top of page
Search

by Info @Buti na lang may SSS | Jan. 26, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay isang SS member. Nabalitaan ko kamakailan na mayroong bagong programang inilunsad ang SSS na tinatawag na MySSS Pension Booster para sa aming mga miyembro. Ano ba ang programang ito? Salamat. — Lito



Mabuting araw sa iyo, Lito!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat may iniaalok ang SSS na isang savings program bilang karagdagang paraan ng pag-iipon para sa retirement ng mga miyembro. Ito ay tinatawag na MySSS Pension Booster.


Mahalaga ang MySSS Pension Booster sapagkat ito ay nagsisilbing karagdagang social protection ng mga miyembro bukod sa kanilang regular SSS program.


Ang MySSS Pension Booster ay isa sa mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na sinimulang ipatupad noong Enero 2021. Ito ay isang retirement savings program na pinangangasiwaan at ipinatutupad ng SSS upang matulungan ang mga miyembro na makaipon ng mas malaki para sa kanilang pagreretiro. Tulad ng regular SSS program ay hinuhulugan din ito kada buwan.

Ito ay isang programa para sa lahat ng miyembro, anuman ang kanilang monthly salary credit (MSC) o bracket na may hindi bababa sa isang kontribusyon at wala pang final claim sa ilalim ng kanilang regular SSS program.


Ang Pension Booster ay isang magandang oportunidad sa mga miyembro upang mapalago ang kanilang pera na magsisilbing karagdagang layer ng social security protection para sa kanilang retirement fund bukod pa sa kanilang regular SS program.

Layuning protektahan ang principal ng mga contributions dito. Ibig sabihin, hindi dapat bababa ang nominal value nito, bagkus ay tataas lamang ito depende sa performance ng SSS investments. Magandang paraan ito para maprotektahan ang pinaghirapang pera ng mga miyembro laban sa inflation. Kikita ng compounded interest ang mga contribution dito dahil ang investment income na idini-distribute kada taon ay magiging bahagi na rin ng Total Accumulated Account Value (TAAV) ng miyembro na kikita rin ng kaukulang interes.


Lito, kung nais mong mag-invest sa Pension Booster, maaari kang mag-log-in sa iyong My.SSS account sa www.sss.gov.ph , i-click ang “Enroll to Pension Booster” na nasa ilalim ng Services tab, at basahin ang terms and conditions ng programa at i-accept ito.


Ang pinakamababang kontribusyon para sa Voluntary MySSS Pension Booster ay nagkakahalaga lamang ng P500 kada payment at walang maximum amount na nais mong i-invest. Mababayaran ito sa pamamagitan ng Payment Reference Number (PRN) na kailangang i-generate mo gamit ang iyong My.SSS account.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Jan. 19, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw! Nais kong malaman kung bakit mahalaga ang tinatawag na Mandatory Provident Fund Program para sa mga miyembro ng SSS? At paano ko makikita ang record ng naihuhulog ko sa nasabing programa?  Salamat. — Sonia



Mabuting araw sa iyo, Sonia!


Mahalaga ang Mandatory Provident Fund (MPF) Program sapagkat ito ay nagsisilbing karagdagang social protection ng mga miyembro na naghuhulog sa matataas na Monthly Salary Credit (MSC) bukod sa kanilang regular SSS program.


Ang MPF Program ay pagpapatupad ng isa sa mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na sinimulan noong Enero 2021. Ito ay isang retirement savings program na pinangangasiwaan ng SSS upang matulungan ang mga miyembro na makaipon ng mas malaki para sa kanilang pagreretiro. Tulad ng regular SSS program ay hinuhulugan din ito kada buwan.


Nasasakop ng MPF Program ang mga miyembro na ang compensation base o kinikita nila ay nasa ilalim ng P20,500 MSC hanggang P35,000 MSC at walang final claim sa ilalim ng regular SSS program. Ang MSC ang siyang basehan ng contributions at benefits ng SSS. Ang bawat halaga ng buwanang kita ng isang SSS member ay may karampatang MSC.  Awtomatikong magiging MPF contributor ang mga miyembro na naghuhulog sa mga nabanggit na matataas na MSC.


Ang kanilang magiging buwanang hulog ay mula P75 hanggang P2,250. Kung sila ay employed member, paghahatian nila ng kanyang employer ang hulog para sa MPF Program. Kailangan namang ang miyembro ay aktibong naghuhulog ng kanyang buwanang kontribusyon sa ilalim ng regular SSS program.


Halimbawa, kung ikaw ay kumikita ng P23,750 kada buwan, bawat buwan ay maghuhulog ka ng P3,630 kada buwan kung saan ang P3,000 ay para sa iyong regular SSS contribution, P600 para naman sa MPF Program, at P30 na hulog para sa Employees’ Compensation (EC) Program. ‘Yung EC Program ay programa ng pamahalaan na pinangangasiwaan din ng SSS na nagbibigay ng dagdag-benepisyo kung ang aksidente, disgrasya, o sakit ay hango sa paghahanapbuhay.  


Sa mga covered employee o mga miyembro na may employer, paghahatian nila ang hulog sa MPF Program, gaya ng sa regular na hulog sa SSS. Halimbawa, ikaw, Sonia ay kumikita ng P23,750 kada buwan at naghuhulog ng P600 bawat buwan para sa MPF, sasagutin ng employer mo ang P400 bilang employer share, samantalang sasagutin mo naman ang P200 bilang employee share.


Maaaring mai-check ng miyembro ang posting ng kanyang kontribusyon sa MPF Program sa pamamagitan ng kanyang My.SSS account. Mag-log in sa kanyang account sa My.SSS. 


Ilalagak ng SSS sa iba’t ibang investment instruments ang mga kontribusyon ng mga miyembro sa MPF Program. Ang anumang kikitain dito ay ibabalik nang proporsyonal sa miyembro depende sa halaga ng kanilang contributions. Ang posted contribution sa isang buwan ay magkakaroon ng share sa investment income simula sa unang araw ng susunod na buwan. Hindi lamang nag-iipon ang miyembro kundi kumikita pa ang pinag-iipunan niya.


Sa iyong pagreretiro, Sonia pareho mong makukuha ang iyong retirement benefit mula sa regular na programa ng SSS at ang iyong naipon sa MPF Program. Ang MPF Program ay magandang pagkakataon upang magkaroon ka ng isang mas kumportableng pagreretiro kung saan lahat ng iyong naipon ay siya mo namang pakikinabangan sa kinabukasan. Bukod dito, ang iyong maiipon sa MPF Program ay tax-free at ginagarantiyahan ng SSS.  


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Brand Zone | Jan. 7, 2025



SSS


The Social Security System (SSS) announced that it is implementing a 1% contribution rate hike starting January 2025 to bring the contribution rate to 15% from the previous 14%, pursuant to the provisions of Republic Act (RA) No. 11199 or the Social Security Act of 2018. This is accompanied also by increases in the minimum Monthly Salary Credit (MSC) to P5,000.00 from the previous P4,000.00 and in the maximum MSC to P35,000.00 from the previous P30,000.00.  With these, SSS put into effect the last tranche of contribution rate and MSC increases which started in 2019.  


“The scheduled contribution rate and MSC increases are among the most important reforms under RA 11199 that aim to ensure the long-term viability of the SSS.  With this last tranche of contribution rate and MSC increases, the SSS fund is projected to last until 2053 – doubling the fund life to 28 years (vs 2032 or 14 years when an actuarial valuation study was performed in 2018).  This will allow us to fulfill our social security obligations to current and future members during times of contingencies,” SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph M. De Claro explained.


He said that the contribution rate and MSC increases will result in additional collection of about P51.5-B in 2025, 35% of which or P18.3-B goes directly to the Mandatory Provident Fund (MPF) accounts of SSS members.


“Such additional collection amount also enables SSS to support national government in times of difficulty, particularly as regards granting calamity loans,” De Claro explained.  In 2024, SSS released P9.7-B in calamity loans to more than 500,000 calamity-stricken members. 


Plans for 2025


“Our top priority in 2025 is service excellence to SSS members. We aim to enhance our programs and systems to provide superior customer service to our members,” De Claro said.  SSS shall continue to work on universal inclusion to social security through its KaSSSangga Collect and E-Wheels Programs for coverage of self-employed workers all over the Philippines.


With the market outlook being positive in 2025, SSS also looks to improve investment income performance from various asset classes. “The favorable outlook should enable SSS to actively participate in the capital markets and contribute to jobs generation as companies build and expand their businesses,” he said.


“Ultimately, our goal is to make SSS relevant in the life of every Filipino at every point in their lives by providing quality social protection and espousing the value of saving for the future,” De Claro emphasized.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page