top of page
Search

Tatlong tigasing sentro sa PBA ang pare-pareho ang nasa isipan tungkol sa hinaharap ng batang si Kai Sotto.

Naniniwala sina June Mar Fajardo, Asi Taulava at Poy Erram na balang araw si 7-foot-2 Sotto ang magiging malupit na armas ng men's national team.

Ayon kay veteran NLEX stalwart Taulava malaki ang ilalakas ng national team sa hinaharap lalo na't makakasama nito ang isa pang amateur standout na si Thirdy Ravena.

"Thirdy is there, too. He's coming in. Thirdy and Kai, I think they're going to be the one or two who's going to be carrying the (national) team," saad ni 47-year-old at former PBA MVP, Taulava.

Pati si six-time MVP Fajardo ay nai-impress sa laro ni Sotto at para sa kanya ay mas mag-uumento ang laro nito dahil nagte-training ito sa ibang bansa.

"Sobrang ganda ng training ni Kai (Sotto) ngayon, baka ako pa turuan nun, e." saad ni Fajardo na pambato ng San Miguel Beer.

Nagsalita sina Fajardo at Erram tungkol kay Sotto sa episode 2 ng 'PBA Kamustahan,' ang bagong online program ng liga habang hindi pa humuhupa ang pamiminsala ng COVID-19.

Nakaraan lamang ay inanunsiyo ni 18-year-old Sotto na hindi muna papasok sa kolehiyo dahil sasalang siya sa NBA G League.

Suportado nina Fajardo at Erram ang desisyon ni Sotto na maglaro sa G-League.

Sina Taulava, Fajardo at Erram ay mga naging miyembro ng men's national basketball team.

 
 

Pinasinungalingan ni five-division world champion at undefeated boxing fighter na si ‘Pretty Boy’ Floyd Mayweather ang mga bali-balita at alegasyon na nagkukulang na ito sa pananalapi kung kaya’t babalik na ito sa mundo ng boxing.

Nilinaw ng 43-anyos na American boxer/promoter na mananatili itong retirado sa mundo ng pampalakasan, kahit pa man may alok na malaking halaga sa kanya. Ayaw man banggitin ni Mayweather ang pigurang presyong alok para lamang muling magbalik ito sa akyon para sa kanyang ika-51 laban. Gayunman, magdedepende pa rin ito sa kanyang kagustuhan.

“People keep saying, ‘Floyd ain’t got nobody, he don’t got this and he don’t got that. But I’m going to break certain things down,” pahayag ni Mayweather sa panayam ng fighthype.com. “I don’t monitor nobody else’s pockets. Am I comfortable? – Absolutely. Do I make seven figures every month? – Absolutely. From smart investments? – Absolutely. But if I see an opportunity where I can entertain and have a little fun and make six hundred million, why not?”

Inamin ni Mayweather na sakaling magbalik laban ito ay hindi ito matutumbasan ng anumang halaga lalo na’t magbibigay ito sa kanya ng kaligayahan at kakuntentuhan.

Isa sa mga inaabangang muling makakalaban ni Mayweather ay si eight-division champion at World Boxing Association (WBA) welterweight titlist na si Manny “Pacman” Pacquiao na kanyang tinalo sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision at tinatayang kumita ng mahigit na $600 million.

“If I am going to do something, it’s got to be worth it. But there’s no number that’s worth me getting back in that ring and fighting these young fighters to get any type of wear and tear on my body,” ika niya. “Am I going to fight any fighters as of right now? – No, I’m retired. I’m retired from the sport of boxing. I’m training, having fun, and enjoying life. I don’t want for nothing. I’m not retired from business.”

 
 

Pormal na inilipat ng Arellano University ang pagiging punong abala ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa darating na Season 96 sa Colegio de San Juan de Letran. Pinatibay ng lahat ng kasapi ng NCAA Policy Board na kinabibilangan ng mga Presidente ng 10 paaralan ang resolusyon na hinain ni Atty. Francisco Paulino Cayco ng Arellano.

“Colegio de San Juan de Letran graciously accepts the hosting duties for the 96th NCAA,” tugon ni Fr. Clarence Marquez OP, ang Rector at Presidente ng paaralan. “We express our heartfelt gratitude to Arellano University for their excellent leadership of the 95th NCAA and to our fellow member schools for their solid and steady support.”

Ang pagiging punong abala ng Letran ay sabay sa pagdiwang ng kanilang ika-400 na taon ng pagtatag. Malapit na ilatag ang mga plano para sa darating na taon sa ilalim ng new normal at makakaasa ang lahat ng atleta, opisyal at mag-aaral na pangunahin ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

Karaniwan ay may ginaganap na programa kung saan ihahatid ng bagong punong abala ang watawat ng NCAA galing sa dating punong abala. Subalit hindi muna maaring mangyari ito sa gitna ng krisis sa kalusugan dulot ng COVID-19.

Sa ngayon, haharapin ng NCAA ang malaking posibilidad na mauurong ang pagbukas ng bagong taon sa Nobyembre o sa 2021. May panukala na bawasan ang mga disiplina na lalaruin at ilang mga paaralan ay maaring tuluyang hindi lumahok sa mga piling disiplina.

Ang nakaraang 95th NCAA ang unang pagkakataon na nagsilbing punong abala ang Arellano. Huling naging punong abala ang Letran noong Season 88 noong taong 2012-2013.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page