top of page
Search

@Buti na lang may SSS | Abril 14, 2024



Dear SSS, 

 

Magandang araw. Ako ay isang contract of service worker sa isang government agency dito sa Manila. Dahil sa status ng aking employment ay hindi ako qualified na maging GSIS member. Kaya nais kong malaman kung maaari ko bang ipagpatuloy ang paghuhulog sa SSS? Salamat.  — Johnny


Mabuting araw sa iyo, Johnny!


Malugod naming ipinaaalam sa iyo na maaari mong ipagpatuloy ang pagiging miyembro ng SSS bilang self-employed. Ang kinakailangan lang ay magkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang iyong pinaglilingkurang government agency at ang SSS sa ilalim ng KaSSSangga Collect Program o ang dating tinatawag na KaltaSSS-Collect Program.


Sa ilalim ng MOA na ito, ang mga job order at contract of service worker na naglilingkod sa national government agencies, local government units (LGUs) at iba pang government institutions ay mabibigyan ng social security coverage mula sa SSS. Ang mga nabanggit na mga manggagawa ay isasaklaw bilang self-employed members ng SSS.


Samantala, ang kanilang pinaglilingkurang tanggapan ng pamahalaan at LGU ay magsisilbing Coverage at Collection Partner ng SSS. Bibigyan sila ng SSS ng authority na mangolekta at mag-remit ng buwanang kontribusyon ng kanilang mga job order at contract of service workers sa pamamagitan ng isang salary-deduction scheme.


Layunin ng KaSSSangga Collect Program na masiguro ang kinabukasan ng lahat ng job order at contract of service worker na naglilingkod sa mga ahensya ng pamahalaan sa buong bansa. Bagama’t ang mga empleyadong ito ay nagtatrabaho sa mga tanggapan ng gobyerno, sila ay itinuturing na mga pribadong self-employed na miyembro at hindi nasasakop ng Government Service Insurance System (GSIS). Kaya, wala silang social security coverage. 


Bilang self-employed member ng SSS, sila ay maaaring makatanggap ng social security benefits gaya ng sickness, maternity, disability, retirement, funeral at death benefits. Makakakuha rin sila ng karagdagang coverage mula sa Employees’ Compensation Program (ECP) para sa mga contingency na may kaugnayan sa kanilang pagtatrabaho. Bukod dito, maaari rin silang mag-apply sa iba’t ibang member loans na ipinagkakaloob ng SSS tulad ng salary at calamity loans.


Sa kasalukuyan, ang SSS’ contribution rate ay 14% ng monthly salary credit na hindi hihigit sa P30,000. Maaari mo namang ibatay, Johnny, ang halaga ng iyong magiging buwanang kontribusyon sa monthly salary credit o ang salary level kung saan nakabase ang iyong buwanang kita na idineklara mo sa registration form o SS Form E-1 (Personal Record). 


Ang Schedule of Contributions ay makikita sa SSS website, www.sss.gov.ph o kaya’y sa Facebook page nito sa Philippine Social Security System. Kaugnay nito, ang buwanang kontribusyon ng self-employed ay maaaring tumaas o bumaba batay sa iyong aktuwal na kinikita.


Halimbawa, Johnny, ang idineklara mong buwanang kita sa registration form ay P10,200. Batay sa Schedule of Contributions, ito ay katumbas sa P10,000 monthly salary credit at may kaukulang SSS contribution na P1,400 kada buwan at P10 naman kada buwan ang para sa iyong Employee’s Compensation (EC) contributions na may kabuuang halaga kontribusyon na P1,410 kada buwan.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 



Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

@Buti na lang may SSS | Abril 1, 2024


Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang college student na gustong mag-part time work. Nag-apply ako sa isang call center at natanggap naman ako. Isa sa requirement ay ang pagkuha ng SSS number ngunit wala pa ako nito. Hindi ako makapunta sa branch ninyo dahil may pasok ako sa school. May paraan bang makakuha ako ng SSS number na hindi na pupunta sa SSS branch? Salamat. — Randy


Mabuting araw sa iyo, Randy!


Hindi mo na kinakailangang magtungo sa alinmang sangay ng SSS upang kumuha ng iyong Social Security (SS) number sapagkat available na ito online sa pamamagitan ng aming website, www.sss.gov.ph.


Inilunsad ito ng SSS upang mapabilis ang pagkuha ng SS number with My.SSS registration. lalo na ang mga bagong tapos sa kolehiyo at kabataang naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon. Kasama din ang online na pagbigay ng SS number sa aming patuloy na kampanya upang palawakin pa ang kapasidad ng aming website para makapagbigay ng mas magandang alternatibo sa mga over-the-counter na aplikasyon.


Upang makakuha ng SS number, pumunta sa SSS homepage at pindutin ang “No SSS number yet? Apply Online” tab na makikita sa ibabang bahagi ng SSS website. Pagkaraan ay lalabas ang step-by-step guide na dapat mong sundin para umusad ang iyong online application.


Kinakailangang ibigay mo ang iyong mga personal na impormasyon gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan at e-mail address. Pagkatapos isumite ang mga impormasyong ito, padadalhan ka ng link sa iyong ibinigay na e-mail kaya dapat ito ay aktibo at laging ginagamit. Sa iyong e-mail address, kailangan mong kumpirmahin ang link na ipinadala sa iyo sa loob ng limang araw dahil kung hindi mo ito gagawin ay uulitin mo ang buong proseso.


Para makumpleto ang registration, kinakailangang suriin mong mabuti ang mga impormasyon na iyong inilagay at itama ito kung may mali bago makakuha ng SS number sa online system.



Dapat maging maingat at suriing mabuti ang mga personal na datos na iyong ilalagay bago mo ito isumite. Maaari lamang kasi itong baguhin o itama ang iyong member information gamit ang My.SSS account kung ito ay simpleng correction o ‘di kaya’y sa pagsusumite ng Member’s Data Change Request kalakip ang mga kaukulang dokumento at ipasa ito sa alinmang sangay ng SSS.


Pagkatapos maisyu ang SS number, ipapakita sa screen ang iyong personal record at SS number slip. Maaari mo rin itong i-print bilang katibayan ng iyong online registration.


Magpapadala naman ng soft copy ng iyong Personal Record (E-1) sa rehistradong e-mail address na ibinigay mo sa SSS. 


Maaari mo nang ibigay sa iyong employer ang naisyung SS number. Upang maging permanent naman ang status ng iyong SS number, kinakailangang mong magsumite online o sa pinakamalapit na SSS Branch ng mga documentary requirements katulad ng Birth Certificate. Maaari mong itong gawin sa iyong libreng araw.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 



ree

 

The SSS Kabalikat started its championship run on a positive note, taking a 1-0 lead in the best-of-three series for this year’s UNTV Cup Finals.


The SSS Kabalikat disposed of the Agriculture Food Master in their Game 1 final matchup, 90-81, clinching its first-ever finals victory in the annual UNTV basketball tournament during yesterday’s match at the NOVADECI Convention Center in Quezon City.


The SSS Kabalikat relied on the solid performance of former PBA cager Macky Escalona, who nearly posted a double-double with 19 points and eight assists while contributing four rebounds and three steals. 


The Kabalikat established itself early in the game, 17-6, with 6:11 left in the first quarter after Escalona hit a three-pointer, capping an 11-0 run.


With 3:44 remaining in the second quarter, the Kabalikat posted a 23-point lead against Food Master, 50-27, after former Philippine Christian University Dolphins player Lisztian Amparado scored back-to-back jump shots.


Throughout the game, the Food Master tries to make a rally, but the Kabalikat always has an answer to keep them at bay.


Social Security Commissioner Robert Joseph M. De Claro, and several officials and personnel cheered for the SSS squad, which is making a historic appearance in the finals.


Game 2 of the best-of-three series will be played on Sunday, March 31, at the Philsport Arena in Pasig City.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page