top of page
Search

by Info @Brand Zone | Mar. 19, 2025



Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Robert Joseph Montes De Claro (4th from left) and Commission on Filipinos Overseas (CFO) Chairperson Dante “Klink” Ang II (3rd from left) ink an agreement for the implementation of the KaSSSangga Collect Program during a signing ceremony on 7 March 2025 in Quezon City. Also in the photo are (from left) CFO Director for Administrative and Financial Services Tiffany Jones Uriarte, CFO Executive Director and Undersecretary Ma. Arlene S. Borja, SSS Vice President for NCR North Division Fernando F. Nicolas, and SSS Diliman Branch Head Leo A. Danao.

      

The Social Security System (SSS) has partnered with the Commission on Filipinos Overseas (CFO) to provide social security protection to Job Order (JO) and Contract of Service (COS) workers in the government.


The partnership was formalized on March 7, 2025, at the CFO headquarters in Quezon City, where SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph Montes De Claro and CFO Chairperson Dante “Klink” Ang II signed a Memorandum of Agreement to implement the KaSSSangga Collect Program.


“We commend the CFO and Secretary Ang for taking this initiative to ensure that their JO and COS workers receive the social security protection they deserve,” said De Claro.

De Claro assured that SSS is committed to also support CFO's mandate of helping overseas Filipinos preserve and strengthen their social, economic, and cultural ties to the Philippines.


Under the agreement, JO and COS workers at the CFO will be registered as self-employed SSS members through the KaSSSangga Collect Program. It is important to note that these workers do not fall under the coverage of the Government Service Insurance System (GSIS) due to their employment status.


"CFO will act as an authorized Coverage and Collection Partner of SSS, enabling the agency to collect and remit the monthly SSS contributions of its JO and COS workers through a salary-deduction scheme," he explained.


As self-employed SSS members, JO and COS workers will gain access to a comprehensive range of social security benefits, including sickness, maternity, disability, retirement, funeral, and death benefits. Additionally, they will be able to apply for various SSS loan programs, such as salary and calamity loans, which will provide financial security in different life situations.


“Furthermore, they will receive additional coverage from the Employees’ Compensation Program (ECP) for work-related sickness, disability, or death," he added.

Regular CFO employees also have the opportunity to continue paying their SSS contributions as voluntary members under this program.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Mar. 16, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 


Magandang araw SSS! Ako ay isang housewife at ang aking asawa ay nagtatrabaho sa isang kumpanya at naghuhulog sa SSS. Nais ko rin sanang maghulog sa SSS ngunit ako ay hindi empleyado. May paraan pa ba na maging miyembro ako? Salamat.  — Selena



Mabuting araw sa iyo, Selena! 


Maaaring makapaghulog sa SSS ang legal na maybahay na katulad mo na isang aktibong nagbabayad na miyembro ng SSS bilang Non-Working Spouse (NWS). Ngunit kinakailangan na ito ay may kaukulang pahintulot ng iyong asawa.


Ibabatay ang iyong monthly salary credit na ihuhulog mo sa SSS sa kalahati o 50% ng monthly salary credit ng iyong asawa. 


Kung sa nakalipas na mga taon ay hindi ka kailanman naging miyembro o naghulog sa SSS at wala ka pang 60 taong gulang, maaari kang kumuha ng iyong SS number online. Magtungo ka lamang sa SSS website, www.sss.gov.ph.


Subalit kung ikaw ay SSS member na, maaari kang magpalit ng membership upang ikaw ay mapabilang sa Non-Working Spouse sa pamamagitan ng pagsusumite ng Member Data Change Request Form sa SSS.


Halimbawa, ang iyong asawa ay isang manggagawa na naghuhulog ng regular sa SSS kung saan kumikita at naghuhulog siya batay sa P16,000 monthly salary credit.


Katumbas naman nito ay ang P2,400 na kontribusyon kada buwan. Ikaw naman bilang kanyang asawa ay maaaring maghulog ng P1,200 na kontribusyon kada buwan bilang isang NWS na ibinatay sa P8,000 monthly salary credit (kalahati ng monthly salary credit ng iyong asawa).


At gaya ng ibang SSS member, kinakailangan mo ring magrehisto sa My.SSS portal na nasa SSS website, at mag-generate ng Payment Reference Number (PRN) na kailangan sa pagbabayad.


Kung natugunan mo ang mga kuwalipikasyong nabanggit, kinakailangan mong punan at isumite ang Member Data Change Request Form (SS Form E-4) sa pinakamalapit na sangay ng SSS. Dapat kalakip nito ang certified true copy ng inyong marriage certificate.


Kung wala ka pang SS number, dapat kang kumuha ng SS number online gamit ang SSS website, www.sss.gov.ph. Isumite mo rin ang certified true copy ng birth certificate sa pag-a-apply mo ng SS number. Matapos nito, maaari ka ng magbayad ng kontribusyon batay sa schedule of payment.


Mahalaga na ang isang NWS ay regular na naghuhulog ng kontribusyon upang maging kuwalipikado siya sa mga benepisyo ng SSS para sa panganganak, pagkakasakit, pagkabalda, pagreretiro, pagpapalibing at pagkamatay gayundin sa mga pautang na programa nito tulad ng salary, calamity loans, atbp.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.

Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Mar. 9, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 


Magandang araw! Ako ay 62 taong gulang na at nais ko nang mag-file ng aking retirement benefit. Paano ba maging qualified sa monthly pension? Salamat. – Sandy



Mabuting araw sa iyo, Sandy!


Hinahangad ng Social Security System (SSS) na lahat ng Pilipino ay makatanggap ng buwanang pensyon sa kanilang pagreretiro sapagkat ang SSS ay itinatag bilang pension fund ng mga empleyado sa pribadong sektor at sa lahat ng kabilang sa informal economy. 


Ang retirement benefit ay isang cash benefit na ibinibigay ng SSS sa miyembro nito na umabot na sa edad ng pagreretiro. Maaari itong ibigay ng lumpsum o kaya naman ay monthly pension.


Ang optional retirement age sa SSS ay 60, maliban sa underground o surface mineworker members kung saan ito ay 50 taong gulang. Ang technical retirement age naman ay 65, maliban sa underground o surface mineworker members kung saan ito ay 60, at 55 naman para sa mga miyembro na racehorse jockey.


Para makatanggap ng buwanang pensyon, kinakailangan na mayroong 120 posted monthly contributions ang miyembro bago ang semester ng retirement. Kung hindi naman umabot sa 120 monthly contributions ay lumpsum lamang ang kanyang matatanggap.


Aming hinihimok ang aming miyembro na bunuin ang 120 months na SSS contributions upang sa panahon ng kanilang pagreretiro ay makatanggap sila ng panghabang buhay na buwanang pensyon. Bukod sa monthly pension, ang mga retirement pensioners ay makatatanggap din ng 13th month pension tuwing Disyembre.


At kung ikaw ay mayroong pang menor-de-edad na anak sa iyong pagreretiro, siya ay maaaring makatanggap ng dependent’s pension na katumbas ng 10% ng basic monthly pension ng mo. Hanggang limang dependent minor children mula sa pinakabata ang qualified tumanggap ng dependent’s pension.


 Ang minimum monthly retirement pension ay P2,200 para sa mga miyembro na mayroong 10 na credited years of service (CYS) at P3,400 naman sa mayroong 20 CYS pataas. Ayon sa datos ng SSS sa katapusan ng 2024, ang karaniwang buwanang pension ay P5,081 at ang pinakamataas naman na buwanang pension ay P22,137.


Para sa karagdagang detalye at impormasyon tungkol sa SSS Retirement Benefit, hanapin lamang ang SSS Circular No. 2021 021 (Enhanced Online Filing of Retirement Benefit Claim through the My.SSS Portal).  

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page