top of page
Search

Buo ang suporta ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa planong professional boxing career ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial kasunod ng mga napapabalitang aakyat na ito sa mas mataas na estado. Hindi umano pipigilan ng ABAP ang pagtuntong ng middleweight world champion sa propesyunal na bakbakan, katunayan ay tinutulungan pa umano ni boxing president Ricky Vargas at secretary-general Ed Picson ang 25-anyos na Zamboangenyo na makahanap ng maayos na professional manager sakaling maging pinal na ang desisyon nito.

Ayon sa lumabas na report, bukod kay Finkel, na dating handler ni eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao, ilan pa sa mga nag-aasam sa serbisyo ng Phil. Airman ay sina Keith Connolly at MP promotions president at international matchmaker Sean Gibbons.

Gayunman, sinabi ni Picson na prayoridad pa rin nila ang paghahanda ng 2020 Asia-Oceania Olympic Boxing Qualifier gold medalist para sa darating na Tokyo Olympics, na naurong sa susunod na taon dahil sa pananalasang dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, na nakaapekto ng husto sa pandaigdigang pampalakasan.

Mataas umano ang respeto ni Marcial sa mga opisyales ng national sports association dahil alam nitong kabutihan at kasiguruhan lamang ang intensyon ng mga ito na maipagpatuloy ang laban nito para sa Olympic Games.

“Alam ko naman na ang ikabubuti ko ang hangad nina Mr. Vargas at Sir Ed. Kanilang pag-aaralan ang mga alok, at ilalatag nila sa akin ang mga iyon at nasa akin pa rin ang huling desisyon,” pahayag ng three-time Southeast Asian Games champion.

 
 

Isa uling fund raising drive ang inihahanda ng Volleyball Community Gives Back PH para sa mga “matchday personnels” na lubha ring naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Nakatakdang magdaos ang BCGB PH ng dalawang araw na charity show na tinawag nilang “SERVE AS ONE Variety Show”. Mapapanood ang fundraising show sa Hunyo 5 at 6 ganap na alas-7:30 ng gabi sa Channel 2. Pangalawang fund raising drive na ito ng grupo upang matulungan ang mga volleyball paid-per-day personnel kasunod ng nauna nilang inilunsad na #CARINGFORALL: Down The Line, We Are One noong nakaraang buwan.

Hanggang noong nakaraang Biyernes, may naipamgay ng 200 care packs sa mga volleyball personnel sa Metro Manila ang VCGB PH. At inaasahang madaragdagan pa ito at muli silang makakapagbigay ng tulong sa pamilya ng mga volleyball personnels na naapektuhan ng postponement at kanselasyon ng mga volleyball leagues.

Pagsisikapan din ng grupo na matulungan ang mga nangangailangang volleyball personnels sa kasalukuyang kinakaharap na sitwasyon na walang katiyakan pahayag ni Alyssa Valdez.

 
 

Isang dosenang salpukan sa board ang nasaksihan sa championship play-off sa pagitan nina So (rating: 2770) at Caruana (rating: 2835) ng paligsahang isinaayos ng St. Louis Chess Center sa Amerika. Sa dulo ng duwelo, kapwa nakaipon ng tigsi-siyam na puntos ang magkaribal kung kaya nauwi sa tie-break ang finals. Dito, naging paramihan ng panalo sa mga clutch games ang labanan at nakaungos ang dating hari ng Philippine chess, 2-1.

Base sa format ng torneo, mas mataas na puntos ang ibinibigay sa apat na clutch games sa isang serye (5th, 6th, 11th at 12th games) kung ikukumpara sa mga larong hindi itinuturing na clutch games (1st, 2nd, 3rd, 7th, 8th, 9th at 10th).

Nauna rito, nakausad sa semifinals si So nang masingitan niya si speed chess monster GM Hikaru Nakamura, 9.5 - 8.5 habang winasak naman ni Caruana, isang Italian-American, ang hamon ni GM Leinier Dominguez, 15.0-3.0.

Ang pag-akyat ni So sa trono, na nagkakahalaga ng $30,000, ay pangalawa na sa nakaraang mga buwan. Kamakailan ay hinirang siyang 2019 FIDE World Random Fischer Chess champion. Bukod dito, ito na rin ang pangatlong pagkakataon na sumampa siya sa finals ng kanyang mga sinasalihang kompetisyon dahil siya rin ang naging runner-up sa 2019 Speed Chess Championships noong Pebrero.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page