top of page
Search

Hiniya ni “senior citizen” Francisco “Django” Bustamante ang mas nakababatang oposisyon tungo sa pag-akyat niya sa trono ng One Pocket Division sa 2020 Scotty Townsend Memorial Tournament sa West Monroe, Los Angeles, California.

Muling nasaksihan ang pormang nagbigay kay Bustamante, isang alamat ng world billiards mula sa Tarlac, ng titulo sa World 9-Ball Championships at nagtulak sa kanya sa Billiards Congress of America (BCA) Hall of Fame, nang rumatsada siya ng mga panalo kontra kina Roberto “Superman” Gomez (4-1), Chip Compton (4-2), Skyler Woodward (4-1) at Justin Hall (4-2) upang makasampa sa finals na dala ang malinis na kartada.

Nagkarera sa losers’ bracket sina Dennis “Robocop” Orcullo at Hall para sa huling upuan sa championship round. Sinagasaan ni Orcullo si Alex “The Lion” Pagulayan (4-2), Compton (4-2), Josh Roberts (4-1) at Jeremy Jones (4-2) pero nang nagharap na sila ni Hall, yumuko ang Pinoy kaya sa huli ay sina Bustamante at Hall ang nagharap para sa korona.

Hindi nakaporma ang huli kaya sa Tarlaqueno napunta ang kampeonato na nagkakahalaga ng $10,000. Si Bustamante rin ay bahagi ng dynamic duo ng Pilipinas na nagkampeon noong 2006 at 2009 World Cup of Pool kaagapay ang isa pang BCA Hall of Famer na si Efren “Bata” Reyes.

Nagkasya sa pangalawang puwesto ang Amerikanong si Hall ($6,000) samantalang sinelyuhan ni AZBilliards Moneyboard frontrunner at Derby City Classic Master of the Table Orcullo ($3,000) ang isang 1-3 na pagtatapos para sa tatlong kulay ng Pilipinas.

 
 

Kahit na mahigit isang buwan na nabakante dahil sa paghihintay ng kalaban matapos direktang pumasok ng finals pagkaraang walisin ang éliminations na pinatagal pa ng pagkaantala ng laro dulot ng coronavirus, tila mas lalo pang naging mabangis ang Nazareth School of National University Bullpups.

Kahapon sa Game 1 ng kanilang finals showdown ng Far Eastern University-Diliman Baby Tamaraws, 79-61, dinomina ng Bullpups ang una, para makauna sa serye at makalapit sa inaasam na season sweep sa larong idinaos sa Filoil Flying V Center sa San Juan. Umiskor ng 24 puntos, 3 rebounds at 1 assist si Terrence Fortea upang pamunuan ang nasabing panalo na naglapit sa kanila sa target na back-to-back championships.

Tatangkain nilang makumpleto ang season sweep na nauna nilang naitala noong 2013 sa ilalim ng dati nilang coach na si Jeff Napa sa Lunes.Samantala, parehas na galing sa kabiguan sa una nilang laban, mag-uunahang makapagtala ng una nilang tagumpay ang Lady Red Warriors at ang Lady Fighting Maroons.

Nauna rito, pinatikim ng University of Santo Tomas High School girls squad ng unang kabiguan ang Adamson University sa torneo, 73-68, upang makauna sa kanilang best-of-3 finals series. Umiskor ng 19 puntos si Erika Danganan upang pamunuan ang nasabing panalo ng Junior Tigresses kontra Lady Baby Falcons sa Game 1. Mga laro sa Lunes: Filoil Flying V Center: 1 pm UST vs. Adamson (girls); 3 pm NSNU vs. FEU (boys).

 
 

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Sumampa na ang Davao Occidental sa finals maging ang Bacoor ay nagawang makaresbak sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Davao Season noong Huwebes ng gabi sa Strike Gymnasium sa Bacoor City. Ipinalasap ng Tigers ang kanilang husay kontra Zamboanga at nanagasa sila sa iskor na 62-58 upang mawalis ang South division semifinals, 2-0.

Bentahe ang pagkakaroon ng hometown fans, inunahan ng Strikers ang mainit na pagpukpok sa laro kontra Basilan Steel, 80-69 na ipinatas ang semifinal series sa 1-1 at nakapuwersa ng decider game ngayong Sabado sa parehong venue. Bagama’t wala sa laro si MPBL Datu Cup MVP Gab Banal dahil na rin sa sprained medial collateral ligament, umalagwa ang Strikers sa 37-10 bago sila nanamlay sa 69-76.

Si Sans Banal, na nagtamo ng injury nang makabanggaan si Basilan star Allyn Bulanadi sa Game1 ay nagwagi ang Steel (77-63) kung saan sina dating pro Michael Mabulac, homegrown talents Ian Melencio at Mark Montuano at Mark Pangilinan ay nakapagdeliber ng magandang laro sa tuwa ni coach Chris Gavina.

Umiskor si Mabulac ng 14 puntos at sumunggab ng 19 rebounds nang mamuno ang Strikers sa boards, 53-39. May nagawa si Melencio, ang icon ng Cavite leagues bago naglaro sa MPBL ng 17 puntos at 4 assists, may bakas si Montuano na 15 puntos dagdag ang 7 boards at 10 may puntos si Pangilinan.

Nakagawa ang Basilan ni coach Jerson Cabiltes ng 16 puntos mula kay Bulanadi, ang Gilas pool member, 15 puntos mula sa limang tres ni dating pro Jonathan Uyloan at 11 na gawa ni Chris Dumapig.

Namuno si Kenneth Mocon para sa Davao sa bisa ng 14 points na mula sa apat na tres puntos habang naasahan si Anton Asistio sa huling quarter.

Sinuportahan ni Chester Saldua si Mocon sa bisa ng 8 puntos, 7 rebounds, at 3 assists habang si James Forrester ay pumoste ng 8 puntos, 3 assists at 2 steals para kay coach Don Dulay.

Sa paghahabol sa 12 minuto at 31 segundo, nakabasket si Mark Yee ng 4 puntos, 5 rebounds, 3 assist at steals para sa Davao, at haharapin ang panalo sa Bacoor-Basilan tussle para sa South Finals simula sa Lunes (Marso 9). Tumirada si Zamboanga native Robin Roño ng 15 points, may 12 puntos si Leonard Santillan at 8 boards habang si Asistio ay tumapos ng 14 points.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page