top of page
Search

@Buti na lang may SSS |December 30, 2023


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay isang magsasaka dito sa General Tinio, Nueva Ecija. Nais ko sanang itanong kung paano maipagpapatuloy ng katulad kong magsasaka ang paghuhulog sa SSS. Salamat. — Mang Kiko

 

 

Mabuting araw sa iyo, Mang Kiko! 


Kinikilala ng SSS ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga magsasaka at mangingisda sa ating ekonomiya. Kaya noong Oktubre 1995, sinimulan ng SSS ang coverage ng mga magsasaka at mangingisda para mabigyan din sila ng kaukulang social security protection nang sa gayon ay may magagamit sila sa oras ng pagkakasakit, panganganak, pagkabalda, pagreretiro, inboluntaryong pagkawala ng trabaho, pagkamatay, pagpapalibing, at mga biglaang pangangailangan. 


Noong nakaraang taon, inilunsad ng SSS ang Flexible Payment Schedule ng Social Security (SS) at Employees’ Compensation (EC) contributions para sa lahat ng magsasaka, mangingisda, at mga self-employed individual sa informal economy.


Sa ilalim ng nasabing programa, maaari na kayong magbayad, Mang Kiko, ng inyong SSS contributions para sa nakalipas na 12 buwan mula sa kasalukuyang buwan.


Halimbawa, kung kayo ay magbabayad ng SSS contributions ngayong buwan ng Enero, maaari pa ninyong bayaran ang inyong mga kontribusyon para sa Enero hanggang Disyembre 2023.


Samantala, ang schedule na ito ay hindi applicable o ipinatutupad para sa ibang miyembro, lalo na sa mga regular na self-employed dahil hindi pinapayagan sa ganitong membership type ang retroactive payments. 


Narito naman ang comparison ng regular na payment schedule para sa mga self-employed member at ng bagong flexible payment schedule para sa mga magsasaka, mangingisda at self-employed individuals na kabilang sa informal economy:


ree

Nakita ng SSS na ang regular payment schedule para sa mga self-employed member ay hindi akma o naaayon sa schedule ng kita ng ating mga magsasaka at mangingisda.


Hindi kasi sila tulad ng karaniwang manggagawa na tumatanggap ng sahod kada buwan, dahil sila ay nagkakaroon lamang ng kita sa panahon ng anihan ng kanilang pananim na may mga partikular na buwan lamang sa loob ng isang taon. 


Sa isinagawang pag-aaral ng SSS, lumalabas na may kaukulang harvest season ang mga magsasaka at ito ay:

  • Para sa palay

Pangunahing ani: Setyembre hanggang Disyembre

Ikalawang ani: Enero hanggang Abril

Kabuuang bilang ng buwan: 8 buwan/12 buwan

  • Para sa mais

Pangunahing ani: Hulyo hanggang Setyembre

Ikalawang ani: Pebrero hanggang Mayo

Kabuuang bilang ng buwan: 8 buwan/12 buwan


Dahil dito ay minarapat ng SSS na ibatay sa kanilang harvest season ang schedule ng pagbabayad ng kanilang kontribusyon para maipagpatuloy nila ang kanilang pagiging miyembro.


Ang halaga ng kontribusyon naman na kanilang babayaran ay batay sa idedeklara nilang buwanang kita. Sa kasalukuyan, maaari silang maghulog mula P570 hanggang P4,230 kada buwan. Kasama na rito ang kontribusyon sa ilalim ng EmployeesCompensation Program (ECP) na P10 kung ang Monthly Salary Credit o MSC ay P4,000 hanggang P14,500 at P30 naman kung ang MSC ay P15,000 o higit pa. 


Maaari silang magbayad ng kanilang kontribusyon gamit ang SSS Mobile App, Bayad o GCash app o kaya’y sa pamamagitan ng ShopeePay. Gayundin, maaari nila itong bayaran sa pamamagitan ng internet banking facility ng Security Bank at Union Bank of the Philippines, SSS branch na may tellering facility, accredited payment centers, at SSS-accredited partner agents.


Malaki ang magiging pakinabang ng isang magsasaka o mangingisda kung patuloy na maghuhulog sa SSS hanggang sa siya ay magretiro. Sa panahon ng inyong pagreretiro, Mang Kiko, ay aanihin ninyo ang naimpok sa SSS bilang buwanang pensyon kung kayo ay may naipon na 120 buwan na kontribusyon. Kayo rin ang makikinabang sa kontribusyong inihuhulog ninyo ngayon sa SSS at sa darating pang mga taon.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program o Conso Loan, para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, tanging ang orihinal o principal amount at interes na lamang ang kanilang babayaran.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 


 
 

ni Info @Brand Zone | December 27, 2023



ree


The Social Security System (SSS) Olongapo Branch recently conducted an SSS e-Wheels program at Sitio Parola Cawag in Subic, Zambales to extend SSS services and coverage in far-flung areas.


SSS Olongapo Branch Head Marites A. Dalope and other branch personnel went on a 90-minute boat ride from Bulungan to Sitio Parola, marking the SSS’ commitment to providing services closer to the fisherfolk community.


The e-wheels program started with an orientation on SSS benefits, programs, and services. The Accounts Management Section personnel actively engaged with and assisted over 120 participants during the activity.


SSS e-Wheels services include issuing Social Security (SS) Number and Payment Reference Number (PRN), My.SSS registration and online payment assistance through Gcash/Maya and other SSS-related inquiries.


Employees from the Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council and the Public Relations Department of the Subic Bay Metropolitan Authority also participated in the event.

 
 

@Buti na lang may SSS |December 24, 2023


Dear SSS,

 

Magandang araw! Nais ko sanang malaman kung paano ang computation ng SSS maternity benefit. Magkano naman ang benepisyong maaari kong makuha para rito? Salamat — Lani

 

Mabuting araw sa iyo, Lani!

 

Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat ngayong araw ay bisperas ng pagdiriwang ng Pasko, na siyang kapanganakan ni Hesu-Kristo. 


Ang maternity benefit o benepisyo sa panganganak ay cash allowance na ibinabayad ng SSS sa babaeng miyembro nito sa bawat araw na hindi siya nakapagtrabaho dahil sa panganganak, miscarriage o emergency termination of pregnancy (ETP).


Sa ilalim ng Republic Act 11210 o ang Expanded Maternity Leave Law (EMLL) na ipinatupad noong 11 Marso 2019, 105 days na ang paid maternity leave, maging ito ay normal o caesarian delivery. Samantalang 60 days paid maternity leave naman para sa mga nagkaroon ng miscarriage o sumailalim sa ETP. 


Ang mga solo parent naman ay maaari pang makakuha ng karagdagang 15 days paid maternity leave.  


Para sa iyong kaalaman Lani, narito kung paano kinukuwenta ang benepisyo sa panganganak:


  1. Alamin ang semestre ng panganganak. Ang semestre ay binubuo ng dalawang magkasunod na quarter o katumbas ng anim na buwan at nagtatapos sa quarter kung saan nakapaloob ang buwan ng panganganak, miscarriage o ETP.

  2. Alamin ang huling 12 buwan bago ang semestre ng panganganak, miscarriage o ETP at i-check kung mayroong anim na pinakamataas na monthly salary credit (MSC) sa loob ng nasabing 12 buwan. 

 

Ang MSC ay ang compensation base ng kontribusyon at mga benepisyo na kaugnay sa kabuuang kita ng isang miyembro as isang buwan.


3.              Alamin ang total monthly salary credit (TMSC). Kinukuwenta ang TMSC sa pamamagitan ng pagpili ng anim na pinakamatataas na MSC sa loob ng 12 buwan. 


4.              I-divide ang TMSC sa 180 (constant divisor). Anumang halaga na makuwenta rito ay ang average daily salary credit (ADSC).


5.              Panghuli, i-multiply ang ADSC sa 105 kung normal o caesarian delivery at 60 naman kung nagkaroon ng miscarriage o sumailalim sa ETP upang makuha kung magkano ang total maternity benefit. 

 

Halimbawa, ikaw ay nanganak noong Oktubre 26, 2023 at sumusuweldo ng P20,000 kada buwan. Ang iyong semester of contingency ay mula Hulyo 2023 hanggang Disyembre 2023. Kaya ang 12 buwan bago ang semester of contingency ay magsisimula sa July 2022 hanggang Hunyo 2023. Dito pipiliin ang anim na pinakamatataas na MSC.


Ipagpalagay natin na P20,000 ang anim na pinakamataas mong MSC sa loob ng 12 buwan. 


Samakatuwid, ang TMSC mo ay P120,000 (P20,000 x 6) na idi-divide natin sa 180 (P120,000/180) para makuha ang ADSC na nagkakahalaga ng P666.67. Ang total maternity benefit mo ay P70,000 (P666.67 x 105) kung normal o caesarian delivery at P40,000 naman kung nagkaroon ng miscarriage o sumailalim sa ETP. 


Paalala! Dapat palaging siguruhin ng miyembro na updated ang kanyang kontribusyon sa SSS upang maging kuwalipikado siya sa maternity benefit. Samantala, wala ng kaukulang limit sa pagdadalang-tao ng miyembro simula noong ipatupad ang EMLL. 


Dagdag pa rito, maaari nang i-file ang Maternity Benefit Application online sa pamamagitan ng My.SSS portal na matatagpuan sa SSS website (www.sss.gov.ph).  


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page