top of page
Search

Umaasa ang pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) na maidedepensa ng Pilipinas ang titulo nito sa 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam sakaling matuloy ito sa kabila ng coronavirus disease pandemic.

Inihayag ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na malaki ang tsansa na matuloy ang biennial meet sa susunod na taon dahil sa maayos na paghawak ng pamahalaan ng Vietnam sa kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa, kung saan sinabi ni Tolentino na na-blangko na nila ang bilang na ito sa ngayon.

Gayunman, inamin din ng pinuno ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (Philcycling) na pinangangambahang mabawasan ang mga sports event sa susunod na stage na hindi pa rin napag-uusapan dahil hindi pa naite-turnover ng opisyal sa Vietnam ang SEA Games flag na naudlot nitong Abril o Mayo dahil sa COVID-19.

“Definitely matutuloy iyong (SEAG) sa Vietnam, kase zero ang case nila,” pahayag ni Tolentino. “Na-islash ng 50% ang budget ng Vietnam, so ang epekto nu'n mababawasan 'yung events sa SEAG,” dagdag nito.

Inaasahan na ni Tolentino na pipiliting makuha ng Vietnam ang overall na kampeonato sa kanilang muhon, lalo pa’t karaniwang nagwawagi bilang kampeon ang host country sa regional meet. Sa kasaysayan ng SEAG simula noong 1959, 13 beses na naagaw ng katunggaling bansa sa host country ang titulo, kung saan 13 ulit na nagkampeon ang powerhouse na Thailand na sinundan ng Indonesia sa top 10.

Idinagdag pa niya na marami ang mawawala sa mga events na malakas ang Pilipinas hindi tulad sa nagdaang 30th edisyon na may 56 sports events na ginanap noong Nobyembre-Disyembre sa iba’t ibang parte ng Luzon.

Noong 2003 Vietnam Games ay napagwagian ng host country ang biennial games sa pamamagitan ng kabuuang 346 medalya sa 158 golds, 97 silvers at 91 bronze medals, na may 442 events sa 32 sports na nagawang hatiin ang mga laro sa Hanoi at Ho Chi Minh City.

Sa pagkakataong ito ay malaki ang posibilidad na ilagay ng Vietnam ang mga paborito nitong sports na Shuttlecock at Martial Arts na Vovinam, habang, nanganganib ang bansa na maisama ang mga pampalakasan na walang nakuhang ginto ang Pilipinas sa badminton, bowling, chess, football, handbell, netball, table tennis at volleyball.

“Lalaban tayo siyempre, pero panigurado hindi papayag ang Vietnam na matalo,” aniya, na nangakong gagawin niya ang lahat para mai-lobby ang Dancesports, Arnis, Kickboxing at Obstacle course kung saan humakot ang Pilipinas ng sangkaterbang gintong medalya para makuha ang ikalawang overall title nito sa kabuuang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals.

“Basta kung kaya nating ipadala, susubukan kong i-lobby ‘yung mga malakas tayo o 'di kaya ay hanggang kaya natin salihan, salihan natin lahat, kahit pa 'di natin masyadong nilalaro,” dagdag nito.

 
 

Nanindigan ang Asian Football Confederation (AFC) na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makoronahan ang mga kampeon sa AFC Champions League at AFC Cup bago magwakas ang 2020. Kasalukuyang suspendido ang dalawang malaking torneo sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Naglatag ang AFC ng mga panukala sa mga kinatawan ng lahat ng mga kalahok na bansa sa pamamagitan ng video conference noong isang araw. Mahalaga na matapos agad ang ACL para malaman ang kinatawan ng Asya sa 2020 FIFA Club World Cup sa Qatar ngayong Disyembre.

Pupulungin din ang mga bansa na naglalaro sa AFC Cup, kasama ang Pilipinas. Ang Ceres Negros at Kaya Iloilo ng Philippine Football League (PFL) ang nagdadala ng bandila ng bansa.

Bago hininto ang mga laro noong Marso, numero uno ang Ceres sa Grupo G na may pitong puntos buhat sa dalawang panalo at isang tabla habang ang Kaya ay pangalawa sa Grupo H na may limang puntos matapos ang isang panalo at dalawang tabla. Si Bienvenido Maranon ng Ceres ang nangunguna sa pinakamaraming goal sa buong torneo na may lima sa tatlong laro.

Sa Nobyembre talaga nakatakda matapos ang dalawang torneo pero mapipilitan ang AFC na paigsiin ang pagitan ng mga laro. Kailangan tumugma ang iba-ibang mga patakaran ng mga bansa pagdating sa paglakbay at pampublikong kalusugan at kalendaryo ng mga lokal na liga bago ilabas ang bagong schedule.

Parehong may nalalabing tig-tatlong laro ang Ceres at Kaya sa group stage na dapat ay natapos noong Mayo 13 at susundan agad ng unang yugto ng ASEAN semifinals noong Mayo 26. Ang mga koponan ay dapat naghahanda ngayon para sa pangalawang yugto ng semis sa Hunyo 16 subalit urong ang lahat ng ito.

Samantala, pinag-aaralan din ng AFC ang bagong schedule para sa naudlot na qualifier ng 2022 FIFA World Cup Qatar at 2023 Asian Cup sa Tsina. May nakatakda pang tatlong laro ang Pilipinas kontra sa Tsina, Maldives at Guam sa Grupo A.

 
 

Para kay Gabe Norwood ng Rain or Shine Elasto Painters, maituturing na ang pambansang koponan na lumaban sa 2007 FIBA Asia Cup sa Tokushima, Japan ang pinakamalakas sa lahat. Katatapos lang ng koleniyo sa George Mason University sa Estados Unidos ang noo'y 22-anyos na forward at sumabak agad sa laban kasama ang mga subok na beterano at papausbong na alamat ng Pilipinas.

Sa gabay ni Coach Chot Reyes, ang koponan ay binuo nina Norwood, Eric Menk, Mick Pennisi, Asi Taulava, Kelly Williams, Danny Seigle, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Dondon Hontiveros, Renren Ritualo, Kerby Raymundo at Jimmy Alapag. Sa ilalim ng koponan ay naging reserba sina Tony dela Cruz, Ranidel de Ocampo at James Yap.

“Me and Kelly were the young guys,” wika ni Norwood sa FIBA.com. “It wasn’t until I came here where I actually understood the lifestyle and the way the game was played and everything behind it.”

Isinama agad si Norwood sa listahan noong nalaman na may lahing Pinoy ito at bago siya nakatapak sa Pilipinas, mahusay ang ipinakita niya bilang kasapi ng GMU varsity at umabot sila sa Final Four o semifinals ng NCAA sa Amerika.

Natalo ang Pilipinas sa unang dalawang laro nito kontra Iran at Jordan kaya naglaho ang pangarap nilang makapasok sa 2008 Beijing Olympics. Bumawi naman sila at winalis ang mga nalalabing laro upang magtapos sa ika-siyam na pwesto.

Kahit bigo, ito ang naging simula ng matagal na relasyon ni Norwood at ng pambansang koponan. Bago sumabak sa PBA, naglaro siya saglit sa Philippine Basketball League (PBL) para sa Hapee Toothpaste at kinuha siya ng Welcoat Dragons, ang pangalan noon ng ROS, sa 2008 PBA Draft.

Base sa kanyang malawak na karanasan inilista niya sina Samad Nikkahbahrami ng Iran, Fadi El-Khatib ng Lebanon at mga kakamping sina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo at Andray Blatche bilang kanyang kasama sa Mythical Five. Sa edad na 35 ay malakas pa rin si Norwood pero titingnan pa kung maglalaro siya sa FIBA 2021 FIBA Asian Cup at 2023 FIBA World Cup sa Pilipinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page