top of page
Search

@Buti na lang may SSS | September 15, 2024`



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw! Ako o ay isang college student na gustong mag-part time work. Nag-apply ako sa isang call center at natanggap naman ako. Isa sa requirement ay ang SSS number ngunit wala pa ako nito. Hindi ako makapunta sa branch ninyo dahil may pasok ako sa school. May paraan bang makakuha ako ng SSS number na hindi na pupunta sa SSS branch?  Salamat. — Lilian ng Mandaluyong City



Mabuting araw sa iyo, Lilian!


Hindi mo na kinakailangang magtungo sa alinmang sangay ng SSS upang kumuha ng iyong Social Security (SS) number sapagkat available na ito online sa pamamagitan ng aming website, www.sss.gov.ph.


Inilunsad ito ng SSS upang mapabilis ang pagkuha ng SS number with My.SSS registration lalo na ang mga bagong tapos sa kolehiyo at kabataang naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon. Kasama rin ang online na pagbigay ng SS number sa aming patuloy na kampanya upang palawakin pa ang kapasidad ng aming website para makapagbigay ng mas magandang alternatibo sa mga over-the-counter na aplikasyon.

Upang makakuha ng SS number, pumunta sa SSS homepage at pindutin ang “No SSS number yet? Apply Online” tab na makikita sa ibabang bahagi ng SSS website.


Pagkatapos ay lalabas ang step-by-step guide na dapat mong sundin para umusad ang iyong online application.


Kinakailangang ibigay mo ang iyong mga personal na impormasyon gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan at e-mail address. Pagkatapos isumite ang mga impormasyong ito, padadalhan ka ng link sa iyong ibinigay na e-mail kaya dapat ito ay aktibo at laging ginagamit. Sa iyong e-mail address, kailangan mong kumpirmahin ang link na ipinadala sa iyo sa loob ng limang araw dahil kung hindi mo ito gagawin ay uulitin mo ang buong proseso.


Para makumpleto ang registration, kinakailangang suriin mong mabuti ang mga impormasyon na iyong nilagay at itama ito kung may mali bago makakuha ng SS number sa online system.


Dapat maging maingat at suriing mabuti ang mga personal na datos na iyong ilalagay bago mo ito isumite. Maaari lamang kasi itong baguhin o itama ang iyong member information sa pamamagitan ng pagsusumite ng Member’s Data Change Request kalakip ang mga kaukulang dokumento sa alinmang sangay ng SSS.


Pagkatapos maisyu ang SS number, ipapakita sa screen ang iyong personal record at SS number slip. Maaari mo rin itong i-print bilang katibayan ng iyong online registration. Magpapadala naman ng soft copy ng iyong Personal Record (E-1) sa rehistradong e-mail address na ibinigay mo sa SSS. 


Maaari mo nang ibigay sa iyong employer ang naisyung SS number. Upang maging permanent naman ang status ng iyong SS number, kinakailangang mong magsumite sa pinakamalapit na SSS branch ng mga documentary requirements katulad ng birth certificate. Maaari mong itong gawin sa iyong libreng araw.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (ConsoLoan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.

Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

@Buti na lang may SSS | September 8, 2024


Buti na lang may SSS

Dear SSS, 

 

Magandang araw! Nais kong ilapit ang nanay ko na isang retirement pensioner ng SSS. Mayroon bang iniaalok na loan program para sa mga pensioner nito. Magkano naman ang loanable amount at ilang taon itong babayaran? Salamat. — Chris



Mabuting araw sa iyo, Chris! 


Para sa kaalaman ng ating mga pensyonado, ang Pension Loan Program (PLP) ay isang loan program o pautang na binuksan noong Setyembre 2018 para sa mga retiradong pensyonado o retirement pensioners. Layunin ng nasabing programa ang makapagbigay ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng isang pautang na may mas mababang interes. Batid naman natin na kailangan Chris ng iyong ina at ng ating mga pensyonado ng karagdagang financial assistance para sa kanilang mga pangangailangang medikal, atbp. 


Dagdag pa rito, ang PLP ay nagsisilbing alternatibo sa mga private lending institutions na nagbibigay din ng pautang na may mataas na interest rates at ginagamit na kolateral ang ATM cards ng mga pensyonado.


Upang makahiram sa ilalim ng PLP, kinakailangan lamang na matugunan niya ang mga sumusunod na kondisyon:


  • hindi dapat hihigit sa 85 taong gulang sa katapusan ng termino ng pautang;

  • walang ibinabawas sa kanyang buwanang pensyon, gaya ng natitirang balanse sa ibang pautang ng SSS o kaya’y sobrang benepisyong binayaran ng SSS;

  • walang utang sa ilalim ng SSS Calamity Assistance Package (CAP); at

  • tumatanggap na ng regular na pensyon na hindi bababa sa isang (1) buwan.


Online na ang pag-file ng application sa PLP sa mga first-time borrower o magre-renew ng kanilang pension loan. Kinakailangan lamang na siya ay nakarehistro sa My.SSS na matatagpuan sa SSS website, www.sss.gov.ph. Kinakailangan ding ibigay ng iyong ina ang kanyang contact number o aktibong mobile number, kabilang ang kanyang SSS UMID-ATM o kaya’y ang Union Bank Quick Cash Card para rito.


Maaaring makahiram ng katumbas ng tatlo hanggang 12 beses ng kanyang tinatanggap na basic monthly pension (BMP) kasama ang P1,000 additional benefit na ibinigay noong 2017. Subalit, hindi ito hihigit sa P200,000 na siyang maximum loanable amount na ipinapahiram sa ilalim ng PLP. Dagdag pa rito, ang net take-home pension o matitira sa inyong buwanang pensyon ay hindi dapat bababa sa 47.25%.


Samantala, ang pension loan na katumbas ng tatlong beses ng inyong tinatanggap na buwanang pensyon ay babayaran ninyo sa loob ng anim na buwan; kung katumbas naman ng anim na beses ng inyong buwanang pensyon, maaari ninyo itong bayaran sa loob ng 12 buwan. Kung ang nahiram na pension loan ay katumbas ng siyam o 12 beses ng buwanang pensyon, maaari naman itong bayaran ng hanggang 24 buwan o sa loob ng dalawang taon. 


Ang isang kagandahan ng programang ito ay ang pagkakaroon ng credit life insurance ng borrowers. Kung sakali mang pumanaw ang nangutang na pensyonado at dahil dito ay hindi na nito maituloy ang pagbabayad ng kanyang loan, sa ilalim ng credit life insurance, babayaran ng isang insurance company ang natitirang utang ng pensyonado sa SSS.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Brand Zone | September 5, 2024



Photo

Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet pushed for the SSS membership of barangay captains and kagawads serving in around 42,000 barangays nationwide.


Macasaet spoke with barangay officials attending the Liga ng Mga Barangay’s National Congress on August 13 at the World Trade Center in Pasay City to encourage them to become SSS members and receive a lifetime monthly pension when they retire from public service.


“Many of our barangay officials and workers serve their constituents for 10 or 20 years. However, when they retire from public service, they do not get any separation pay or monthly pension. Now, through the SSS membership, we are offering you an opportunity to get a monthly pension when you retire from being a barangay official,” Macasaet said.


Macasaet told them to secure an SS number and start paying their monthly contributions so they would automatically get social security coverage from SSS.

He urged them to pay at least 120 monthly SSS contributions to receive a lifetime monthly pension once they have retired.


“Even if you pay your monthly SSS contributions intermittently, that is fine.   If you continue to pay until you reach at least 120 monthly contributions you will have a pension for life,” he explained.


Macasaet said that they should consider contributing to the SSS as an investment in their future. “Aside from retirement benefits, you will be entitled to sickness, maternity, disability, unemployment, funeral, and death benefits.”


Macasaet added that they can also take advantage of various SSS loan programs, such as salary and calamity, and get additional coverage from the Employees’ Compensation (EC) Program for work-related sickness or injury resulting in disability or death.

SSS hails Magna Carta for barangay officials


House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez is pushing for the passage of a Magna Carta for barangay officials at the House of Representatives that will empower local government units (LGUs) to allocate funds for the SSS contributions of barangay officials.


Romualdez vowed to champion the legislative measures so that barangay officials could become SSS members at no cost to them.


Macasaet lauded House Speaker Romualdez and Isabela 6th District Representative Faustino A. Dy V for filing the proposed bill that will allow LGUs to cover the monthly SSS contributions of barangay officials so they can receive lifetime pension, saying, “This move shows how much President Ferdinand R. Marcos Jr. cares for the country’s barangay leaders,” Macasaet said.


Moreover, Macasaet thanked Liga ng mga Barangay National President Maria Katrina Jessica G. Dy for allowing SSS to explain the value of social security coverage to barangay officials.


SSS brings e-services closer to barangay officials

SSS Executive Vice President for Branch Operations Sector Voltaire P. Agas said that SSS set up 50 laptops manned by SSS personnel, which assisted barangay officials in getting their SS numbers.


Agas said that SSS brought its Starlink and PLDT internet kits to ensure the nonstop service provision to those attending the event.


“We put up an SSS booth in the National Congress to assist barangay officials in their SSS transactions such as applying for SS and employer numbers or verifying their contribution or loan records,” Agas said.


Agas said barangay officials also conducted online services such as creating or resetting their My.SSS account, updating member and contact details, generating a Payment Reference Number (PRN), enrolling in the Disbursement Account Enrollment Module (DAEM), and filing of benefit claims and loan applications.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page