top of page
Search

by Info @Buti na lang may SSS | Feb. 16, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang college student na gustong mag-part time work. Nag-apply ako sa isang call center at natanggap naman ako. Isa sa requirement ay ang pagkuha ng SSS number ngunit wala pa ako nito. Hindi ako makapunta sa branch ninyo dahil may pasok ako sa school. May paraan bang makakuha ako ng SSS number na hindi na pupunta sa SSS branch? Salamat. — Randy



Mabuting araw sa iyo, Randy!


Hindi mo na kinakailangang magtungo sa alinmang sangay ng SSS upang kumuha ng iyong Social Security (SS) number sapagkat available na ito online sa pamamagitan ng aming website, www.sss.gov.ph.


Inilunsad ito ng SSS upang mapabilis ang pagkuha ng SS number with My.SSS registration. lalo na ang mga bagong tapos sa kolehiyo at kabataang naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon. Kasama rin ang online na pagbigay ng SS number sa aming patuloy na kampanya upang palawakin pa ang kapasidad ng aming website para makapagbigay ng mas magandang alternatibo sa mga over-the-counter na aplikasyon.


Upang makakuha ng SS number, pumunta sa SSS homepage at pindutin ang “Apply for an SS Number Online” na makikita sa ibabang bahagi ng SSS website. Pagkaraan ay lalabas ang step-by-step guide na dapat mong sundin para umusad ang iyong online application.


Kinakailangang ibigay mo ang iyong mga personal na impormasyon gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan at e-mail address. Pagkatapos isumite ang mga impormasyong ito, padadalhan ka ng link sa iyong ibinigay na e-mail kaya dapat ito ay aktibo at laging ginagamit. Sa iyong e-mail address, kailangan mong kumpirmahin ang link na ipinadala sa iyo sa loob ng limang araw dahil kung hindi mo ito gagawin ay uulitin mo ang buong proseso.


Para makumpleto ang registration, kinakailangang suriin mong mabuti ang mga impormasyon na iyong inilagay at itama ito kung may mali bago makakuha ng SS number sa online system.


Dapat maging maingat at suriing mabuti ang mga personal na datos na iyong ilalagay bago mo ito isumite. Maaari lamang kasi itong baguhin o itama ang iyong member information gamit ang My.SSS account o ‘di kaya’y sa pagsusumite ng Member’s Data Change Request kalakip ang mga kaukulang dokumento at ipasa ito sa alinmang sangay ng SSS.


Pagkatapos maisyu ang SS number, ipapakita sa screen ang iyong personal record at SS number slip. Maaari mo rin itong i-print bilang katibayan ng iyong online registration. Magpapadala naman ng soft copy ng iyong Personal Record (E-1) sa rehistradong e-mail address na ibinigay mo sa SSS. 


Maaari mo nang ibigay sa iyong employer ang naisyung SS number. Upang maging permanent naman ang status ng iyong SS number, kinakailangang mong magsumite online o sa pinakamalapit na SSS branch ng mga documentary requirements katulad ng birth certificate. Maaari mong itong gawin sa iyong libreng araw.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Batay sa SSS Circular 2022-022, maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Feb. 9, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw! Sa ilalim ng bagong batas ukol sa maternity leave o ang Republic Act 11210, ano ang responsibilidad ng employer sa pagbibigay ng benepisyo? At paano ito naiiba sa dating batas? Salamat.  — Marian



Mabuting araw sa iyo, Marian!


Para sa inyong katanungan, pinalawig ng Republic Act 11210 o mas kilala sa tawag na 105-day Expanded Maternity Leave Law ang bilang ng araw ng maternity leave. 

Sa ilalim ng lumang batas ukol sa maternity leave, 60 araw ang ibinibigay na maternity leave para sa normal delivery at 78 araw naman para sa caesarian delivery. Subalit sa bagong batas, magiging 105 araw na ang maternity leave ng mga nanganak, normal man o caesarian ang delivery. Bukod dito, may opsyon din ang mga nanganak na palawigin pa ito ng karagdagang 30 araw ngunit wala na itong bayad. Nagbibigay din ng karagdagang 15 araw para naman sa mga single mothers.


Samantala, binibigyan naman ng 60 araw na maternity leave ang mga kababaihan na nakunan o sumailalim sa emergency termination of pregnancy.

Nasasaklaw ng bagong batas ang lahat ng kababaihang manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor, kabilang na ang nasa informal sector, anuman ang kanilang civil status at legitimacy ng kanilang anak.


Kung dati ay limitado lamang ang maternity benefit sa unang apat na pagbubuntis, ngayon ay wala ng limitasyon ang bilang ng pagbubuntis na mabibigyan ng benepisyo sa panganganak. Makatatanggap ang isang babaeng miyembro ng SSS ng benepisyo sa bawat pagbubuntis nito.


Para sa mga employer, responsibilidad nila na abisuhan ang SSS tungkol sa pagbubuntis ng  kanilang empleyado at dapat ay paunang bayaran ang kabuuang maternity benefit sa loob ng 30 araw matapos i-file ang maternity benefit claim application. 


Sa ilalim ng bagong batas, nais naming ipaalala na dapat bayaran ng mga employer ang difference sa pagitan ng kabuuang kita ng isang manggagawang babae at ang aktuwal na tinanggap nitong cash benefits mula sa SSS.

Batay sa SSS Circular 2021-004, online na ang filing ng Maternity Benefit Application at Maternity Benefit Reimbursement Application.


Ipinaaalala namin na ang sinumang employer na lalabag sa Expanded Maternity Leave Law ay pagbabayarin ng kaukulang multa na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P20,000 at hindi hihigit sa P200,000. 


Maaari rin siyang makulong ng mula anim na taon at isang araw hanggang 12 taon. Hindi na rin sila maaaring maisyuhan ng kaukulang business permit sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Batay sa SSS Circular 2022-022, maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Feb. 2, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw! Nitong January ay nagtanggalan sa pinapasukan kong kumpanya at kasama ako sa nawalan ng trabaho. Mayroon ba akong matatanggap na benepisyo mula sa SSS? Salamat.  — Leilani



Mabuting araw sa iyo, Leilani!


Opo, may matatanggap kayong unemployment benefit mula sa SSS kung kayo ay nakapaghulog ng 36 na kontribusyon at 12 rito ay nasa loob ng nakaraang 18 buwan, at dapat involuntary ang pagkatanggal ninyo sa trabaho.

Ang Social Security System (SSS) ay mayroong tinatawag na Unemployment Insurance o Involuntary Separation Benefit na mas kilala sa Unemployment Benefit Program. Ito ang bagong benepisyo na ibinibigay ng SSS sa mga miyembro nito simula noong March 6, 2019 nang maging epektibo ang Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018. 


Sa ilalim nito ang mga kuwalipikadong miyembro tulad ng mga covered employees o ang mga miyembro ng SSS na mayroong employer, kabilang ang mga kasambahay at sea-based overseas Filipino workers (OFWs), ay makakatanggap ng cash benefit allowance sakaling sila ay inboluntaryong mawalan o matanggal sa trabaho.


Ano nga ba ang inboluntaryong nawalan ng trabaho, Leilani? Kumpara sa mga ordinaryong resignasyon sa trabaho, ang dahilan ng pagkakatanggal ng isang miyembro sa trabaho ay hindi nila kagustuhan at may mas malalim na kadahilanan na hindi kontrolado ng empleyado. 


Una, para sagutin din ang tanong mo, ating alamin ang qualifying conditions ng programa. Kinakailangan na ang miyembro ay mayroong 36 monthly contributions, kung saan ang 12 ay nabayaraan sa loob ng 18-month period bago ang buwan ng inboluntaryong separasyon sa trabaho. Ayon sa iyo, ang buwan ng iyong involuntary separation sa trabaho ay Enero 2025. Para mag-qualify ka sa unemployment benefit dapat ay mayroon kang 12 buwang hulog mula Hunyo 2023 hanggang Disyembre 2024.


Upang malaman ng ating mga miyembro gayundin ikaw, Leilani, ang benepisyong ito ay katumbas ng 50 percent ng iyong average monthly salary credit (AMSC) na ibinibigay para sa maximum ng two (2) months. Ang AMSC ay alinman sa mas mataas sa dalawang komputasyon:

  • Resulta ito kapag dinivide ang kabuuang halaga ng 60 monthly salary credits ng miyembro bago ang semester ng contingency sa 60; o  

  • Resulta kapag dinivide ang lahat ng monthly salary credits bago ang semester ng contingency sa bilang nito.


Halimbawa ang AMSC ng miyembro ay P16,000. Ang kanyang unemployment benefit ay: P16,000 x 50% = P8,000 x 2 (para sa dalawang buwan) = P16,000 (kabuuang halaga na matatanggap na benepisyo sa SSS).


Ito rin ay one-time payment kaya matatanggap na ng miyembro ang benepisyo para sa dalawang buwan.


Ikalawa, ang edad niya ay hindi dapat humigit sa 60 sa panahon na mangyari ito, pero kung siya naman ay underground o surface mineworker, hindi dapat ito humigit sa 50, at 55 naman kung siya ay isang racehorse jockey.


Ikatlo, kailangan na ang dahilan ng pagkatanggal niya sa trabaho ay hindi niya kagagawan. Ilan diyan ay ang authorized causes for termination of employee na nakapaloob sa Articles 298 (283) at 299 (284) ng Presidential Decree No. 442 o ang Labor Code of the Philippines, as amended, na kinabibilangan ng installation ng labor-saving devices, closure o pagtigil ng operasyon, pagkakasakit, kung saan ang patuloy niyang pagtatrabaho ay makakasama sa kanyang kalusugan o ng kanyang mga katrabaho; at iba pa.


Kasama rin diyan ang just causes na isinasaad sa Article 300 ng Labor Code of the Philippines, as amended, kung saan maaari niyang wakasan ang kanyang employment relationship nang walang abiso sa kanyang employer. Halimbawa nito ay serious insult mula sa employer o ng representative niya sa dangal o katauhan ng empleyado, hindi makatao o hindi katanggap-tanggap na pagtrato ng employer o ng representative niya, at iba pang kahalintulad na mga sitwasyon.


Kabilang din dito ang economic downturn, natural o human-induced calamities o disasters, at iba pang kondisyon na papahintulutan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng SSS.


Samantala, hindi naman kuwalipikadong makatanggap ng unemployment benefit ang miyembro kung ang rason ng pagkatanggal sa trabaho ay dahil sa just causes na isinasaad sa Article 297 (282) ng Labor Code of the Philippines, as amended, gaya ng serious misconduct, sinasadyang hindi pagsunod sa mga makatarungang utos, gross at habitual na pagpapabaya sa mga tungkulin, at iba pa.


Ang prescriptive filing period ng unemployment benefit ay isang taon mula sa petsa ng involuntary separation.




Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page