top of page
Search

@Buti na lang may SSS |September 24, 2023


Dear SSS,

Magandang araw! Ako ay isang SSS member. Nabalitaan ko kamakailan na mayroong bagong programang inilunsad ang SSS na tinatawag na Voluntary Provident Fund para sa aming mga miyembro. Ano ba ang programang ito? Salamat. - Lito

Mabuting araw sa iyo, Lito!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat may iniaalok ang SSS na isang voluntary provident fund program bilang karagdagang paraan ng pag-iipon para sa retirement ng mga miyembro. Ito ay tinatawag na Voluntary Provident Fund Program o dating tinatawag na Workers’ Investment and Savings Program (WISP) Plus.


Ito ay isang programa para sa lahat ng miyembro, anuman ang kanilang monthly salary credit (MSC) o bracket na may hindi bababa sa isang kontribusyon at wala pang final claim sa ilalim ng kanilang regular SSS program.


Itinataguyod ng Voluntary Provident Fund ang prinsipyo ng Work, Save, Invest and Prosper na nakapaloob sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.


Ang Voluntary Provident Fund ay isang magandang oportunidad sa mga miyembro upang mapalago ang kanilang pera na magsisilbing karagdagang layer ng social security protection para sa kanilang retirement fund bukod pa sa kanilang regular SS program.


Layuning protektahan ang principal ng mga contributions dito. Ibig sabihin, hindi dapat bababa ang nominal value nito, bagkus ay tataas lamang ito depende sa performance ng SSS investments. Magandang paraan ito para maprotektahan ang pinaghirapang pera ng mga miyembro laban sa inflation.


Kikita ng compounded interest ang mga contribution dito dahil ang investment income na idini-distribute kada taon ay magiging bahagi na rin ng Total Accumulated Account Value (TAAV) ng miyembro na kikita rin ng kaukulang interes.


Lito, kung nais mong magkaroon ng SSS Voluntary Provident Fund, maaari kang mag-log-in sa iyong My.SSS account sa www.sss.gov.ph, i-click ang “Enroll to Voluntary Provident Fund” na nasa ilalim ng Services tab, at basahin ang terms and conditions ng programa at i-accept ito.


Ang pinakamababang kontribusyon para sa Voluntary Provident Fund ay nagkakahalaga lamang ng P500 kada payment o bayad. Mababayaran ito sa pamamagitan ng Payment Reference Number (PRN) na kailangang i-generate mo gamit ang iyong My.SSS account.


***


Binuksan noong Agosto 15, 2023 ang Calamity Assistance Package (CAP) para sa mga miyembro at pensyonado na nasalanta ng Southwest Monsoon at Tropical Cyclone (TC) Egay. Tatanggap ng aplikasyon para sa CAP hanggang Nobyembre 14, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pampanga, Cagayan, Bataan, Cavite, Abra, at Mountain Province; mga bayan ng Luna at Bangar sa La Union, Mangatarem at Santa Barbara sa Pangasinan, Paombong at Pulilan sa Bulacan, Camiling sa Tarlac, at Sablayan sa Occidental Mindoro; at sa Lungsod ng Dagupan.


***


Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

@Buti na lang may SSS |September 17, 2023


Dear SSS,

Magandang araw! Mayroon akong SSS salary loan sa previous employer ko at hindi ko ito naipakaltas sa aking kasalukuyang employer. Dahil dito, hindi ko nabayaran ang aking loan mula noong 2015. Kaya nag-aalala ako na baka malaki na ang penalty nito. Mayroon bang condonation program ang SSS ngayon? Salamat. — Amy, Taguig

Mabuting araw sa iyo, Amy!


Patuloy na iniaalok ng SSS ang loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) batay sa SSS Circular No. 2022-022 upang tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS.


Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, Amy, ang babayaran mo na lamang ay ang prinsipal at interes, kung saan maaari itong bayaran nang buo o one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse sa pamamagitan ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o 5 taon, depende sa halaga ng iyong pagkakautang.


Para sa kapakanan ng ating mga miyembro, heto ang talaan ng halaga ng pagkakautang at haba o payment terms na kinakailangang sundin para sa pagbabayad ng kanilang mga loan:


Consolidated Loan Remaining BalanceMaximum TermAbove P5,000 to P10,0006 monthsP10,001 to P18,00012 monthsP18,001 to P36,00024 monthsP36,001 to P54,00036 monthsP54,001 to P72,00048 monthsMore than P72,00060 months


Kinakailangan lamang na matugunan ang mga sumusunod na kondisyon:


  • mayroon kang hindi nabayarang short-term member loan hanggang sa araw ng iyong aplikasyon sa nasabing programa;

  • hindi ka pa nabibigyan ng final benefit claim tulad ng permanent total disability o retirement benefit;

  • hindi ka na-disqualify dahil sa panloloko o fraud laban sa SSS;

  • mayroon kang aktibong account sa My.SSS.


Hindi na rin kailangang magtungo sa sangay ng SSS sa pag-file nito sapagkat maaari na itong gawing online gamit ang iyong account sa My.SSS. Kaya dapat tiyakin na mayroong account na nakarehistro na sa My.SSS.


Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaaring magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit ang iyong My.SSS account.


***


Binuksan noong Agosto 15, 2023 ang Calamity Assistance Package (CAP) para sa mga miyembro at pensyonado na nasalanta ng Southwest Monsoon at Tropical Cyclone (TC) Egay. Tatanggap ng aplikasyon para sa CAP hanggang Nobyembre 14, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pampanga, Cagayan, Bataan, Cavite, Abra, at Mountain Province; mga bayan ng Luna at Bangar sa La Union, Mangatarem at Santa Barbara sa Pangasinan, Paombong at Pulilan sa Bulacan, Camiling sa Tarlac, at Sablayan sa Occidental Mindoro; at sa Lungsod ng Dagupan.


***


Paalala na hanggang Setyembre 21, 2023 na lamang ang pagtanggap ng SSS ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) na inilunsad nito para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng kasalukuyang volcanic activity ng Bulkang Mayon sa Bicol Region na nagsimula noong Hunyo 5, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa lalawigan ng Albay na nasa ilalim ng state of calamity bunga ng pag-aalburoto ng nasabing bulkan. Kasama rito ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Daraga (Locsin), Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran (Malacbalac), Polangui, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Tabaco at Tiwi, at ang lungsod ng Legazpi.

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

@Buti na lang may SSS |September 10, 2023


Dear SSS,

Magandang araw! Nais kong ilapit ang nanay ko na retirement pensioner ng SSS.


Mayroon bang iniaalok na loan program para sa mga pensioners nito? Magkano naman ang loanable amount at ilang taon itong babayaran? Salamat. - Chris


Mabuting araw sa iyo, Chris!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat noong Setyembre 8 ay isinagawa ng SSS sa buong bansa ang Pensioners’ Day. Ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-66 taong anibersaryo ng SSS na may temang SSS@66: “Serbisyong Mapagkakatiwalaan, Proteksyong Maaasahan.”


Samantala, ang taunang Pensioners’ Day ay bilang pagpupugay ng SSS sa lahat ng mga pensyonado nito at sa kanilang malaking kontribusyon sa nation-building noong sila ay bahagi pa ng ating labor o work force.


Para sa kaalaman ng ating mga miyembro, ang Pension Loan Program (PLP) ay isang loan program o pautang na binuksan noong Setyembre 2018 para sa mga retiradong pensyonado o retirement pensioners. Layunin ng nasabing programa ang makapagbigay ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng isang pautang na may mas mababang interes. Batid naman natin na kailangan Chris, ng iyong ina at ng ating mga pensyonado ng karagdagang financial assistance para sa kanilang mga pangangailangang medikal, at iba pa.


Dagdag pa rito, ang PLP ay nagsisilbing alternatibo sa mga private lending institutions na nagbibigay din ng pautang na may mataas na interest rates at ginagamit na kolateral ang ATM cards ng mga pensyonado.


Upang makahiram sa ilalim ng PLP, kinakailangan lamang na matugunan niya ang mga sumusunod na kundisyon:


  • Hindi dapat hihigit sa 85 taong gulang sa katapusan ng termino ng pautang;

  • Walang ibinabawas sa kanyang buwanang pensyon, gaya ng natitirang balanse sa ibang pautang ng SSS o kaya’y sobrang benepisyong binayaran ng SSS;

  • Walang utang sa ilalim ng SSS Calamity Assistance Package (CAP);

  • Tumatanggap na ng regular na pensyon na hindi bababa sa isang buwan.


Online na ang pag-file ng application sa PLP sa mga first-time borrowers o magre-renew ng kanilang pension loan. Kinakailangan lamang na siya ay nakarehistro sa My.SSS na matatagpuan sa SSS website, www.sss.gov.ph. Kinakailangan ding ibigay ng iyong ina Chris, ang kanyang contact number o aktibong mobile number, kabilang ang kanyang SSS UMID-ATM o kaya’y ang Union Bank Quick Cash Card para rito.


Narito ang paraan ng pagpa-file ng loan application sa PLP:

  1. Mag-log in sa My.SSS account.

  2. Magtungo sa E-Services tab kung saan makikita ang “Apply for Pension Loan.”

  3. I-click ang “Apply for Pension Loan” upang simulan ang kanyang aplikasyon.

  4. Piliin ang halaga ng uutangin at kung gaano mo ito katagal babayaran.

  5. Matapos nito, i-click ang “I agree sa mga terms and conditions of the program.”


Maaari naman niyang i-download o kaya’y i-print ang kopya ng Disclosure Statement.


Makatatanggap siya ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng e-mail o text tungkol sa kanyang aplikasyon. Papasok naman ang halaga ng inutang sa kanyang UMID-ATM o UnionBank Quick Cash Card.


Maaaring makahiram ng katumbas ng tatlo hanggang 12 beses ng kanyang tinatanggap na basic monthly pension (BMP) kasama ang P1,000 additional benefit na ibinigay noong 2017. Subalit, hindi ito hihigit sa P200,000 na siyang maximum loanable amount na ipinapahiram sa ilalim ng PLP. Dagdag pa rito, ang net take-home pension o matitira sa inyong buwanang pensyon ay hindi dapat bababa sa 47.25%.


Samantala, ang pension loan na katumbas ng tatlong beses ng inyong tinatanggap na buwanang pensyon ay babayaran ninyo sa loob ng anim na buwan; kung katumbas naman ng anim na beses ng inyong buwanang pensyon, maaari ninyo itong bayaran sa loob ng 12 buwan. Kung ang nahiram na pension loan ay katumbas ng siyam o 12 beses ng buwanang pensyon, maaari naman ninyo itong bayaran ng hanggang 24 buwan o sa loob ng dalawang taon.


Ang isang kagandahan ng programang ito ay ang pagkakaroon ng credit life insurance ng borrowers. Kung sakali mang pumanaw ang nangutang na pensyonado at dahil dito ay hindi na nito maituloy ang pagbabayad ng kanyang loan, sa ilalim ng credit life insurance, babayaran ng isang insurance company ang natitirang utang ng pensyonado sa SSS.

***


Paalala na hanggang Setyembre 21, 2023 na lamang ang pagtanggap ng SSS ng aplikasyon para sa Calamity Assistance Package (CAP) na inilunsad nito para sa mga miyembro at pensyonado na naapektuhan ng kasalukuyang volcanic activity ng Bulkang Mayon sa Bicol Region na nagsimula noong Hunyo 5, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa lalawigan ng Albay na nasa ilalim ng state of calamity bunga ng pag-aalburoto ng nasabing bulkan. Kasama rito ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Daraga (Locsin), Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran (Malacbalac), Polangui, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Tabaco at Tiwi, at ang lungsod ng Legazpi.

***

Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (ConsoLoan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o 5 taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page