top of page
Search

by Info @Buti na lang may SSS | November 16, 2025



Buti na lang may SSS


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Namatay ang aking asawa noong August 2025. May matatanggap bang benepisyo mula sa SSS ang mga menor-de-edad. Salamat. — Celia



Mabuting araw sa iyo, Celia! 


Ang benepisyo sa pagkamatay ay ang halagang ibinabayad bilang buwanang pensyon o lump sum amount sa mga legal na benepisyaryo ng namatay na miyembro. Ang mga itinuturing na primary beneficiaries ay ang legal spouse at mga menor-de-edad na anak.


Kung nakapaghulog ang miyembro ng 36 buwanang kontribusyon bago ang semestre ng kanyang pagkamatay, ang kanyang primary beneficiaries (legal spouse at minor children) ay makakakuha ng buwanang pensyon ang legal na asawa at dependent’s pension naman ang mga menor-de-edad na anak.


Ang mga menor-de-edad na anak na magiging kuwalipikado sa dependent’s pension:

  • Lehitimo o illegitimate na anak ng namatay na miyembro;

  • Wala pang asawa at hindi pa nagtatrabaho;

  • Wala pang 21 years old o higit sa 21 years old subalit permanently incapacitated at hindi kayang suportahan ang kanilang sarili dahil sa isang congenital o childhood-onset na kapansanan.


Sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security of 2018 (Section 12-A), ang dependents’ pension ay katumbas ng P250 o 10% ng basic monthly pension, alinman ang mas mataas. Ipinagkakaloob ito sa limang menor-de-edad na anak, simula sa pinakabata ngunit walang kaukulang pagpapalit o substitution. Matitigil lamang ang benepisyong ito kapag umabot na ang bata sa kanyang ika-21 taong gulang, nakapag-asawa, nakapagtrabaho o kaya ay namatay.


Pangkaraniwan, ang pagbabayad ng dependent’s pension ay sa pamamagitan ng nabubuhay na magulang o tagapag-alaga (guardian) na siyang mamamahagi ng pensyon sa mga bata.


Kung ang isang guardian ay itinalaga, ang SSS ay maaaring mangailangan ng mga dokumento na magpapatunay ng guardianship sa mga bata.


Batay sa SSS Circular No. 2022-009, online na ang filing death claim sa pamamagitan ng My.SSS Portal.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | November 9, 2025



Buti na lang may SSS


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Nais kong itanong ang SSS death benefit claim ng tatay ko. Namatay siya noong August 2024. May unang pinakasalan siya gayundin si nanay. Maililipat ba ang pensyon ni tatay sa nanay ko? Salamat. — Sally



Mabuting araw sa iyo, Sally! 


Mahalagang matalakay natin ang tungkol sa benepisyo sa pagkamatay o death benefit na ibinibigay ng SSS sa mga naulila ng namayapang miyembro.


Ang benepisyo sa pagkamatay ay ang halagang ibinabayad bilang buwanang pensyon o lump sum amount sa mga legal na benepisyaryo ng namatay na miyembro. Samantala, ang order o pagkakasunud-sunod na kategorya sa pagkilala sa mga benepisyaryo ng SSS ay ang:


  1. primary beneficiaries tulad ng asawa at mga menor-de-edad na anak;

  2. secondary beneficiaries kung saan ang binabayaran ng SSS ay ang mga magulang ng binata o dalagang miyembrong namatay;

  3. designated beneficiaries o ang mga itinakdang benepisyaryo tulad ng kapatid, anak ng namayapang miyembro na itinalaga ng miyembro sa kanyang SS Form E-1 o E-4; at

  4. legal heirs o tagapagmana ng namayapang miyembro na karaniwan ay kanyang "blood relative” ayon sa Civil Code of the Philippines.


Samantala, kung nakapaghulog ang miyembro ng 36 buwanang kontribusyon bago ang semestre ng kanyang pagkamatay, ang kanyang primary beneficiaries ay makakakuha ng buwanang pensyon. Kung namatay naman ang pensyonado, ang 100% ng basic monthly pension niya ay malilipat sa kanyang legal na asawa at dependent’s pension naman sa mga menor-de-edad na anak.


Ang lump sum benefit naman ay ibinibigay kapag hindi umabot sa 36 buwan ang naihulog ng miyembro bago ang semestre ng kanyang pagkamatay. Lump sum benefit din ang benepisyong ibinibigay kung walang primary beneficiaries o legal na asawa o menor-de-edad na anak ang miyembro.


Sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security of 2018, ang may karapatan sa batas na makatanggap ng death benefit ng miyembro ay tanging ang mga legal na benepisyaryo ng SSS katulad ng ating nabanggit.


Kung ang namatay na miyembro ay pensyonado, ililipat ang pensyon nito sa kanyang legal na asawa na katumbas ng 100% na tinatanggap ng namayapang miyembro noong siya ay nagpepensyon sa ilalim ng SSS Retirement Benefit Program. 


Ayon sa datos ng SSS noong Setyembre 2025, ang pinakamababang survivor pension ay nagkakahalaga ng P2,000 at ang pinakamataas ay nasa P21,210. Habang ang pangkaraniwang halaga ng survivor pension ay P4,310. Nakadepende sa contribution record ng yumaong miyembro ang magiging halaga ng buwanang pensyon.


Kung may anak naman siya na wala pang 21 taong gulang, makatatanggap ang kanyang anak ng dependents’ pension. Ito ay katumbas ng P250 o 10% ng basic monthly pension, alinman ang mas mataas. Samantala, maaari itong ipagkaloob sa limang menor-de-edad na anak, simula sa pinakabata ngunit walang kaukulang pagpapalit o substitution. Matitigil lamang ang benepisyong ito kapag umabot na ang bata sa kanyang ika-21 taong gulang, nakapag-asawa, nakapagtrabaho o kaya ay namatay.


Kung sakali namang wala nang legal na asawa at wala nang menor-de-edad sa inyong magkakapatid, Sally, ay maaari kayong makatanggap ng nalalabing balanse ng inyong tatay na nakapaloob sa five-year guaranteed period kung hindi pa nakakalagpas ng limang taon ang pagtanggap ng pensyon ng miyembro. Sa ilalim ng five-year guaranteed period, kapag ang miyembro ng SSS na nakatatanggap ng retirement pension o total permanent disability pension ay namatay bago pa umabot sa limang taon ng kanyang pagtanggap ng pensyon, ang balanse nito ay ibibigay sa mga secondary, designated o legal heirs na babayaran naman sa pamamagitan ng lump sum benefit.


Batay sa SSS Circular No. 2022-009, online na ang filing death claim sa pamamagitan ng My.SSS Portal.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | November 2, 2025



Buti na lang may SSS


Magandang araw, SSS! Kamakailan ay namatay ang aking tito na isang miyembro ng SSS. Nais ko lang malaman kung magkano ang Funeral Benefit na maaaring makuha ng kanyang mga benepisyaryo? – Lina



Mabuting araw sa iyo, Lina!


Napapanahon ang iyong katanungan dahil ginugunita natin ngayong araw ang All Souls’ Day.


Ang benepisyo sa pagpapalibing o funeral benefit ay isang cash o financial assistance na ibinibigay ng SSS sa sinumang nagbayad o gumastos sa pagpapalibing ng namayapang miyembro ng SSS.


Simula noong Oktubre 20, 2023, itinaas na ang maximum amount na maaaring makuha ng isang claimant mula sa Funeral Benefit Program ng SSS. Sa dating halaga na P40,000, ito ay P60,000 na sa kasalukuyan. Batay ito sa SSS Circular No. 2023-009 na may petsang Oktubre 18, 2023.


Sa ilalim ng bagong panuntunan, kung ang yumaong miyembro ay nakapaghulog ng 36 buwanang kontribusyon o higit pa, maaaring makatanggap ang claimant ng P20,000 hanggang P60,000, depende sa bilang ng contributions at average monthly salary credit (AMSC) ng yumaong miyembro.


Subalit, kung siya ay nakapagbayad ng isa hanggang 35 buwanang kontribusyon lamang bago ang pagkamatay ng miyembro, makakatanggap ang claimant nito ng fixed amount na P12,000.


Layunin ng bagong guidelines na bigyan ng insentibo ang pagiging aktibo ng isang miyembro sa paghuhulog ng kanyang monthly contributions sa SSS.


Dagdag pa rito, ang halaga na matatanggap ng isang claimant ay nakabatay sa resibong ipapasa ngunit hindi dapat lalagpas sa itinakdang halaga ng funeral benefit.


Halimbawa, ang funeral benefit na maaaring matatanggap ng isang yumaong miyembro ayon sa computation ng SSS ay P30,000. Kung ang halaga ng ginastos ng claimant na nasa resibo ay P20,000, ang matatanggap niyang funeral benefit ay P20,000 lamang.


Samantala, kung ang halaga ng ginastos ng claimant na nasa resibo ay P40,000, ang matatanggap niyang funeral benefit ay P30,000 lamang. Ito ay sapagkat hindi dapat lalagpas sa itinakdang halaga ng funeral benefit ang maaaring ibigay sa claimant. Sa kasong ito, P30,000 ang itinakdang halaga ng benepisyo at hindi na maaaring lumagpas pa rito.


Nakapaloob din sa Circular ang maituturing na gastos na may kaugnayan sa pagpapalibing na kinabibilangan ng mga sumusunod: 


  • embalming services o serbisyo ng pag-embalsamo;

  • burial transfer services at permits;

  • funeral services gaya ng church fees o katumbas nito sa ibang relihiyon;

  • cremation o interment services;

  • pagbili o pagrenta ng kabaong;

  • pagbili o pagrenta ng nitso/cemetery o memorial lot/columbarium; at

  • memorial/funeral insurance plan.


Mayroon din tayong sinusunod na order of priority ng claimants sa pagbabayad ng funeral benefit. Una ay ang surviving legal spouse. Sumunod ay mga anak, magulang o iba pang natural person na makakapagpakita ng proof of payment basta’t hindi binayaran ng surviving legal spouse ang funeral expense o kaya naman ito ay hindi na matagpuan, namatay na o kung walang asawa ang namatay na miyembro.


Nais din naming ipaalala na ang filing ng funeral claim application ay online na gamit ang My.SSS account, alinsunod pa rin sa SSS Circular No. 2023-009.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page