan lalo na sa bayan ng Amulung, Enrile at Tuguegarao. Sa Marinduque, ito ay ang mga bayan ng Mogpog, Santa Cruz at Buenavista, at sa Cotabato, ay ang bayan ng Pigcawayan, Libungan at Midsayap.


Dagdag pa rito ang Muntinlupa City, Calbayog sa Samar, Sirawai sa Zamboanga del Norte, at Zamboanga City sa Zamboanga del Sur.



Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

@Buti na lang may SSS | February 5, 2023


Dear SSS,


Magandang araw! Mayroon akong SSS housing loan na matagal ko nang hindi nahuhulugan, kaya nag-aalala ako na baka malaki na ang penalty nito. Mayroon bang condonation program sa housing loan ang SSS ngayon? Maraming salamat. —Shiela

SAGOT:

Mabuting araw sa iyo, Shiela!


Para sa iyong kaalaman, naglunsad kamakailan ang SSS ng Penalty Condonation Program for Housing Loan (PCPHL) para sa mga miyembro nito na may hindi nababayarang housing loan.


Pinagtibay ang PCPHL upang bigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na mabayaran ang kanilang past-due housing loan obligations sa SSS sa tulong ng affordable payment scheme at condonation o pagpapaliban ng multa.


Sinasabing may past-due housing loan ang isang miyembro kung ito ay delinquent o hindi na nababayaran sa nakalipas na anim (6) na buwan, as of filing date ng aplikasyon ng miyembro sa loob ng condonation period.


Sakop ng nasabing programa ang lahat ng housing loan borrowers, kanilang duly designated successor/s-in-interest/legal heir/s na may past due housing loan obligations, kahit expired o hindi ang orihinal o dati pang restructured loan.


Kasama rin ang mga housing loan borrowers na foreclosed ang property at sumailalim na sa auction sale kung saan ang SSS ang winning bidder at ang Certificate of Sale ay hindi pa nakarehistro sa ilalim ng SSS housing loan programs tulad ng:


  • Direct Individual Housing Loan Program kasama ang mga duplex housing loan accounts;

  • Direct Housing Loan Facility for Overseas Filipino Workers (OFWs)/ Worker’s Organization Members (WOMs); at

  • Direct House Repair and Improvement Program.


Maaaring mag-avail sa PCPHL ang lahat ng mga miyembrong may past-due housing loan obligations gayundin ang successor/s-in-interest o legal na mga tagapagmana.


Sa ilalim ng programa, Shiela, babayaran mo nang buo o one-time full payment ang outstanding principal, interest, insurance dues at legal expenses sa loob ng 90 araw simula nang matanggap mo ang notice of approval ng aplikasyon. Samantala, walang installment scheme para sa PCPHL.


Pinalawig ang pagtanggap ng aplikasyon para sa PCPHL mula Enero 1 hanggang Pebrero 28, 2023. Ito ay sinimulang buksan noong Mayo 2022 na pinalawig pa ng SSS para mabigyan pa ng mahabang panahon ang mga delinquent borrowers nito na makapag-apply sa nasabing programa.


Maaari silang mag-file ng aplikasyon sa pinakamalapit na Housing and Acquired Assets Management Section (HAAMS) sa mga sangay ng SSS na matatagpuan sa SSS Baguio, SSS Tarlac, SSS San Pablo, SSS Naga, SSS Cebu, SSS Bacolod, SSS Cagayan de Oro at SSS Davao.


Maaari ring bumisita sa 12/F, Housing and Acquired Assets Management Department, SSS Building, Diliman, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.


Para sa mga karagdagang detalye, maaari rin silang makipag-ugnayan sa Housing and Acquired Assets Management Department sa telephone number (02) 8709-7198 local 5435.


***


Nais naming ipaalam sa aming mga pensyonado na maaari silang mag-comply sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program o ang taunang pagre-report ng mga pensyonado sa SSS hanggang Marso 31, 2023 para sa calendar year 2021.


Samantala, ang mga pensyonado na dapat tumugon sa ACOP ay mga retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa, total disability pensioner, survivor pensioner (death), at dependent (minor/incapacitated) pensioner sa ilalim ng guardianship. Kung kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ang isang retirement pensioner, sila ay exempted na para sa ACOP compliance.


***


Mahalagang Paalala: Hanggang Pebrero 16, 2023 na lamang tatanggap ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) na inilunsad ng SSS para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng Severe Tropical Storm ‘Paeng’ noong Oktubre 2022. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Basilan, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Sulu, Maguidanao del Norte at Maguindanao del Sur.


Kasama rin dito ang Cagayan, lalo na sa bayan ng Amulung, Enrile at Tuguegarao. Sa Marinduque, ito ay ang mga bayan ng Mogpog, Santa Cruz at Buenavista, at sa Cotabato, ay ang bayan ng Pigcawayan, Libungan at Midsayap.


Dagdag pa rito ang Muntinlupa City, Calbayog sa Samar, Sirawai sa Zamboanga del Norte, at Zamboanga City sa Zamboanga del Sur.


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page