top of page
Search

by Info @Buti na lang may SSS | October 5, 2025



Buti na lang may SSS


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Nais kong ilapit ang nanay ko na surviving pensioner ng SSS. Mayroon bang iniaalok na loan program para sa mga pensioner nito? Magkano naman ang loanable amount at ilang taon itong babayaran? Salamat. —Leslie



Mabuting araw sa iyo, Leslie! 


Napapanahon ang iyong katanungan dahil kalulunsad lang ng Social Security System (SSS) ang Pension Loan Program (PLP) para sa mga surviving spouse pensioner.


Ang PLP ay isang loan program o pautang na unang binuksan noong Setyembre 2018 para sa mga retiradong pensyonado o retirement pensioners ngunit ngayon ay pinalawak upang masaklaw din ang mga surviving spouse pensioner sa ilalim ng SSS Circular No. 2025-007 na may petsang 23 Setyembre 2025.


Layunin ng nasabing programa ang makapagbigay ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng isang pautang na may mas mababang interes. Batid naman natin na kailangan ng iyong ina at ng ating mga pensyonado ng karagdagang financial assistance para sa kanilang mga pangangailangang medikal, at iba pa. 


Dagdag pa rito, ang PLP ay nagsisilbing alternatibo sa mga private lending institutions na nagbibigay din ng pautang na may mataas na interest rates at ginagamit na kolateral ang ATM cards ng mga pensyonado.


Upang makahiram sa ilalim ng PLP, kinakailangan lamang na matugunan niya ang mga sumusunod na kondisyon:

  • mayroong social security number;

  • nakarehistro sa My.SSS Portal na may updated na contact information;

  • may naka-enroll na disbursement account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM);

  • hindi bababa sa 18 taong gulang panahon ng pagpa-file ng loan application ngunit hindi lalagpas sa 85 taong gulang sa katapusan ng termino ng pautang;

  • walang ibinabawas sa kanyang buwanang pensyon;

  • walang utang sa ilalim ng SSS Calamity Assistance Package (CAP);

  • tumatanggap na ng regular na pensyon na hindi bababa sa isang (1) buwan;

  • nag-iisang binabayaran sa benepisyo ng pagkamatay; at

  • hindi na-disqualify dahil sa fraud o panlilinlang sa SSS.


Maaaring makahiram ng katumbas ng tatlo hanggang 12 beses ng kanyang tinatanggap na basic monthly pension (BMP) kasama ang P1,000 additional benefit na ibinigay noong 2017. Subalit, hindi ito hihigit sa P150,000 na siyang maximum loanable amount na ipinapahiram sa ilalim ng PLP.  Dagdag pa rito, ang net take-home pension o matitira sa inyong buwanang pensyon ay hindi dapat bababa sa 40%.


Ang pag-file ng pension loan application sa PLP ay maaaring isagawa online sa pamamagitan ng kanyang My.SSS account. Maaari ring mag-file over-the-counter sa mga sangay ng SSS. 


Samantala, ang pension loan na katumbas ng tatlong beses ng inyong tinatanggap na buwanang pensyon ay babayaran ninyo sa loob ng anim na buwan; kung katumbas naman ng anim na beses ng inyong buwanang pensyon, maaari ninyo itong bayaran sa loob ng 12 buwan. Kung ang nahiram na pension loan ay katumbas ng siyam o 12 beses ng buwanang pensyon, maaari naman itong bayaran ng hanggang 24 buwan o sa loob ng dalawang taon. 


Ang isang kagandahan ng programang ito ay ang pagkakaroon ng credit life insurance ng borrowers. Kung sakali mang pumanaw ang nangutang na pensyonado at dahil dito ay hindi na nito maituloy ang pagbabayad ng kanyang loan, sa ilalim ng credit life insurance, babayaran ng isang insurance company ang natitirang utang ng pensyonado sa SSS.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Brand Zone | October 1, 2025



SSS



QUEZON CITY – In response to the 8 September 2025 directive issued by Department of Finance Secretary and Social Security Commission ex-officio Chair Ralph G. Recto to roll out faster services to pensioners and members, the Social Security System (SSS) has officially launched the MySSS Card – designed to transform the way Filipino workers, pensioners, and their beneficiaries access their social security benefits and financial services.


SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph Montes De Claro stated that the MySSS Card fulfills two purposes. It acts as an official ID, replacing the long-standing Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card. It also operates as a fully functional debit card linked to a savings account.


De Claro noted that the card is equipped with an EMV chip. It is integrated with the Philippine Identification System (PhilSys) eVerify and biometric authentication. This provides a safe and convenient way for members to access SSS benefits and loans, as well as manage their daily financial transactions.


It merges social security benefits with digital banking, offering members a comprehensive way to access benefits, loans, and pensions quickly and conveniently. The card can also be used for shopping, public transport fares, and online purchases, De Claro explained.


The card will be issued exclusively through SSS partner banks. Issuance will start with Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) and will later include other banks such as Asia United Bank (AUB), China Bank, and Union Bank of the Philippines.

De Claro said the MySSS Card will automatically serve as the main disbursement account for SSS members. "Once members apply for the MySSS Card, we will link their partner bank savings accounts to SSS for benefits, loans, and other proceeds. They no longer need to enroll the MySSS Card in the Disbursement Account Enrollment Module (DAEM)."


He stated that starting today, 1 October 2025, SSS will accept applications for the MySSS Card. RCBC, through its digital arm DiskarTech, will be the card’s first implementer.

"The SSS and RCBC partnership marks a significant milestone in the digital

transformation of government services," he continued. "The MySSS Card’s rollout will expand as more partner banks join the program. This will provide more options for card issuance and banking features."


How to Apply for the MySSS Card


The MySSS Card is available to all SSS members, pensioners, individual claimants, beneficiaries, and representative payees who meet the following requirements:

  • Possess a permanent SS number;

  • Have an active account on the My.SSS Portal with updated personal details, including local address, mobile number, and email; and

  • Be registered with the Philippine Statistics Authority (PSA) under the National ID system, previously known as the Philippine Identification System (PhilSys).

Members with old SSS, UMID, or previous ID cards may apply for the MySSS Card to replace lost or existing cards.


De Claro said the MySSS Card application is simple and can be completed via My.SSS.

"Members choose their partner bank—initially RCBC—and consent to data sharing between SSS, the National ID system, and the bank."


After online verification and identity confirmation, members open a bank account either using their online app or by visiting a branch. For RCBC, members use the DiskarTech app to open the account.


The partner bank will produce and distribute the cards. Metro Manila residents will receive their cards within 15 working days, while those outside Metro Manila will receive theirs within 20 working days.


He concluded that launching the MySSS Card is part of a larger government push. This initiative is led by Finance Secretary and Social Security Commission ex-officio Chair Recto, who has championed reforms within the SSS to enhance its service delivery. #

 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Setyembre 21, 2025



Buti na lang may SSS


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay dentista dito sa Mandaluyong City. Ano ang schedule ng pagbabayad sa SSS ng katulad kong dentista? Salamat. — Lara



Mabuting araw sa iyo, Lara! 


Itinuturing ng SSS ang mga katulad ninyong dentista bilang mga self-employed member. At para sa mga self-employed member, ang deadline ng pagbabayad ng inyong kontribusyon sa SSS ay tuwing huling araw ng kasunod na buwan ng applicable month o quarter.


Kung nagbabayad ka ng quarterly, tuwing last working day ng kasunod na buwan ng applicable quarter ang inyong deadline. Ibig sabihin ang iyong kontribusyon para sa 3rd quarter ng 2025 (Hulyo hanggang Setyembre 2025) ay maaari mong bayaran hanggang 31 Oktubre 2025.


Kung monthly naman ang pagbabayad mo, ang iyong kontribusyon para sa buwan ng Agosto 2025 ay maaari mong bayaran hanggang 30 Setyembre 2025. Samantala, ang iyong kontribusyon para sa buwan ng Setyembre 2025 ay maaari mong bayaran hanggang 31 Oktubre 2025.


Ito rin ang sinusunod na deadline ng contribution payment ng mga voluntary at non-working spouse member ng SSS gayundin ng ibang self-employed members na katulad mo.


Subalit alinsunod sa SSS Circular No. 2022-028, ang mga magsasaka, mangingisda, at iba pang self-employed members na kabilang sa informal economy ay mayroong flexible payment schedule kung saan pinapayagan ng SSS na bayaran nila ang kanilang kontribusyon sa nakalipas na 12 buwan mula sa kasalukuyang buwan. Halimbawa, ngayong buwan ng Setyembre 2025, maaari nilang bayaran ang mga kontribusyon para sa Setyembre 2024 hanggang Agosto 2025.


Iba rin ang payment schedule ng mga overseas Filipino workers (OFW) members. Ang kanilang SSS contributions para sa Enero hanggang Setyembre 2025 ay maaari nilang bayaran hanggang 31 Oktubre 2025. At ang hulog nila para sa Enero hanggang Disyembre 2025 ay maaari nilang bayaran hanggang sa huling working day ng Enero 2026. 


Tandaan na hindi pinahihintulutan ng SSS ang retroactive payments. Halimbawa, ang isang self-employed member ay hindi niya nabayaran ang kanyang kontribusyon para sa Abril 2025. Hindi na niya ito maaaring bayaran pa ngayong buwan at ito ay magiging laktaw sa kanyang contribution records. Napakahalaga na alam ng isang miyembro ang akmang contribution payment deadline sa kanya.


Mas pinadali na rin ng SSS ang pagbabayad ng kontribusyon na maaaring gawin sa iba’t ibang SSS-accredited payment channels tulad mga accredited banks, payment centers, online banking, at e-wallet facilities.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page