top of page
Search

Patuloy ang pamiminsala ng COVID-19 kaya hindi na matutuloy ang balak na ika-4 na MPBL season.

Pero tatapusin naman ang mga natirang laro sa Lakan Season. Inihayag ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, itutuloy at tatapusin ang natitirang semis division at MPBL finals. “Yes, that’s really the plan of the league. Definitely, we will finish the Lakan Season, 'yung remaining games natin,” ani Duremdes sa CPT Crossover podcast.

Para maitaguyod ang naiwang laro, gaganapin na lamang ito sa iisang closed-door venue at magbibigay sila ng hotel accommodation sa mga manlalaro.

Nabuo ang plano upang mapangalagaan na rin ang kalusugan ng mga manlalaro. “We’re planning to have one venue lang, one venue lang. May mga hotels around it, para safe lahat. Madali i-quarantine and madali siyang mabantayan in short,” hayag ni Duremdes.

Sinabi pa ng dating PBA star na susunod sila sa mga panuntunan para iwas-aberya.

 
 

Iurong ang pagbubukas ng kanilang susunod na season sa first quarter ng susunod na taon (2021) bilang pag-aadjust sa inaasahang mga magiging epekto ng COVID-19 pandemic, ang isa sa mga pinagpipiliang isagawa ng pamunuan ng UAAP.

Pero sa kasalukuyan ay wala pa namang napagkakasunduan ang Board of Managing Directors (BMD) hinggil sa pagdaraos ng kanilang susunod na athletic calendar ayon kay UAAP executive director Rebo Saguisag.

Sa katunayan, ayon kay Saguisag ay sa inaasahang unang tatalakayin sa susunod na pagpupulong ng UAAP board ay ang mangyayari sa nahintong Season 82 bago ang plano para sa susunod na Season 83 na nakatakdang i- host ng De La Salle gayundin ang eligibility ng lahat ng mga student-athletes.

Hindi rin aniya basta-basta makakapagdesisyon ang BMD dahil isinasa-alang-alang nila ang maraming mga bagay gaya ng patuloy na pagbabawal sa pagdaraos ng mga mass gatherings, ang PSC statement na 'no vaccine, no sports' at ang sinasabi ng DepEd na magsisimula ang face-to-face o in-person classes sa Agosto 24 at Setyembre 1 naman sa CHED.

"Again, nothing is final as the goalposts keep shifting. Everything is on the table and the Board of Managing Directors is carefully preparing for many different scenarios which will be presented to the Board of Trustees for approval," wika pa ni pa Sagisag.

 
 

Matindi pa rin ang pag-atake ng COVID-19 at kahit saang sulok ng mundo ay namiminsala ang pandemya. Kaya naman tiniyak ni volleyball athlete-host Gretchen Ho na malinis ang kanyang paligid at tahanan.

Hindi pa rin payapa ang Pilipinas kahit isinailalim pa sa general community quarantine ang ilang lugar sa bansa.

"Now more than ever, we have to raise the bar when it comes to limiting the spread of infection. Even when we're at home, we can do our part by keeping our homes clean." wika ni Ho.

Samantala, wala pang sporting events ang naisasagawa, pero paniguradong nakahanda ang mga atleta anumang oras na magbalik ensayo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page