top of page
Search

@Buti na lang may SSS |October 15, 2023


Dear SSS,

Magandang araw! Ako ay isang stock clerk ng isang department store. Nais ko sanang malaman kung puwede na akong mag-loan sa SSS. At ano ang kailangan kong gawin? Salamat. — Charles

Mabuting araw sa iyo, Charles!

Hindi mo nabanggit ang iyong SS number upang i-verify namin kung kuwalipikado kang mag-apply sa Salary Loan Program ng SSS.


Ang salary loan ang isa sa pinakasikat na programa sa pautang ng SSS at maraming miyembro ang ginagamit ito upang matugunan ang kanilang mga panandaliang pangangailangang pampinansyal.


Upang makahiram ka sa programang ito, ikaw ay dapat nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 na buwanang kontribusyon o tatlong taon kung saan ang anim na kontribusyon ay naihulog sa loob ng huling 12 buwan bago ang buwan ng pagpa-file mo ng loan application.


Ang halaga naman ng maaari mong mahiram sa SSS ay nakabatay sa monthly salary credit (MSC) o ang salary level ng iyong buwanang kita. Samantala, ang MSC naman ang batayan ng computation ng lahat ng mga benepisyo at loan sa SSS.


Charles, kung ikaw ay mayroong 36 hanggang 71 monthly contributions, ang halaga ng maaari mong hiramin sa SSS ay katumbas ng average MSC o ang average ng MSC ng huling 12 hulog mo sa SSS. Halimbawa, kumikita ka ng P19,200 kada buwan. Ang halagang ito ay sakop ng P19,000 na MSC. Kung kaya, P19,000 ang katumbas na loanable amount na maaari mong makuha para sa one-month salary loan.


Samantala, kung ikaw ay nakapaghulog ng 72 buwanang kontribusyon at higit pa rito, ang matatanggap mong loan amount ay katumbas sa two-month salary loan o doble ng iyong average MSC. Kung pagbabatayan natin ang iyong kita, P38,000 ang iyong loanable amount o doble ng P19,000 na kasalukuyan mong MSC.


Sa kasalukuyan, ang maximum loanable amount naman para sa salary loan ay hanggang P40,000 lamang.


Maaaring bayaran ang utang sa loob ng 24 na buwan o dalawang taon. Ito ay may interes na 10% bawat taon batay sa diminishing balance o natitirang balanse ng utang at ibabawas din sa utang ang kaukulang 1% na service fee.


Charles, online na rin ang pagpa-file ng salary loan application sa pamamagitan ng My.SSS Portal na matatagpuan sa SSS website, www.sss.gov.ph. Kinakailangan lamang na ikaw ay rehistrado at mayroong kang My.SSS account gayundin ang enrolled bank/savings account sa Disbursement Account Enrolment Module (DAEM) na makikita rin sa SSS website. Dagdag dito, sa iyong rehistradong bank account i-credit ng SSS ang iyong salary loan na mas mabilis mo namang matatanggap.


***


Bukas pa rin ang Calamity Assistance Package (CAP) para sa mga miyembro at pensyonado na nasalanta ng Southwest Monsoon at Tropical Cyclone (TC) Egay. Tatanggap ng aplikasyon para sa CAP hanggang Nobyembre 14, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pampanga, Cagayan, Bataan, Cavite, Abra, at Mountain Province; mga bayan ng Luna at Bangar sa La Union, Mangatarem at Santa Barbara sa Pangasinan, Paombong at Pulilan sa Bulacan, Camiling sa Tarlac, at Sablayan sa Occidental Mindoro; at sa Lungsod ng Dagupan.


***


Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (ConsoLoan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

by Info @Brand Zone | October 2, 2023




SSS extends deadline of remittance of contributions in areas affected by Southwest Monsoon enhanced by Egay, Falcon

The Social Security System (SSS) extended in selected areas the payment deadline for the June 2023 contribution of business employers and the second quarter contributions of household employers, coverage and collection partners (CCP), and individual members from July 31, 2023 to October 2, 2023.

According to SSS Circular No. 2023-005 (https://bit.ly/CI2023-005) signed by SSS President and CEO Rolando Ledesma Macasaet, the said applicable month and quarter were extended until September 30, 2023, but since it falls on a Saturday, the deadline was further extended to the next working day, which is October 2, 2023.


“We understand that these calamities have affected the ability of some of our members, covered employers, and CCPs in selected areas to pay their contributions on or before their original schedule. For consideration, we are giving them more time to pay their SSS contributions so that payment gaps or late payments can be avoided,” Macasaet said.


The extension applies to employers, CCPs, and members in areas declared under State of Calamity by various local government offices due to the Southwest Monsoon enhanced by Tropical Cyclones Egay and Falcon, such as the provinces of:


  • Ilocos Norte,

  • Ilocos Sur,

  • La Union,

  • Pangasinan,

  • Cagayan,

  • Bataan,

  • Bulacan,

  • Nueva Ecija,

  • Pampanga,

  • Tarlac,

  • Cavite,

  • Rizal,

  • Occidental Mindoro,

  • Abra,

  • Apayao,

  • Benguet,

  • Ifugao, and

  • Mountain Province.


The said extension also covers other areas that may be declared under State of Calamity by local government units, local disaster risk reduction management offices, the National Disaster Risk Reduction Management Council, or the national government.


Likewise, employers with approved installment proposals must deposit their post-dated checks that fall due in June and July 2023 on or before October 2, 2023.

However, no contribution paid retroactively by individual members will be used in determining their eligibility to any benefit arising from a contingency wherein the date of payment is within or after the semester of contingency.


The original contribution payment deadlines and guidelines in the said areas will resume starting with the applicable month of July 2023.


ree

LEARN MORE

Social Security System


Maaaring bisitahin ang official website ng SSS sa https://www.sss.gov.ph o tumawag sa mga numerong 1455 ( SSS Hotline ) at 1-800-10-2255777 ( Toll-Free No. )


 
 

@Buti na lang may SSS |October 01, 2023


Dear SSS,

Magandang araw! Nais kong ilapit ang nanay ko na retirement pensioner ng SSS.


Mayroon bang iniaalok na loan program para sa mga pensioners nito? Magkano naman ang loanable amount at ilang taon itong babayaran? Salamat. — Larry

Mabuting araw sa iyo, Larry!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat ipinagdiriwang ngayong unang linggo ng Oktubre ang Elderly Filipino Week. Ito ay bilang pagpupugay sa mahalagang kontribusyon ng mga senior citizen sa nation-building.


Para sa kaalaman ng ating mga miyembro, ang Pension Loan Program (PLP) ay isang loan program o pautang na binuksan noong Setyembre 2018 para sa mga retiradong pensyonado o retirement pensioners. Layunin ng nasabing programa ang makapagbigay ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng isang pautang na may mas mababang interes. Batid naman natin na kailangan Larry, ng iyong ina at ng ating mga pensyonado ng karagdagang financial assistance para sa kanilang mga pangangailangang medikal, at iba pa.


Dagdag pa rito, ang PLP ay nagsisilbing alternatibo sa mga private lending institutions na nagbibigay din ng pautang na may mataas na interest rates at ginagamit na kolateral ang ATM cards ng mga pensyonado.


Upang makahiram sa ilalim ng PLP, kinakailangan lamang na matugunan niya ang mga sumusunod na kondisyon:


  • hindi dapat hihigit sa 85 taong gulang sa katapusan ng termino ng pautang;

  • walang ibinabawas sa kanyang buwanang pensyon, gaya ng natitirang balanse sa ibang pautang ng SSS o kaya’y sobrang benepisyong binayaran ng SSS;

  • walang utang sa ilalim ng SSS Calamity Assistance Package (CAP);

  • tumatanggap na ng regular na pensyon na hindi bababa sa isang (1) buwan.


Online na ang pag-file ng application sa PLP sa mga ay first-time borrowers o magre-renew ng kanilang pension loan. Kinakailangan lamang na siya ay nakarehistro sa My.SSS na matatagpuan sa SSS website, www.sss.gov.ph.

Kinakailangan ding ibigay ng iyong ina ang kanyang contact number o aktibong mobile number, kabilang ang kanyang SSS UMID-ATM o kaya’y ang Union Bank Quick Cash Card para rito.

Narito ang paraan ng pagpa-file ng loan application sa PLP:


  1. Mag-log in sa My.SSS account.

  2. Magtungo sa E-Services tab kung saan makikita ang “Apply for Pension Loan.”

  3. I-click ang “Apply for Pension Loan” upang simulan ang kanyang aplikasyon.

  4. Piliin ang halaga ng uutangin at kung gaano mo ito katagal babayaran.

  5. Matapos nito, i-click ang “I agree sa mga terms and conditions of the program.”


Maaari naman niyang i-download o kaya’y i-print ang kopya ng Disclosure Statement. Makatatanggap siya ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng e-mail o text tungkol sa kanyang aplikasyon. Papasok naman ang halaga ng inutang sa kanyang UMID-ATM o UnionBank Quick Cash Card.


Maaaring makahiram ng katumbas ng tatlo hanggang 12 beses ng kanyang tinatanggap na basic monthly pension (BMP) kasama ang P1,000 additional benefit na ibinigay noong 2017. Subalit, hindi ito hihigit sa P200,000 na siyang maximum loanable amount na ipinapahiram sa ilalim ng PLP. Dagdag pa rito, ang net take-home pension o matitira sa inyong buwanang pensyon ay hindi dapat bababa sa 47.25%.


Samantala, ang pension loan na katumbas ng tatlong beses ng inyong tinatanggap na buwanang pensyon ay babayaran ninyo sa loob ng anim na buwan; kung katumbas naman ng anim na beses ng inyong buwanang pensyon, maaari ninyo itong bayaran sa loob ng 12 buwan. Kung ang nahiram na pension loan ay katumbas ng siyam o 12 beses ng buwanang pensyon, maaari naman ninyo itong bayaran ng hanggang 24 buwan o sa loob ng dalawang taon.


Ang isang kagandahan ng programang ito ay ang pagkakaroon ng credit life insurance ng borrowers. Kung sakali mang pumanaw ang nangutang na pensyonado at dahil dito ay hindi na nito maituloy ang pagbabayad ng kanyang loan, sa ilalim ng credit life insurance, babayaran ng isang insurance company ang natitirang utang ng pensyonado sa SSS.

***


Binuksan noong Agosto 15, 2023 ang Calamity Assistance Package (CAP) para sa mga miyembro at pensyonado na nasalanta ng Southwest Monsoon at Tropical Cyclone (TC) Egay. Tatanggap ng aplikasyon para sa CAP hanggang Nobyembre 14, 2023. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa SSS members at ang Three-month advance pension para sa lahat ng SSS at Employee’s Compensation (EC) pensioners.


Ang CAP ay magbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pampanga, Cagayan, Bataan, Cavite, Abra, at Mountain Province; mga bayan ng Luna at Bangar sa La Union, Mangatarem at Santa Barbara sa Pangasinan, Paombong at Pulilan sa Bulacan, Camiling sa Tarlac, at Sablayan sa Occidental Mindoro; at sa Lungsod ng Dagupan.


***


Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page