top of page
Search

@Buti na lang may SSS | September 1, 2024


Buti na lang may SSS


Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang construction worker dito sa Taguig City. Nais kong itanong kung bakit kinakailangan akong magpamiyembro sa Social Security System (SSS)? Bakit ba ito mahalaga sa isang manggagawa na katulad ko? Salamat


 Raul



Mabuting araw sa iyo, Raul!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat ipagdiriwang natin ngayong Setyembre ang Social Security Month kaalinsabay ito ng 67th SSS anniversary. 


Para sa iyong kaalaman, ang SSS ay naitatag noong Setyembre 1, 1957 sa bisa ng Republic Act No. 1161 o ang Social Security Act of 1954. Layon ng batas na mabigyang proteksyon ang mga manggagawa sa pribadong sektor, maging mga propesyunal at nasa informal sektor. Bilang tugon, ang SSS ang itinalaga ng gobyerno upang pangasiwaan ang iba’t ibang social security programs para sa mga miyembro nito.


Samantala, ang paghuhulog sa SSS ay isang paraan ng pag-iipon para sa iyong pagreretiro, maging ang paghahanda sa oras ng pangangailangan o contingencies. 


Bilang isang miyembro, maaari kang makakuha ng benepisyo para sa pagkakasakit (sickness), panganganak (maternity), pagkabalda (disability), pagkawala ng trabaho (unemployment), pagreretiro (retirement), pagpapalibing (funeral) at pagkamatay (death). Kailangan lamang na makatugon ka sa mga kuwalipikasyon ng bawat benepisyo. Gayundin, maaari kang makahiram sa mga programang pautang nito tulad ng salary loan, calamity loan, educational assistance loan, at pension loan para naman sa retirement pensioners. 


Sinusundan ng SSS ang defined benefit system kung saan nagbibigay ng mga benepisyo tulad ng sickness at maternity allowance at pensyon na kinukuwenta gamit ang bilang ng naihulog na kontribusyon at monthly salary credit o ang salary level kung saan ibinabase ang halaga ng buwanang kontribusyon ng miyembro. Dahil dito, ang bawat manggagawa na nagiging miyembro ng SSS ay siguradong makatatanggap ng kauukulang benepisyo mula sa SSS basta’t may sapat na kontribusyon.


May kasabihan na “once a member, always a member” dahil panghabambuhay ang pagiging miyembro sa SSS. Kahit pa mahabang panahon na siyang hindi nakapaghulog ay hindi mawawalang bisa ang kanyang mga naihulog na kontribusyon sa SSS. 


Kaya, malaki ang maitutulong ng SSS sa mga taon ng iyong pagtatrabaho, Raul. Sa panahon ng iyong pagreretiro ay mapapakinabangan mo na ang naimpok mo sa SSS bilang pensyon na tatanggapin mo habang ikaw ay nabubuhay.

 

Ang SSS ay patuloy na mananatiling kaagapay ng bawat manggagawang Pilipino sa makabagong panahon at sinisiguro na makapagbigay ng tamang benepisyo sa mga miyembro at sa nararapat na benepisyaryo nito.  



Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.

Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.

Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Brand Zone | August 22, 2024



PhilHealth photo

The Social Security System (SSS) today said it aims to provide social security protection to 4.4 million beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) nationwide through a 4Ps version of its AlkanSSSya Program.


SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet (in front, right) and Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex T. Gatchalian (in front, left) recently inked a Memorandum of Agreement (MOA) that will allow 4Ps beneficiaries nationwide to become SSS members and have access to social security benefits.


Witnessing the agreement signing are (at the back, from left to right) DSWD Director and 4Ps - National Program Management Office National Program Manager Gemma B. Gabuya, DSWD Assistant Secretary for the 4Ps Marites M. Maristela, DSWD Undersecretary for National Household Targeting System and 4Ps Vilma B. Cabrera, SSS Executive Vice President for Corporate Services Sector Elvira G. Alcantara-Resare, SSS Executive Vice President for Branch Operations Sector Voltaire P. Agas, SSS Investments Sector Concurrent Acting Head Ernesto D. Francisco, Jr., and SSS Account Management Group Concurrent Acting Head Carlo C. Villacorta.


Macasaet said that through the agreement, SSS and DSWD will work together to protect the welfare of the most vulnerable sectors of society, including those families benefitting from the Philippine conditional cash transfer program.


“SSS aims to provide these vulnerable sectors with the mechanism to become active SSS members and thereby secure their future through the range of SSS benefits,” Macasaet said.


Under the agreement, Macasaet explained that SSS shall develop an AlkanSSSya Program specifically designed for 4Ps beneficiaries. The program was established in 2011 as a micro-savings scheme for self-employed workers with irregular income, such as tricycle drivers, market vendors, farmers, fisherfolks, and other workers in the informal economy.


“We may also craft a special SSS contribution table for 4Ps beneficiaries tailored to fit their paying capacity considering the current minimum monthly contribution of P570,” Macasaet said.


SSS exploring contribution payment options


Macasaet disclosed that SSS is exploring several options to help 4Ps beneficiaries pay the 120 monthly contributions required to qualify for a lifetime pension when they reach retirement age.


“It is important for 4Ps beneficiaries to have SSS contributions. Once they have paid at least 120 monthly contributions, they will no longer need financial support from the government because they will become qualified to receive a monthly pension from SSS upon reaching 60 years old,” Macaset said.


Macasaet said that SSS will discuss corporate social responsibility programs with businesses to subsidize the SSS contributions of 4Ps beneficiaries.


“We have a Contribution Subsidy Provider Program (CSPP), wherein a private or government individual or group can subsidize the monthly contributions of identified SSS members. We will pitch to companies willing to sponsor SSS contributions to subsidize the monthly premiums of 4Ps beneficiaries,” Macasaet explained.


He also said that the SSS will study the possibility of reducing the minimum monthly SSS contribution from P570 to a much more affordable amount.


“Our SSS Actuarial Team will check out if it is possible to have a lower monthly contribution specifically for 4Ps beneficiaries. For the poorest families like 4Ps recipients, paying P570 a month might already be a big amount. They might not be able to complete the minimum monthly contributions required to qualify for a lifetime pension,” he said.


However, Macasaet noted that a reduced monthly premium will result in a much lower benefit.


“Currently, SSS members who paid the minimum monthly premium of P570 for 120 months or 10 years will receive a lifetime pension of about P2,200 monthly. 4Ps beneficiaries who will be paying at a reduced monthly premium, let's say for 120 months, will get a lifetime pension much lower than P2,200 per month,” he explained.

Macasaet said another option is to pay a reduced monthly premium for a longer period than usual to receive a lifetime pension.


“SSS members who paid the minimum of P570 monthly contributions for 120 months shall receive a lifetime pension of P2,200 monthly. For 4Ps beneficiaries, we could lower their monthly premiums, but they must contribute much longer so they get the same amount of benefit. For example, 4Ps beneficiaries have to contribute for 180 months to get the minimum monthly pension of P2,200,” he added.


He said all these options are still at the exploratory stage, adding, “SSS and DSWD will still work on the implementing guidelines for the social security coverage of 4Ps beneficiaries.”


“We will immediately work on the appropriate mechanism for registration, contribution collection, benefit claims, and other essential details needed to implement the program knowing the importance of SSS membership to 4Ps beneficiaries.


SSS contributions will be voluntary


Gatchalian clarified that the 4Ps beneficiaries’ contribution to the SSS will be voluntary because the cash grants cannot be used to pay their SSS contributions since it is intended for health, education, and the rice subsidy.


Gatchalian added that DSWD will integrate the value of SSS membership during the 4Ps Family Development Sessions (FDS), an activity attended by 4Ps parents every month. In these sessions, 4Ps beneficiaries share their knowledge and experience and promote learning on good parenting practices, financial literacy, and disaster risk preparedness, among others.

 
 

@Buti na lang may SSS | August 18, 2024`


Buti na lang may SSS


Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang SS member. Nabalitaan ko kamakailan na mayroong bagong programang inilunsad ang SSS na tinatawag na MySSS Pension Booster para sa aming mga miyembro. Ano ba ang programang ito? Salamat.


— Lito



Mabuting araw sa iyo, Lito! 


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat may iniaalok ang SSS na isang voluntary provident fund program bilang karagdagang paraan ng pag-iipon para sa retirement ng mga miyembro. Ito ay tinatawag na voluntary scheme ng MySSS Pension Booster o dating tinatawag na Workers’ Investment and Savings Program (WISP) Plus.


Ito ay isang programa para sa lahat ng miyembro, anuman ang kanilang monthly salary credit (MSC) o bracket na may hindi bababa sa isang kontribusyon at wala pang final claim sa ilalim ng kanilang regular SSS program.


Ang MySSS Pension Booster ay isang magandang oportunidad sa mga miyembro upang mapalago ang kanilang pera na magsisilbing karagdagang layer ng social security protection para sa kanilang retirement fund bukod pa sa kanilang regular SS program.


Layuning protektahan ang principal ng mga contribution dito. Ibig sabihin, hindi dapat bababa ang nominal value nito, bagkus ay tataas lamang ito depende sa performance ng SSS investments. Magandang paraan ito para maprotektahan ang pinaghirapang pera ng mga miyembro laban sa inflation.


Kikita ng compounded interest ang mga contribution dito dahil ang investment income na idini-distribute kada taon ay magiging bahagi na rin ng Total Accumulated Account Value (TAAV) ng miyembro na kikita rin ng kaukulang interes.


Lito, kung nais mong magkaroon ng MySSS Pension Booster, maaari kang mag-log-in sa iyong My.SSS account sa www.sss.gov.ph, at mag-enroll sa MySSS Pension na nasa ilalim ng Services tab, at basahin ang terms and conditions ng programa at i-accept ito.


Ang pinakamababang kontribusyon para sa MySSS Pension Booster ay nagkakahalaga lamang ng P500 kada payment o bayad. Mababayaran ito sa pamamagitan ng Payment Reference Number (PRN) na kailangang i-generate mo gamit ang iyong My.SSS account.



Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page