top of page
Search

by Info @Brand Zone | May 24, 2023



ree

The Social Security System (SSS) recently urged informal sector workers in a community in San Jose Del Monte, Bulacan, to become self-employed members of the SSS.

The SSS promoted the value of social security coverage to the residents of Villa Española in the said city, a community that consists primarily of informal sector self-employed workers, after receiving a request from Villa Española Homeowners Association Inc. President Josephine Lusabia.

SSS Professional Sector Department Head Carlo C. Villacorta conducted a seminar on SSS programs for self-employed workers as well as the online and onsite services provided by SSS which was attended by more than 150 participants.

During the event, Villacorta discussed the importance of informal sector workers registering as self-employed members of SSS and paying their monthly contributions regularly. He also talked about the amount of benefits and loans that they may avail of from SSS. “Kaya para sa protekyon ng mga self-employed workers, mangyari po sana na kayo ay magparehistro sa SSS bilang self-employed members at magbayad ng karampatang kontribusyon. Kung sakali na kayo ay maaksidente o di kaya’y magkasakit at ito ay work related, mayroon kayong karagdagang benepisyo na maaaring makuha mula sa Employees’ Compensation (EC) Program,” he added. Moreover, Villacorta explained the importance of learning how to navigate the My.SSS Portal for a more convenient way of transacting with SSS. “Humihingi kami sa inyo ng kaunting puhunan sa oras, tiyaga, at pasensya upang unawain kung paano gamitin ang mga online platforms ng SSS para sa pinakamadaling pakikipagtransakyon sa SSS,” he continued.

He concluded the activity by urging members and officers of the homeowners association to share with their friends and relatives what they have learned about the programs offered by SSS to self-employed individuals.


SSS Divider

LEARN MORE

Social Security System


Maaaring bisitahin ang official website ng SSS sa https://www.sss.gov.ph o tumawag sa mga numerong 1455 ( SSS Hotline ) at 1-800-10-2255777 ( Toll-Free No. )


 
 

@Buti na lang may SSS | May 21, 2023


Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang Overseas Filipino worker (OFW) dito sa Dubai. Noong nasa Pilipinas ako, nagtatrabaho ako sa isang kilalang department store at nakakapaghulog sa SSS. Subalit mula nang ako ay magtungo sa Dubai, hindi na ako nakakapaghulog ng aking kontribusyon sa SSS. Maaari ko bang ipagpatuloy ito?


Salamat. — Ely


SAGOT:


Mabuting araw sa iyo, Ely!


Malugod naming ibinabalita sa iyo na maaari mong maipagpatuloy ang paghuhulog sa SSS bilang overseas Filipino worker (OFW) member. Sa kasalukuyan, ang minimum Monthly Salary Credit (MSC) para sa mga land-based OFWs na kagaya mo ay P8,000, ito ay katumbas naman ng P1,120 kada buwan na kontribusyon sa SSS.


Para sa iyong kaalaman, noong 1995 pa pinagtibay ng SSS ang pagsaklaw sa mga OFWs, ngunit noong Marso 2019, sa bisa ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, mandatory na ito para sa lahat ng sea at land based OFWs na hindi pa umaabot sa 60 taong gulang.


Sa binanggit mo na ikaw ay dati nang nakapagtrabaho, maaari mo itong ipagpatuloy bilang OFW member. Maaari mong bayaran ang kontribusyon mo para sa Enero hanggang Setyembre, alinmang buwan sa kasalukuyang taon, kung saan ang last quarter mula Oktubre hanggang Disyembre ay maaari mo namang bayaran hanggang sa huling araw ng Enero sa susunod na taon. Halimbawa, nakapagbayad ka lamang ng iyong kontribusyon sa SSS ngayong Mayo 15, 2023 at ito ay para sa mga buwan ng Enero hanggang Setyembre 2023, ito ay tinatanggap pa ng SSS sa kadahilanang ikaw ay isang OFW. Dagdag pa rito, ang mga kontribusyon mo para sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre 2023 ay maaari mo pang bayaran hanggang Enero 31, 2024 sa susunod na taon.


Kinakailangan lamang na ikaw ay nakarehistro at may account sa My.SSS na matatagpuan sa SSS website (www.sss.gov.ph). Upang magamit naman ang SSS Mobile App, kinakailangan mo itong i-install sa iyong smartphone.


Para naman makapagbayad ka ng iyong kontribusyon, kailangan mo munang makakuha ng Payment Reference Number (PRN) para sa iyong gagawing pagbabayad. Maaari kang makapag-generate ng PRN gamit ang SSS Mobile App. Kinakailangan mong mag-log in sa nasabing mobile app gamit ang iyong existing na My.SSS username at password.


Sunod, i-tap mo ang “Generate PRN/SOA” icon na iyong makikita sa iyong mobile screen.


Matapos nito, i-tap mo ang “Create” at punuan mo ang mga hinihinging impormasyon gaya ng buwan at halaga ng babayarang kontribusyon. Maaari mo ring palitan ang type ng membership mo sa pamamagitan ng pagpili ng OFW. Kapag naibigay mo na ang lahat ng kailangang impormasyon, i-tap mo ang “SUBMIT” at lalabas ang iyong PRN/SOA.


Maaari mo itong i-download bilang PDF o magtuloy na sa pagbabayad.


At dahil mayroon ka nang PRN, maaari ka nang magbayad ng iyong monthly contribution sa SSS. Maaari kang magbayad sa pamamagitan ng mga online payment channels gaya ng PayMaya, BPI at GCash o online banking ng piling mga bangko tulad ng Union Bank of the Philippines at Security Bank. Makakapagbayad ka rin ng kontribusyon sa I-Remit, Inc., Pinoy Express Hatid Padala Services, Inc., Ventaja International Corp., at LMI Express Delivery Inc.


Dapat mo ring tandaan na ang patuloy mong paghuhulog sa SSS ay kuwalipikado kang makatanggap ng pitong benepisyo tulad ng sickness, maternity, unemployment, disability, retirement, funeral, death, gayundin ang mga loan privileges nito tulad ng salary, calamity, atbp.


Sa pagdaan ng mga taon, ang paghuhulog mo sa SSS ay isang pamamaraan ng iyong investment o pag-iimpok bilang paghahanda sa iyong pagreretiro. Ang kontribusyon na inihuhulog mo ngayon sa SSS ay babalik sa iyo bilang pensyon sa katapusan ng mga produktibong taon ng inyong buhay.

***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (ConsoLoan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

by Info @Brand Zone | May 18, 2023




Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet reminded members and pensioners to secure their login credentials for their My.SSS account and other personal information to protect their online account from being used in fraudulent transactions.

Macasaet said that several SSS members and pensioners are digitally challenged or not well-versed in suing computers and smartphones and find it challenging to access their M.SSS account. As a result, they tend to seek assistance from other people, including fixers, who are more tech-savvy. Unfortunately, scammers and unscrupulous persons take advantage of them to gain access to their My.SSS account and use it for their own personal gains..

“We discourage them from sharing their usernames, passwords, and other login details of their My.SSS account to another person. Anyone with this information could use their My.SSS account to avail of benefits or loans without their knowledge nor consent,” Macasaet warned.

The SSS chief urged members and pensioners to refrain from transacting with individuals who offer technical assistance in creating a My.SSS account or filing online applications of benefit claims and loans for a fee.

Under Republic Act No. 11032, or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, and Republic Act 11199, or the Social Security Act of 2018, it is illegal for members to engage the services of fixers. They may report these fixers or scammers to SSS branches or the Special Investigation Department (SID) at fid@sss.gov.ph or directly with the law enforcement authorities such as the Philippine National Police’s Anti-Cybercrime Group and the National Bureau of Investigation’s Cybercrime Division."

Moreover, Macasaet emphasized that online transactions and services through the My.SSS portal and the SSS Mobile App are free.

“Members and pensioners who need assistance in using My.SSS and SSS Mobile App may visit an E-Center in SSS branches. Our branch personnel are ready to assist them in creating an online account and guide them in navigating the SSS portal,” he added.

Further, the SSS Chief said that SSS is implementing initiatives to provide stakeholders with access to SSS online services and bring its services closer to its members through its tagline, “Masayang Tumulong, Serbisyong Ramdam.”

Among these initiatives is the Barangay E-Center, a partnership with the local government units wherein SSS sets up an E-Center in the barangays.

Likewise, SSS will also continue establishing more digital branches to help members and pensioners get acquainted with its various online facilities. A digital branch has an E-Center, a Mobile App Learning Center, and a Customer Care Center.

Moving forward, more SSS on eWheels will visit identified barangays nationwide wherein SSS personnel would discuss and provide various services and programs to the residents.

SSS urged members and pensioners to visit the official social media pages of SSS to get accurate information and updates on its programs and benefits. They can follow SSS on Facebook at “Philippine Social Security System - SSS” and on Twitter at @PHLSSS. They can also subscribe on its YouTube channel at "MYSSSPH", join its Viber Community at “MYSSSPH Updates", or visit the uSSSap Tayo Portal at https://crms.sss.gov.ph/.


SSS Divider

LEARN MORE

Social Security System


Maaaring bisitahin ang official website ng SSS sa https://www.sss.gov.ph o tumawag sa mga numerong 1455 ( SSS Hotline ) at 1-800-10-2255777 ( Toll-Free No. )


 
 
RECOMMENDED
bottom of page