top of page
Search

by Info @Buti na lang may SSS | Dec. 22, 2024



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang construction worker dito sa Taguig City. Nais kong itanong kung bakit kinakailangan akong magpamiyembro sa Social Security System (SSS)? Bakit ba ito mahalaga sa isang manggagawa na katulad ko? Salamat. Tonyo



Mabuting araw sa iyo, Tonyo!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat ang panahon ng Kapaskuhan ay kilala bilang a season of gift giving. Isa sa pinakamagandang maireregalo mo sa iyong sarili ay ang pagkakaroon ng social security coverage, lalo na sa mga manggagawang katulad mo, Tonyo, na nagtatrabaho sa pribadong sektor. 

Para sa iyong kaalaman, ang SSS ay naitatag noong Setyembre 1, 1957 upang mabigyang proteksyon ang mga manggagawa sa pribadong sektor, maging mga propesyunal at nasa informal sektor. Bilang tugon, ang SSS ang itinalaga ng gobyerno upang pangasiwaan ang iba’t ibang social security programs para sa mga miyembro nito.

Samantala, ang paghuhulog sa SSS ay isang paraan ng pag-iipon para sa iyong pagreretiro, maging ang paghahanda sa oras ng pangangailangan o contingencies. 

Bilang isang miyembro, maaari kang makakuha ng benepisyo para sa pagkakasakit (sickness), panganganak (maternity), pagkabalda (disability), pagkawala ng trabaho (unemployment), pagreretiro (retirement), pagpapalibing (funeral) at pagkamatay (death). Kailangan lamang na makatugon ka sa mga kuwalipikasyon ng bawat benepisyo. Gayundin, maaari kang makahiram sa mga programang pautang nito tulad ng salary loan, calamity loan, educational assistance loan, at pension loan para naman sa retirement pensioners. 

Sinusundan ng SSS ang defined benefit system kung saan nagbibigay ng mga benepisyo tulad ng sickness at maternity allowance at pensyon na kinukuwenta gamit ang bilang ng naihulog na kontribusyon at monthly salary credit o ang salary level kung saan ibinabase ang halaga ng buwanang kontribusyon ng miyembro. Dahil dito, ang bawat manggagawa na nagiging miyembro ng SSS ay siguradong makatatanggap ng kaukulang benepisyo mula sa SSS basta’t may sapat na kontribusyon.

May kasabihan na “once a member, always a member” dahil panghabambuhay ang pagiging miyembro sa SSS. Kahit pa mahabang panahon na siyang hindi nakapaghulog ay hindi mawawalang-bisa ang kanyang mga naihulog na kontribusyon sa SSS. 

Kaya, malaki ang maitutulong ng SSS sa mga taon ng iyong pagtatrabaho, Tonyo. Sa panahon ng iyong pagreretiro ay mapapakinabangan mo na ang naimpok mo sa SSS bilang pensyon na tatanggapin mo habang ikaw ay nabubuhay.

Ang SSS ay patuloy na mananatiling kaagapay ng bawat manggagawang Pilipino sa makabagong panahon at sinisiguro na makapagbigay ng tamang benepisyo sa mga miyembro at sa nararapat na benepisyaryo nito.  

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.

Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.

Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Brand Zone | Dec. 21, 2024



The Social Security System (SSS) today reported that it has already released more than P1.15 billion worth of calamity loan assistance to almost 70,000 typhoon-affected members, within two weeks after opening the assistance package.


SSS Acting Head for Public Affairs and Special Events Division Carlo C. Villacorta said that last month, SSS offered a calamity loan to qualified SSS members in areas battered by tropical cyclones Kristine, Marce, Nika, Ofel, and Pepito.


“The series of extreme weather conditions have immensely affected our members’ financial well-being. In response, many have quickly availed our calamity loan assistance to replace or repair their damaged properties. We hope that loan privileges provided by SSS will support their full recovery, just in time for the Holiday season,” Villacorta said. 


He explained the calamity loan is granted to SSS members living or residing in calamity-hit areas declared as under state of calamity by the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Villacorta reminded SSS members in areas battered by the recent tropical cyclones that they have until 21 December 2024 to submit their calamity loan applications through their My.SSS account.


To qualify for the calamity loan, members must have at least 36 monthly contributions, six of which must be posted within the last 12 months before the month of filing of loan application.


Meanwhile, individually paying members such as self-employed, voluntary, and land-based Overseas Filipino Worker members must have at least six posted monthly contributions under the current membership type before the month of loan application to qualify for the calamity loan.


Aside from the contribution requirements, member-applicants must:

 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Dec. 15, 2024



Buti na lang may SSS

Mabuting araw sa inyo! 


Ang Christmas season ay kilalang panahon ng pagsasaya kung saan kabilaan ang party. Dahil dito, sa special na edition ng ating column ay magbabahagi ang SSS ng ilang health tips para sa ating mga miyembro:


  1. Pagbabawas ng carb intake sa ating pagkain. Ang mataas na pagkonsumo ng carbs ay nagpapataas ng tsansa na magkaroon ng diabetes. Hinihikayat namin kayo na kontrolin ang pagkain nito. Halimbawa ng mga pagkain at inumin na mataas sa carbs ay ang soda, candy, white bread, pasta, at sweetened breakfast cereal.


Ang whole fruit, whole grain bread, broccoli at mushrooms ay ilang sa healthier options na maaaring ipalit sa mga pagkain na mataas sa carbs.


  1. Pag-inom ng tubig. Mahalaga ang pag-inom ng tubig sa ating kalusugan dahil ito ay nakakatulong sa ating digestion at absorption ng nutrients. Ugaliing uminom ng at least walong baso ng tubig kada araw. 


Mahalaga ang pag-iingat sa ating kalusugan upang maging produktibo tayo sa ating hanapbuhay. Subalit, kung nagkasakit ang ating mga miyembro na naging dahilan upang hindi sila makapagtrabaho, nakahanda ang SSS upang tulungan sila sa pamamagitan ng sickness benefit.


Ang SSS sickness benefit ay cash allowance na ibinabayad sa miyembro para sa bawat araw na hindi siya makapagtrabaho dahil sa sakit o pagkapinsala ng katawan. Ibinibigay ito sa mga kuwalipikadong miyembro na hindi makapagtrabaho ng hindi kukulangin sa apat na araw. Dapat nakapaghulog din siya ng hindi bababa sa tatlong buwanang kontribusyon sa loob ng huling 12 buwan bago ang semestre ng pagkakasakit o pagkapinsala ng katawan.


Para naman sa mga empleyado, dapat ay nagamit na niya ang lahat ng kanyang kasalukuyang sick leaves sa kumpanya. Mahalaga rin na naabisuhan o nabigyan niya ng notipikasyon ang kanyang employer.


Kung ang miyembro ay isang self-employed o voluntary member, siya naman ay direktang magpa-file ng kanyang sickness benefit application sa SSS dahil wala siyang employer.


Samantala, parehong ang pagsusumite ng SSS sickness notification at Sickness Benefit Application ay online filing na gamit ang My.SSS account ng miyembro. Kaya mahalaga na ang isang miyembro ay nakarehistro sa My.SSS Portal na matatagpuan sa SSS website, www.sss.gov.ph, at nakapag-enroll ng kanyang bank/savings account sa ilalim ng Disbursement Account Enrolment Module (DAEM) na matatagpuan din sa My.SSS Portal.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page