top of page
Search

Naririnig na sa England ang hampas ng golf club sa unang pagkakataon mula sa halos dalawang buwan na pinairal ang quarantine at ipatupad ang coronavirus lockdown restrictions.

Pero kasunod ng pagluluwag na iyon ay nagdudulot din kahit paano ng kaba sa mamamayang minsan lang sa isang linggo na pinahihintulutang lumabas ng kani-kanilang tahanan, bagamat may 2 metro ang layo ng distansiya ng bawat isa. Ang iba pang sports activities tulad ng tennis, pangingisda, boating at lake swimming ay pinayagan na rin.

May 170 mga miyembro ang nagpa-booked na sa tee-off times nitong Miyerkules sa Hill golf club ng southeast London.

Tanging sa England lang pinayagan ito. Ang mga semi-autonomous governments ng Scotland, Wales at Northern Ireland ay nananatili pa ring “stay home” dahil sa marami pang kaso ng epidemic sa mga nasabing bansa.

Ang U.K. ay opisyal na naitalang may 33,000 na coronavirus related deaths sa Europa, ikalawa sa Estados Unidos. Sinisikap ngayon ng gobyerno na magbalik sigla ang ekonomiya na bumagsak sa 2% sa unang quarter ng taon.

 
 

Bumigay ang kaliwang bahagi ng baga ng isang jogger sa Tsina matapos ang 2.5 milyang haba ng tinakbo habang naka-face mask ito.

Ang29-anyos na si alias Zhang Ping ay isinugod sa Wuhan Central Hospital dahil hindi ito makahinga at naninikip ang dibdib.

Natuklasan ng mga doctor na ang kaliwang baga ni Zhang ay bumigay ng 90 porsiyento. Naniniwala sila na ang kondisyon ay dahil na rin sa mataas na pressure ng organ makaraan ang pagtakbo ng halos 7 kilometro habang nakasuot ito ng mask.

Halos lahat ng mga nage-ehersisyo ay dapat nakasuot ng face mask. Ang nasabing jogger ay isinailalim sa operasyon at nasa maayos na itong kalagayan.

Si Zhang ay nagsimulang mag-jogging ng nakaraang dalawang linggo upang magpababa ng timbang matapos ang halos dalawang buwan na lockdown sa Wuhan.

Una muna siyang nag-jog ng 3 kilometro kada araw, pero nang sumunod na linggo ay nagdagdag siya ng distansiyang halos 10 kilometro.

Itinuloy pa rin niya ang pagsusuot ng face mask kahit na hindi na siya makahinga at hindi na komportable dahil nakakober din ang mukha ng ibang joggers.

 
 

Lalarga na ang ika-32 edisyon ng HTV Cup ngayong Mayo 19, ang pinakamatanda at tanyag na karera ng bisikleta sa Vietnam. Tampok sa karera ang 18 yugto na may pinagsamang layong 2,183 kilometro at magwawakas sa Hunyo 7 sa Ho Chi Minh City.

Karaniwan ay sa Abril ginaganap ang karera subalit linipat ito dahil sa COVID-19. Matagumpay ang laban ng Vietnam kontra sa virus dahil wala silang naiulat na namatay at 288 lamang ang kumpirmadong kaso.

Dahil mahigpit pa ang paglakbay sa Vietnam, dalawang banyaga lang na nakatira doon ang kasama sa 84 sikista sa katauhan ng nagbabalik na kampeon Javier Sarda ng Espana at ang Pranses na si Loic Desriac. Si Sarda ay dumating noong Pebrero bago isara ang bansa habang lumipat si Desraic matapos mag-asawa ng taga-Vietnam.

Hahatiin ang 84 siklista sa 12 koponan. Maagang paborito ang Than Pho Ho Chi Minh na kinabibilangan ni Sarda na naninirahan ng walo sa 12 buwan ng taon sa Vietnam at umuuwi ng Espana kung walang karera.

Sikat ang karera ng bisikleta sa Vietnam buhat pa ng panahon na sinakop sila ng Pransiya mula 1887 hanggang 1954. Noong nakaraang Southeast Asian Games sa Pilipinas, nagwagi sila ng dalawang ginto at isang pilak subalit lahat ng ito ay galing sa kanilang koponan ng kababaihan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page