top of page
Search

@Buti na lang may SSS | July 23, 2023


Dear SSS,


Magandang araw. Ako ay nag-resign sa aking work bilang salesclerk sa isang mall.


Ngayon ay nagtitinda naman ako ng manok sa isang wet market dito sa Quezon City.


Paano ko ba maipagpapatuloy ang aking paghuhulog sa SSS bilang self-employed? Salamat. —Mika

SAGOT:


Mabuting araw sa iyo, Mika!


Bilang tugon sa iyong katanungan, ipinapayo namin sa 'yo na magtungo ka sa pinakamalapit na sangay ng SSS upang palitan ang iyong membership type mula sa pagiging Employed member to Self-Employed member. Kinakailangan kang magpasa ng Member Data Change Request Form na maaari mong i-download sa website ng SSS, www.sss.gov.ph.


Sa nasabing form, makikita mo ang bahagi ukol sa “Change of Membership Type”, lagyan mo ng tsek ang “Employed” sa ilalim ng “From” at i-tsek mo rin ang “Self-employed” sa ilalim ng ‘To”.


Isulat mo rin ang uri ng iyong business. Maaari mong ilagay dito na ikaw ay chicken retail vendor.


Kailangan ding ibigay mo kung kailan ka nagsimula sa iyong negosyo at kung magkano ang iyong buwanang kita mula rito na siyang magiging batayan sa pagkukuwenta ng magiging buwanang hulog mo sa SSS.


Sinimulan ng SSS ang coverage ng mga self-employed workers noong 1980 na itinatakda ng Republic Act 1161 o Social Security Act of 1957.


Sa ilalim ng naturang batas, ay sinasaklaw ng SSS ang mga self-employed na indibidwal na may buwanang kita na P1,000 o higit pa mula sa kanyang sariling negosyo o propesyon na walang employer kung hindi ang kanyang sarili habang hindi pa siya umaabot ng 60 taong gulang.


Kabilang dito ang mga propesyonal tulad ng abogado o doktor, may sariling opisina man o wala, mga nagmamay-ari o magkasosyo sa negosyo, mga artista, direktor o manunulat ng pelikula na hindi itinuturing na empleyado, mga propesyonal na atleta, coaches, hinete at tagapagsanay, gayundin ang mga magsasaka at mangingisda na sinaklaw naman noong 1995. Kabilang din dito ang mga nagtitinda sa palengke, tricycle o jeepney drivers, at mga contractual at job order na empleyado na nagtatrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan.


Sa kasalukuyan, ang SSS contribution rate ay 14% ng monthly salary credit na hindi hihigit sa P30,000. Halimbawa, Mika, ang idineklara mong buwanang kita ay P10,200 kada buwan mula sa iyong pagtitinda. Batay sa Schedule of Contributions, ito ay nasasakop ng P10,000 monthly salary credit (MSC) na may kaukulang monthly contribution na P1,400 kada buwan at P10 naman kada buwan ang para sa iyong Employee’s Compensation (EC) contributions na may kabuuang halagang kontribusyon na P1,410 kada buwan.


Para sa iyong kaalaman, ang EC Program ay para sa mga work-related contingencies bunsod ng pagkakasakit, pagkabalda, o kaya’y pagkamatay na maaaring mangyari sa self-employed na gaya mo habang nagtatrabaho. Dagdag-proteksyon naman din ito bukod sa regular SSS benefits na matatanggap mo, Mika, sa hinaharap.


Dagdag dito, ang buwanang kontribusyon ng isang self-employed ay maaaring tumaas o bumaba batay sa iyong aktwal na kinikita.


Kinakailangan din na nakapagrehistro ka sa My.SSS na matatagpuan sa SSS website.


Gamit ang iyong account sa My.SSS, maaari kang mag-generate ng Payment Reference Number (PRN) para sa pagbabayad ng iyong monthly contributions sa SSS.


Maaari ka ring makapag-generate ng PRN gamit ang SSS Mobile App. Kinakailangan mo lamang mag-log in sa nasabing mobile app gamit ang iyong existing na My.SSS username at password.


Sunod, i-tap mo ang “Generate PRN/SOA” icon na makikita sa iyong mobile screen.


Matapos nito, i-tap mo ang “Create” at punuan mo ang mga hinihinging impormasyon gaya ng buwan, halaga ng babayarang kontribusyon at type ng membership. Kapag naibigay mo na ang lahat ng kailangang impormasyon, i-tap mo ang “SUBMIT” at lalabas ang iyong PRN/SOA. Maaari mo itong i-download bilang PDF o kaya’y magtuloy na sa pagbabayad.


Maaari ka ring magbayad ng iyong kontribusyon gamit ang SSS Mobile App, e-wallet tulad ng GCash o iba pang online payment channels. Gayundin, maaari mo itong bayaran sa pamamagitan ng internet banking facility ng Security Bank at Union Bank of the Philippines, SSS tellering facility, mga accredited payment centers, at mga accredited partner agents ng SSS.


***


Mula Hunyo 22 hanggang Setyembre 21, 2023 ay tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) na inilunsad nito para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng kasalukuyang volcanic activity ng Bulkang Mayon sa Bicol Region na nagsimula noong Hunyo 5, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa lalawigan ng Albay na ngayon ay nasa ilalim ng state of calamity bunga ng pag-aalburoto ng nasabing bulkan. Kasama rito ang mga bayan ng Bacacay; Camalig, Daraga (Locsin), Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran (Malacbalac), Polangui, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Tabaco at Tiwi, at ang lungsod ng Legazpi.


***


Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (ConsoLoan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

by Info @Brand Zone | July 22, 2023



ree

The Social Security System (SSS) has taken the lead as the pioneer government-owned and controlled corporation (GOCC) to forge a partnership with the Philippine Statistics Authority (PSA) for the integration of the Philippine Identification System (PhilSys) with the SSS.

To mark the occasion, SSS and PSA signed a Memorandum of Understanding (MOU) formalizing the partnership towards the seamless implementation of PhilSys-enabled services in SSS.

“The adoption of PhilSys will open many opportunities in improving the delivery of our services, including our digital transactions, and in providing all Filipinos better access to social security protection,” SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet said.

Macasaet added he looks forward to the positive impact of the partnership that will benefit SSS members and stakeholders not only in the Philippines but also across the globe.

Under the MOU, SSS and PSA will work jointly and share information and resources to achieve the objectives of PhilSys, particularly the simplification of public transactions and the implementation of a seamless service delivery system. Moreover, the partnership will delve into exploring various applications of PhilSys within the SSS and identify other opportunities for joint projects and programs.

Among the projects that have been identified, which are expected to be implemented within the third quarter of 2023, is the use of PhilSys authentication services and the PhilID/ePhilID for strengthened verification of members transacting online thru the My.SSS Portal and ensuring uniqueness checks for the issuance of a new SSS ATM Pay Card.

PSA Undersecretary, National Statistician and Civil Registrar General Claire Dennis S. Mapa expressed his confidence in the partnership that will broaden the transition to digital, online citizen-centric delivery of services to Filipinos.

The PhilSys, established through Republic Act No. 11055 or the Philippine Identification System Act, aims to provide valid proof of identity for all citizens and resident aliens in the Philippines to promote ease of doing business for both the government and private sectors and accelerate the country’s transition into a digital economy, among other benefits.



SSS Divider

 
 
  • BULGAR
  • Jul 16, 2023

@Buti na lang may SSS | July 16, 2023


Dear SSS,

Magandang araw! Nais kong itanong kung ano ang disability benefit na ibinibigay ng SSS at paano makaka-avail nito ang isang miyembro na tulad ko? Salamat. - Shawn


Mabuting araw sa iyo, Shawn!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat simula bukas, Hulyo 17, hanggang Hulyo 23 ay ipagdiriwang ang 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Aksesibilidad at Karapatan ng mga Taong may Kapansanan: Daan Tungo sa Sustenableng Kinabukasan na Walang Maiiwan.” Kaya sa pagkakataong ito ay ating tatalakayin ang isa sa benepisyong ipinagkakaloob ng SSS sa mga miyembro nito – ang disability benefit.


Ang benepisyo sa pagkabalda o disability benefit ay ibinabayad ng SSS sa isang miyembro na nawalan ng kakayahang magtrabaho o ang kanyang kakayahang kumita ay nabawasan dahil sa kanyang kapansanan na sanhi ng karamdaman o pagkapinsala. Isasailalim siya sa pagsusuri ng mga doktor ng SSS upang malaman kung ang kanyang pagkabalda ay kuwalipikadong mabigyan ng nasabing benepisyo.


Para sa iyong kaalaman, Shawn, may dalawang uri ng pagkabalda:


1. Permanent Partial Disability

Maituturing na permanent partial disability ang pagkawala ng kakayahang gamitin o lubusang pagkawala ng alinman sa mga sumusunod na bahagi ng katawan:


  • isang hinlalaki ng kamay o paa;

  • isang hintuturo;

  • isang hinlalato;

  • isang palasingsingan;

  • isang hinliliit;

  • isang kamay;

  • isang braso;

  • isang paa;

  • isang binti;

  • isa o dalawang tainga;

  • pagkawala ng pandinig ng isa o dalawang tainga;

  • pagkawala ng paningin o pagkatanggal ng isang mata.


Samantala, may iba pang mga uri ng pagkabalda na maaaring aprubahan o bayaran ng SSS bukod sa mga nabanggit.


Buwanang pensyon naman ang ibinabayad sa miyembro na may permanent partial disability kung siya ay nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon sa SSS bago ang semestre ng pagkabalda. Ang bilang ng buwan na tatanggap siya ng pensyon ay nakabatay sa resulta ng pagsusuri ng Medical Evaluation Section ng SSS.


Samantala, lump sum amount naman ang ibinabayad kung ikaw ay hindi nakapaghulog ng 36 buwanang kontribusyon.


2. Permanent Total Disability

Itinuturing naman na permanent total disability ang mga sumusunod:

  • ganap na pagkabulag ng dalawang mata;

  • pagkaputol ng dalawang kamay o dalawang paa;

  • permanente at ganap na pagkaparalisa ng dalawang kamay o dalawang paa;

  • pagkapinsala ng utak na naging sanhi ng pagkasira ng isip;

  • iba pang mga kaso na itinuturing ng SSS na lubusang pagkabalda.


Buwanang pensyon ang ibinabayad sa miyembro na may permanent total disability kung siya ay nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon sa SSS bago ang semestre ng kanyang pagkabalda. Halimbawa, pagkabalda ng isang miyembro ay noong Pebrero 2022. Ang semestre ng kanyang pagkabalda ay mula Oktubre 2021 hanggang Marso 2022.


Ang permanent total disability pension ay lifetime na matatanggap ng isang miyembro.


Bukod dito, may matatanggap din siya na P500 na supplemental allowance kada buwan.


Pinapaalalahanan din natin ang mga miyembro at pensyonado na magkaroon ng kanilang bank account na kinakailangang i-enroll sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) para sa crediting ng kanilang mga benepisyo at loan privileges mula sa SSS.


Kaugnay nito, kailangan din na may sariling My.SSS account, na matatagpuan naman sa SSS website. Ito’y upang ganap na i-access ang iba’t ibang online service facilities ng SSS lalo na sa pagpa-file ng iyong mga application para sa loans at benefit claims mo.


Kabilang ang filing ng disability benefit claim sa mga benepisyong maaaring mai-file online gamit ang My.SSS Portal. Ito ay batay sa SSS Circular 2022-039 o ang Online Filing of Social Security (SS) Disability Claim Application (DCA) Through the MY.SSS Portal. Para sa iba pang detalye ukol sa online filing ng disability benefit claim, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://bit.ly/3ZdYwou.


***


Mula Hunyo 22 hanggang Setyembre 21, 2023 ay tatanggap ang SSS ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) na inilunsad nito para sa mga miyembro at pensyonado na na naapektuhan ng kasalukuyang volcanic activity ng Bulkang Mayon sa Bicol Region na nagsimula noong Hunyo 5, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa lalawigan ng Albay na ngayon ay nasa ilalim ng state of calamity bunga ng pag-aalburoto ng nasabing bulkan. Kasama dito ang mga bayan ng Bacacay; Camalig, Daraga (Locsin), Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran (Malacbalac), Polangui, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Tabaco at Tiwi, at ang lungsod ng Legazpi.


***


Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (ConsoLoan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o 5 taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page