top of page
Search

@Buti na lang may SSS | Pebrero 4, 2024


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang construction firm. May tanong ako ukol sa SSS sickness benefit. Nais ko sanang malaman kung mahalaga ba ang magpasa ng sickness notification? Salamat. — Charles


Mabuting araw sa iyo, Charles! 


Mahalaga ang sickness notification sapagkat ang kawalan nito ay maaaring maging dahilan upang i-deny ang iyong sickness benefit claim application.


Para sa iyong kaalaman, ang SSS sickness benefit ay cash allowance na ibinabayad sa miyembro para sa bawat araw na hindi siya makapagtrabaho dahil sa sakit o pagkapinsala ng katawan. Ibinibigay ito sa mga kuwalipikadong miyembro na hindi makapagtrabaho ng hindi kukulangin sa apat na araw. Dapat nakapaghulog din siya ng hindi bababa sa tatlong buwanang kontribusyon sa loob ng huling 12 buwan bago ang semestre ng pagkakasakit o pagkapinsala ng katawan. Para naman sa mga empleyado, dapat ay nagamit na niya ang lahat ng kanyang kasalukuyang sick leaves sa kumpanya.


Mahalaga rin na naabisuhan o nabigyan niya ng notipikasyon ang kanyang employer.


Halimbawa, na-confine ka sa ospital mula Mayo 25 hanggang Hunyo 2, 2023. Ang semestre ng iyong pagkakasakit ay mula Enero hanggang Hunyo 2023. Hindi natin isasama sa bilang ng komputasyon ng iyong naihulog sa SSS ang panahong ito dahil ito ang semestre ng iyong pagkakasakit. Kaya, ang huling 12 buwan bago ang semestre ng iyong pagkakasakit ay mula Enero hanggang Disyembre 2022. Sa panahong ito naman ay dapat mayroon kang hindi bababa sa tatlong buwanang kontribusyon upang maging kuwalipikado sa benepisyong ito.


Kung ang miyembro ay isang self-employed o voluntary member, siya naman ay direktang magpa-file ng kanyang sickness benefit application sa SSS dahil wala siyang employer.


Samantala, parehong ang pagsusumite ng SSS sickness notification at Sickness Benefit Application ay online na gamit ang My.SSS account ng miyembro. Kaya mahalaga na ang isang miyembro ay nakarehistro sa My.SSS Portal na matatagpuan sa SSS website, www.sss.gov.ph, at nakapag-enroll ng kanyang bank/savings account sa ilalim ng Disbursement Account Enrolment Module (DAEM) na matatagpuan din sa My.SSS Portal.


Batay sa SSS Circular No. 2023-008 na may petsang Oktubre 16, 2023, muling ibinalik ang prescriptive period para sa filing ng sickness benefit. Bunga nito, mayroong limang araw mula sa unang araw ng kanyang pagkakasakit ang isang miyembro upang abisuhan ang kanyang employer gamit ang SSS Sickness Notification form. Limang araw din na kinakailangang i-notify ng employer ang SSS sa pagkakasakit ng kanyang empleyado. Ngunit, kung ang miyembro ay may hospital confinement, binibigyan siya ng isang taon mula sa araw ng kanyang pagkakasakit o pagkapinsala ng katawan upang i-file ang kanyang sickness benefit claim. Hindi na kailangang ipagbigay-alam pa ang kanyang pagkakasakit kung ang miyembro ay naospital o nagkasakit habang nagtatrabaho sa loob ng kanyang kumpanya.


Samantala, ang sickness notification ay i-evaluate ng SSS at aaprubahan. Dito rin malalaman ng employer kung para sa ilang araw naaprubahan ang sickness claim ng miyembro. Kapag nakuha na ang aprubadong sickness notification maaari nang ipauna ng employer ang naturang benepisyo sa kanyang empleyado.


Kapag ipinasa ng empleyado sa tamang panahon ang kanyang sickness notification ngunit hindi ito kaagad ipinasa ng kanyang employer, buo pa rin ang tatanggaping sickness benefit mula sa kanyang employer. Subalit, ang halaga ng reimbursement na matatanggap ng employer ay mababawasan dahil sa late filing o pagbibigay ng notification.


Kung naipagbigay-alam ng empleyado sa kanyang employer o sa SSS kung nahiwalay sa trabaho, self-employed o voluntary member ang kanyang pagkakasakit matapos ang takdang limang araw, ang confinement ng miyembro ay mag-uumpisa lamang sa ikalimang araw bago natanggap ng employer o ng SSS ang notipikasyon.


Dagdag pa rito, kung naipagbigay-alam ng employer sa SSS ang pagkakasakit ng isang empleyado matapos ang takdang limang araw makaraang matanggap ang notipikasyon mula sa empleyado, ang mare-reimburse lamang ng employer ay ang bawat araw ng pagka-confine ng empleyado mula sa ika-10 araw bago natanggap ng SSS ang notipikasyon.


Kapag naibigay naman ng empleyado ang kinakailangang notipikasyon sa kanyang employer subalit hindi naipagbigay-alam ng employer ang pagka-confine nito sa SSS na naging sanhi ng hindi pagbibigay o ng pagkabawas ng benepisyo, ang kabuuang halaga ng benepisyo ay kinakailangang ibigay pa rin ng employer sa kanyang empleyado, ngunit ang employer ay hindi maaaring mag-reimburse sa SSS ng daily sickness allowance na ibinayad sa kanyang empleyado.


Nakapaloob sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, pinapaunang bayaran ng employer ang kanyang empleyado ng sickness benefit. Ang employer naman ang babayaran ng SSS matapos maisumite nito ang SSS Sickness Benefit Reimbursement Application online. Magpapadala ang SSS ng notification sa empleyado upang isesertipika niya ang paunang bayad ng kanyang sickness benefit. Kaya kung hindi pa paunang naibayad ang sickness benefit, huwag nila itong isertipika at dapat i-report ito sa SSS upang maituro sa employer ang tamang paraan ng pagbibigay ng sickness benefit.


Maaaring ang pag-file ng sickness notification ay ang huling bagay na iniisip ng mga empleyado kapag sila ay may sakit, ngunit napakahalaga itong gawin. Nakasalalay dito ang benepisyong makukuha ng isang miyembro ng SSS sa oras ng kanyang pangangailangan.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 


***


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

@Buti na lang may SSS | Januuary 28, 2024


Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang college student na gustong mag-part time work.


Nag-apply ako sa isang call center at natanggap naman ako. Isa sa requirement ay ang pagkuha ng SSS number ngunit wala pa ako nito. Hindi ako makapunta sa branch ninyo dahil may pasok ako sa school. May paraan bang makakuha ako ng SSS number na hindi na pupunta sa SSS branch? Salamat. — Joan ng Quezon City


Mabuting araw sa iyo, Joan!


Hindi mo na kinakailangang magtungo sa alinmang sangay ng SSS upang kumuha ng iyong Social Security (SS) number sapagkat available na ito online sa pamamagitan ng aming website, www.sss.gov.ph.


Inilunsad ito ng SSS upang mapadali ang pagkuha ng SS number with My.SSS registration lalo na ang mga bagong tapos sa kolehiyo at kabataang naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon. Kasama rin ang online na pagbigay ng SS number sa aming patuloy na kampanya upang palawakin pa ang kapasidad ng aming website para makapagbigay ng mas magandang alternatibo sa mga over-the-counter na aplikasyon.


Upang makakuha ng SS number, pumunta sa SSS homepage at pindutin ang “No SSS number yet? Apply Online” tab na makikita sa ibabang bahagi ng SSS website.


Pagkaraan ay lalabas ang step-by-step guide na dapat mong sundin para umusad ang iyong online application.


Kinakailangang ibigay mo ang iyong mga personal na impormasyon gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan at e-mail address. Pagkatapos isumite ang mga impormasyong ito, padadalhan ka ng link sa iyong ibinigay na e-mail kaya dapat ito ay aktibo at laging ginagamit. Sa iyong e-mail address, kailangan mong kumpirmahin ang link na ipinadala sa iyo sa loob ng limang araw dahil kung hindi mo ito gagawin ay uulitin mo ang buong proseso.


Para makumpleto ang registration, kinakailangang suriin mong mabuti ang mga impormasyon na iyong inilagay at itama ito kung may mali bago makakuha ng SS number sa online system.


Pagkatapos maisyu ang SS number, ipapakita sa screen ang iyong personal record at SS number slip. Maaari mo rin itong i-print bilang katibayan ng iyong online registration.


Magpapadala naman ng soft copy ng iyong Personal Record (E-1) sa rehistradong e-mail address na ibinigay mo sa SSS. 


Maaari mo nang ibigay sa iyong employer ang naisyung SS number. Upang maging permanent naman ang status ng iyong SS number, kinakailangan mong magsumite online o sa pinakamalapit na SSS Branch ng mga documentary requirements katulad ng Birth Certificate. Maaari mo itong gawin sa iyong libreng araw.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 


 
 

@Buti na lang may SSS | Januuary 14, 2024


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay dentista rito sa Mandaluyong City. Ano ang schedule ng pagbabayad sa SSS ng katulad kong dentista. Salamat. — Abigail

 

Mabuting araw sa iyo, Abigail! 

 

Itinuturing ng SSS ang mga katulad ninyong dentista bilang mga self-employed member. At para sa mga self-employed member, ang deadline ng pagbabayad ng inyong kontribusyon sa SSS ay tuwing huling araw ng kasunod na buwan ng applicable month o quarter.


Ibig sabihin, ang iyong kontribusyon para sa buwan ng Disyembre 2023 o di kaya’y para sa 4th quarter ng 2023 (Oktubre hanggang Disyembre 2023) ay maaari mong bayaran hanggang Enero 31, 2024.


Ito rin ang sinusunod na deadline ng contribution payment ng mga voluntary at non-working spouse member ng SSS.  


Sinu-sino ba ang mga self-employed? Sila ang mga indibidwal na kumikita mula sa kanyang sariling negosyo o propesyon na walang employer kung hindi ang kanyang sarili habang hindi pa siya umaabot ng 60 taong gulang.


Kabilang dito ang mga propesyonal tulad ng abogado o doktor, may sariling opisina man o wala, mga nagmamay-ari o magkasosyo sa negosyo, mga artista, direktor o manunulat ng pelikula na hindi itinuturing na empleyado, mga propesyonal na atleta, coaches, hinete at tagapagsanay, gayundin ang mga magsasaka at mangingisda na sinaklaw naman noong 1995. Kabilang din dito ang mga contractual at job order worker na nasa mga ahensya ng pamahalaan.


Sa kasalukuyan, ang SSS contribution rate ay 14% ng monthly salary credit na hindi hihigit sa P30,000. Maaari mo namang ibatay ang halaga ng iyong magiging buwanang kontribusyon, Abigail sa monthly salary credit o ang salary level kung saan nakabase ang iyong buwanang kita na idineklara mo naman sa iyong registration form o SS Form E-1 (Personal Record). 


Samantala, ang Schedule of Contributions ay makikita sa SSS website, www.sss.gov.ph o kaya’y sa Facebook page nito sa Philippine Social Security System. Dagdag dito, ang buwanang kontribusyon ng self-employed ay maaaring tumaas o bumaba batay sa iyong aktuwal na kinikita.


Halimbawa, Abigail ang idineklara mong buwanang kita sa registration form ay P19,250.


Batay sa Schedule of Contributions, ito ay katumbas sa P19,500 monthly salary credit at may kaukulang SSS contribution na P2,730 kada buwan at P30 naman kada buwan ang para sa iyong Employee’s Compensation (EC) contributions na may kabuuang halaga kontribusyon na P2,760 kada buwan. 


Simula noong September 2020 ay sakop na rin ng Employees’ Compensation Program ang mga self-employed member na katulad mo, Abigail. Ito ay karagdagang proteksyon kung sakaling ikaw ay magkasakit, mabalda o mamatay habang naghahanapbuhay. Ito ay nagkakahalaga ng P10 kada buwan kung ang kita mo ay P14,749.99 pababa at P30 naman kada buwan kung ang kita ay P14,750 pataas. 


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page